❤Chapter 10❤ Expect the Unexpected

430 32 0
                                    

Art's POV

Alam niya naman siguro na ayokong mapag-isa. Ayokong walang kasama sa bawat gagawin. Pero iniwan niya ako eh. Di niya ako hinintay.

Kanina. Lumapit si Kris sa akin. Pero nung makita ko si Kath sa likod niya, di ko na alam ang gagawin ko kaya tumayo nalang ako at inirapan sila tapos umalis.

Pumunta ako sa may garden at nakita kong may mga puno na malalaki ang mga sanga kaya naisipan kong umakyat at magpahinga.

[Now Playing : Heaven Knows by Bryan Chong (Cover)]

"Saan ba talaga tayo pupunta Kath ?

Narinig ko sa malayo na binanggit ang pangalan na Kath kaya tinignan ko kung saan galing yung boses.

"Oo nga bes ! Kanina pa tayo nag-iikot ah."

Nakita ko silang tatlo na papalapit dito sa may garden.

"Eh ! Hinahanap ko kasi si Art eh."

(⊙_☉)

*Dug dug*

*Dug dug*

*Dug dug*

Ako ? Hinahanap niya ? Bakit ?

"Asan na ba kasi yun ?"

Di lang pala siya ang naghahanap sa akin. Haha. Asa pa ako. Nakaupo pa rin ako sa sanga ng puno at tinitignan ang ginagawa nila. Yung project namin. Nakita kong nagca capture sila ng mga pic. Tapos yung Clark naman at Kris, parang magkakadevelopan. Haha. Pero sa tingin ko lang yun.

"Yeah !" sabay na sabi ni Clark at Kris. Tapos nagkatinginan silang dalawa at nagtawanan. Si Kath naman, kinukuhanan ng stolen shots yung dalawa.

Tss.

"HAHAAH---OH. ANDUN PALA SI ART OH !" sabi ni Kris. Nakita siguro ako ni Kris kaya binanggit niya ang pangalan ko. F*ck. Pero di ko sila tinitingnan.

"HOI ART ! KANINA KA PA BA DYAN ?" Pasigaw na sabi ni Clark. Pero di ko pinapansin yung pagtawag niya. Sa halip ay nagtutulug tulugan lang ako patuloy na pinapakinggan yung music ko na sobrang hina ng tunog. Walang basagan ng trip.

"Tanga ka ba Clark ? Di ka maririnig nyan woi ! Naka earphones yan !" Rinig kong sabi ni Kris kay Clark. Pero, walang imik si Kath at nakatagpo sa isa't isa ang mga kilay na nakatingin sa akin.

"Ah ! Di pala naririnig huh !" sabi ni Clark. Napansin kong lumayo si Clark at may kinuha. Maliit na bato.

*Pok*

"ARRAAYY!" sigaw kong sabi. Ang sakit ng noo ko. Maliit na bato lang yun pero ang lakas ng pagkakabato. Aish.

"Ayan ! Napansin rin tayo. Sa wakas !"

Hinawakan ko noo ko. Tapos bumaba ako sa puno at naghanap ng maliit na bato. Pero mas malaki sa bato na binato niya sa akin.

*Pok*

"AARRAAAYY!" sigaw rin na sabi ni Clark.

(⊙_☉)

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Where stories live. Discover now