❤Chapter 41❤ The Truth and the Dare

245 17 0
                                    

Felix's POV

Lumabas kami ng unit ni Karla. Kainip din kasi sa loob eh. Daming away na nangyayari. Tsaka mag-eenjoy muna kami ng Girlfriend ko. Haha.

Naglalakad lakad kami, kumain, naghabulan, and ETCETERA.

"Do Clark really love Kath ?" biglang tanong ni Karla sa akin habang umuupo kami sa isang nipa house dito sa resort. Kami lang ang tao kaya malaya kaming makakapag-usap.

"Ah. Eh." pano ko sasabihin to.

"Don't lie." ayan na yang 'Don't Lie' na yan. Di ako magaling magsinungaling.

"Ah. Eh. Actually, Dare lang ang lahat." I just said so.

"What do you mean ?" she asked again. I hate keeping secrets to my Girlfriend.

*FLASHBACK*

"Felix. Bagay ba ?" tanong sa akin ni Clark. Suot niya ang isang Tux. We're going to a family party. Nag-thumbs up lang ako bilang pag-sagot sa tanong ni Clark.

---FastForward--->>>

Nung nasa gate na kami ng venue, kami lang ang tinitignan ng mga pinsan namin. Mga nasa 100+ siguro ang mga tao dito.

"Hey Bros, Wassup ?" salubong sa amin ni Jake. Ang hambog naming pinsan.

"Long time no see, bro ah." salubong din sa amin ni Blake. Kakambal ni Jake. Makikilala mo lang ang similarities nilang dalawa kasi si Jake, mahilig sa tack-in tapos si Blake, palaging suot ang Glasses niya. Malabo kasi paningin niyan.

"Yeah." That's what I've said.

"By the way, where are the others ?" tanong ni Clark sa dalawa. Actually, may gang kaming magpinsan and si Clark ang leader. Di naman ako masyadong seryoso sa gang namin.

"Nasa veranda. Nagkakasiyahan." ani ni Blake. Pumunta naman kami sa Veranda. Nung marating namin ang veranda, nakita namin ang grupo na nagkakasiyahan nga. Kasama nila mga Girlfriends nila. Except Blake, Clark, and Me. Di namin kasama mga Girlfriend namin. And except din kay Clark na walang Girlfriend.

"Hey. Babe. Where have you been ?" salubong ni Kathrina. Girlfriend ni Jake. Sabay kiss niya kay Jake. Pang-walo na nga siguro to sa nagging Girlfriend ni Jake sa loob ng dalawang buwan.

"Sinalubong ko lang sila." sabi ni Jake sabay turo sa amin. Naghiyawan naman ang lahat nung makita kami.

"Hi!" bati sa amin ng Girlfriend ni Jake. Dakilang Flirt na babae si Kathrina sa School nila, ayun sa balita. Baka nga di lang si Jake ang BF niya. Baka may naka booking na na iba. Ayaw naming mabiktima. We just smiled at her bilang pagbati.

"So kompleto na ang grupo. Let's enjoy the night." sabi ni CK. Ang maingay sa grupo.

---FastForward--->>>

Nasa gitna na kami ng gabi at lasing na ang lahat. Except me.

"Where's your Girlfriend ?" biglang tanong ni CK kay Clark. Tumahimik lang naman si Clark knowing na wala siyang Girlfriend. "What da f*ck ? Until now, Clark ? You still don't have girlfriend ? Don't tell me, di ka pa nakakatikim ng p*ssy ?" biglang sabi ni CK. Di lang pala siya maingay, Expert din siya sa lahat ng bagay.

"Majority sa grupo natin, may Girlfriend. What happened to you, bro ?" tanong ni Jake. Tumahimik lang ako sa gilid at naglalasing lasingan nalang. Medyo sumasakit na din ang ulo ko eh. Ngumiti lang naman si Clark.

"Okay. I will give you the half amount of my money in the bank." sabi ni CK. "Kung magkakaroon ka ng Girlfriend within this week." dagdag ni CK. Si CK ang pinakamayaman sa aming mag-pinsan. Ibig sabihin, napakalaki ng laman na pera ng bank account niya

"Lasing ka na bro." sapaw ko. Baka kung saan na to mapupunta.

"Palibhasa bro, may Girlfriend ka na. So, nakatikim ka na." sabi sa akin ni CK.

"Deal." biglang sabi ni Clark. I can't believe this.

"Sino naman ?" tanong ko kay Clark but he just give a grin smile at me.

"Don't say anything. Just remain silent." Clark said to me. Parang alam ko na ang mangayayari.

*END OF FLASHBACK*

"Yun yung totoo." sabi ko kay Karla. Yung reaksyon naman niya, 'di ma drawing.

"Kailangan na talagang malaman ni Kath to." sabi ni Karla sa akin at dali-dali siyang lumabas ng Nipa House. Di ko na siya pinigilan. Kath deserves to know. And I think, this day will be the best day to say those secrets.

Bumalik naman agad si Karla.

"Akala ko pipigilan mo ko ?" she asked sabay labas ng konti sa Nipa House. Baliw talaga tong Girlfriend ko.

"Di na. Patuloy mo na lang yang plano mo." sabi ko. Bumalik naman siya sa loob ng Nipa House tapos nag pout ng lips.

"Di ko na nga itutuloy. Akala ko pa naman pipigilan mo ko." sabi niya sabay cross arms with matching pout ng lips at tingin sa gilid. Ang cute lang talaga eh. Kinurot ko yung pisngi niya. "Aray, Flix. Masakit ah." reklamo niya.

"Haha. Ang cute kasi eh." sabi ko sabay tawa ng mahina.

"Sinong cute ? Ako o ang pisngi ko ?" tanong niya.

"Aba eh siyempre, yung pis---aahhhh." kinurot niya ako. "I mean is yung pisngi mo masarap, ikaw, cute."  sabi ko sabay nakaw ng halik sa kanya. Haha. Sapul. 3 Points.

"Magnanakaw." sabi niya.

"Sa'yo lang." sabi ko naman. Minsan nga lang ako nakakakiss sa kanya, magrereklamo pa. Hahay. Pasalamat siya, mahal ko siya. Haha.

"Dapat lang." sabi niya. Galit galitan kuno. Haha. Cute ng babe ko.

-------------------

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu