Tiyan

122 7 0
                                    



Someone's POV


"Naramdaman mo ba yon Bell?" ani ko sa kama ko habang nakaluhod kami at sumasamba sa--

"Oo, mukhang may dalawang malakas na Celestial Guardian ang muling nagkita." ani ni Bell sa akin. Napangisi ako "Malamang na naramdaman rin ito ngayon ng leader natin."

"Escanor kaya ang isa sa kanila? Yung nilalang na sinasabi ni pinunong Astro na pumatay na maraming kasapi natin noon?" nagkibit balikat siya sa akin "Nakalaya na kaya siya sa chain seal?"

"Imposible yon..." natawang sabi ni Bell sa akin

Sabagay, imposible nga naman yon. Ikinukulong ng chain seal na yon ang pinakamalakas niyang kapangyarihan, makakalaya lang siya roon kung makakalabas ang tunay niyang lakas at isang bagay yon na napaka imposible.

~

Blade POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko kanina, pero hindi ko rin maiwasan mapaisip. Bakit kaya may kadena siya sa katawan? Sa leeg niya? Ano kaya yon?

Kinagabihan umiwi na ako sa Simbahan pero dinala ko ang picture namin ni papa para ipakita kay Olivia.

Masaya na sana ang nararamdaman ko pero nakita ko ang mga tao na masama ang tingin sa akin, sanay na ako na gunun sila maka tingin tuwing makikita ako pero parang mas masama ang tingin nila sa akin nayon.

Tinignan ko lahat ng taong malapit sa akin at nakita kong may iba iba silang sakit, tapos nakita ko si Gen isang batang 9 years old na nakatira lang malapit sa simbahan.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may bali bali ang binti niya at umiiyak siya at hindi lang yun nakita ko na meron siya osteogenesis imperfecta isang uri nang sakit sa buto na mamana sa lahi ng pamilya.

"Hindi maari!I yon ba ang binigay nang halimaw na Tiger na karamdaman sa kanila?"

"Mukhang hindi ako nagtagumpay." may narinig akong kung anong boses sa isip ko

Sino yon? Si Escanor?

"Hayop ka! Halimaw ka!" sigaw sa akin ni aling Marta na umiiyak at patakbong lumapit sa akin "Pinatay mo ang anak ko!" sabi niya pa saka pinaghahampas ako.

"A-Aray! Tama na wala akong-"

"Halimaw ka wala kaming ginawa sayo kahit alam naming halimaw ka pero bakit binigyan mo nang malalang sakit ang anak ko!" galit na galit na sabi niya habang pinaghahampas ako. "Sanggol pa lang ang anak ko, binigyan mo siya sakit sa puso wala kang awa!"

"Pero wala po akong kasalanan!" pagtatanggol ko sa sarili ko pero sinampal ako ni Aling Lina

"Halimaw ka! Ikaw lang ang may kakayahang gawin iyon so paanong hindi ikaw?! Eh ikaw lang naman ang halimaw dito!"

"Halimaw talaga!"

"Oo nga ano masaya ka na halimaw! sabi pa nung narinig ko

Grabe nasasaktan ako sa sinasabi nila, wala naman akong kasalanan pero ako agad ang sinisisi nila.

"Batuhin yan halimaw yan!" sigaw pa ng kga tao at binato nga nila ako

Akala ko ay tatama ito sa akin pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang may pulang liwanag na nag protekta sa akin.(hindi alam ni Blade na noong oras na iyon ay Kahit naka contact lens siya ay lumabas pa din ang tunay na kulay ng kanyang mga mata).

Tumigil sila nangmakita ang pulang liwanag at kita sa mga mata nila ang takot.

"Anong nangyayari dito?" tanong father

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now