How can I begin?

135 7 3
                                    

Third person's POV


Masayang masaya si Dr, Blade na maramdaman na may mga bagong tao na nakayang tanggapin siya kahit pa kakaiba ang kanyang mga mata.

Subalit nasasaad sa propesiya na isang sanggol ang isisilang na may mga pulang mata, magliligtas sa mga tao. Subalit sa pagkasilang niya ay nakakabit ang sumpa ng kamalasan kung kaya't ituturing siyang halimaw ng mga tao.

Habang masaya siya ngayon...

Wala siyang kaalam-alam alam sa pag dating ng piligro.

Isang mahiwagang mapaghiganting nilalang ang gumumagala.

"AAHHHH!" sigaw ng babaeng naka-itim na may mga kasamang lalaki, nanginginig ang babae at may nakita sa kaniyang pangitain

"Bakit? Anong nakita mo Cheska?"

"Anong nakita mo?"

Kumunot ang noo ng kanyang mga kasamang lalaki.

"Ang Pheonix na may pulang alab ng apoy! Si Escanor!" ani nito na ikinabigla naman ng mg kasama niya "Masisira niya ang kadena! Lalaya sa mapagparusang kadena ang phoenix!"

"Pero imposible yon, matibay ang talisman na ginamit sa kanya!"

"Pero nakita ko." siguradong sagot nito "At nakita ko rin... ang pagkasilang ng isang sanggol." dagdag niya

"Sanggol?" ngumisi ang dalaga sa kanyang mga kasama

"Isisilang na ang bagong katawan ng sanggol na iaalay natin!"

                                                                                 *** ***


Blade POV


OK na ang lahat,akala ko porke may mga taong nakakaintindi sa akin eh magiging masaya na ako,akala ko katapusan na ng lungkot na nararamdaman ko pero mali ako.


The Best start for new beginning is now But how can I begin if there are still people who can't accept me?


Ilang araw na laging masama ang tingin sa akin ng mga tao, tuwing makikita ako. Well lagi namang ganun pero parang iba ngayon parang gusto nila akong saktan?Ang dahilan ay hindi ko alam.

Blade tawag sa akin ng isang pamilyar na boses habang umiinom ako ng Juice dito sa may hospital at nang humarap ako ay nakita ko si Blaze na kasama si Nanay.


"What are you doing here?" malamig na tanong ko sa kaniya

"Nabalitaan ko kay blaze na nagtanggumpay ka daw sa huling operasyon mo." nakangiting sabi ng babaeng yon. " At nanalo ka daw."

"So What? Tss, is that matter?"

"Oo and I'm so proud of you." sabi niya

Natigilan ako sa sinabi niya, I expect her na sasabihin niyang walang kwenta ang pagkapanalo ko, na halimaw pa rin ako pero hindi.

Feeling ko gumaan ang pakiramdam ko sa huling sinabi niya ito kasi ang unang beses na narinig kong sinabi niyang proud siya sa akin hindi tulad noon na sinabi niyang halimaw ako.


"Kung ginagawa mo ito dahil gusto mong mapatawad kita-"


"Okay lang kahit hindi mo pa ako mapatawad. Ayos lang pero gusto ko sabihin sayo hindi totoo lahat ng sinabi kong masakit sayo noon lalo na ang sinabi kong halimaw ka dahil ang totoo para sa akin blessing ka dahil anak kita." sabi niya.

Napansin ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.

"Ito Oh may dala akong pagkain para sayo, kainin mo yan huwag kang papa gutom." dagdag niya pa saka nag punas ng luha

Nung una ay ayaw kong kunin ang pagkaing binibigay niya pero napatingin ako kay Blaze na tumango sa akin para bang sinasabi niyang kunin ko kaya kinuha ko iyon.

"Sige aalis na ako." sabi ni nanay, pansin ko ang pamumula ng mga mata niya dahil sa luha bago siya tumalikod sa akin

Nakakatatlong hakbang palang siya palayo sa akin nang nagsalita ako ulit.

"Salamat..." gulat siyang napatingin sa akin, kaagad akong nagiwas ng tingin "Salamat po n-nanay."

Kahit hindi ko siya matignan, nakikita ko sa gilid ng mga mata ko yung pagsilay ng ngiti niya dahil sa huling salitang binitawan ko.

"Nanay."

"O-o sige alis na ako, huwag kang magalala pagsarapan ka d-dadalhan ulit kita ng pagkain pangako yan ah." sabi niya na parang umiiyak pero mababakas sa tono niya ang kaligayahan

Hindi na ako nag salita pa.


Ang saya ko dahil sa unang pagkakatao ay naramdaman ko uli na meron ako nanay at mahal niya ako. Bukod pa dun ay meron na din akong kaibigan na naiintindihan ako, ngayon ko lang naramdaman ang ganito, yung feeling na may nakakaintindi sayo at yung feeling natanggap ka nila.

"Nakita kong binigyan ka ng nanay mo ng pagkain. Mabuti naman at mukhang handa ka ng patawarin siya." sabi ni Tatay na hindi ko namalayang pumasok pala sa office ko habang nag checheck ako ng information ng mga psyente ko.

"Opo Tay."

"Kamusta naman?"

"Po?" ani ko sa kanya, ngumiti siya sa akin

"Yung feeling? Nandun pa ba yung galit sa puso mo o-"

"I-I don't know but..." I can't explain the happiness that I feel. "I don't know how to describe, but it feels great. I'm really happy." yumuko ako at lihim na ngumiti sa sarili ko

"Buti naman kung ganon, alam ko malapit na ang bithday mo this August 28 Diba?" tanong niya nagulat ako dahil buong akala ko hindi niya alam ang birthday ko. "Okay lang ba sayong mag celebrate tayo kasama ang nanay mo?"

The best start for new beginning is now,I'll start to forgive the person who left me.

"Opo Tay." tumango tango ako sa kanya

                                                                       *** ***

Sakabila naman ng unti unting paglalaho ng galit sa puso ni Blade ay isang tao naman ang unti unting binabalot ng galit dahil sa pagkawala ng lahat lahat sa kanya.


ICE VERANO


"Sinabihan ka na diba! Huwag mong gamitin yang kaliwa mong kamay dahil kahit anong gawin mo wala ng silbi yan! Tapos ano GINAMIT MO PA DIN KAYA AYAN NAPAHAMAK ANG PASYENTE!" galit na galit na sabi sa akin ng Chairman

"Pero hindi ko naman kasalanan ang nangyari-"

"Sabihin na nating hindi mo nga kasalanan, pero diba sa tuwing gagawin mo ang lefthanded surgery namamatay ang pasyente mo?" he chuckled

Bakit ba lagi na lang kamay ko ang sinisisi nila?! Kahit hindi ko kasalanan sa akin nila sinisisi, kamay ko 'toh bakit bawal ko gamitin!

"Tapos ngayon ginawa mo naman?! Pasalamat ka talaga na hindi VIP ang pasyente mo na yun dahil kung Vip yon ipapatapon kita sa hospital sa probrinsya, sa public hospital."

Sobrong galit ang nararamdaman ko dahil sa pangiinsulto niya sa akin.

Gusto ko siyang sagutin at iparamdam sa kanya ang galit ko pero alam ko naman na hindi siya ang maykasalanan. Hindi dapat siya ang pagbuntungan ko ng galit kundi ang mga taong naging dahilan kung bakit nagkaganito ako

Kung bakit naging ganito ang kamay ko.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now