Blaze

245 12 1
                                    

Chapter 06: Blaze

A few years passed and Blade became a full-fledged Doctor and he chose to become a surgeon from the hospital where he worked as an intern before 'St Harvey Hospital' pero ang hindi niya alam ay makikilala niya ang iba pang magagaling na Doctor na hindi niya pa nakikilala, isa doon ang taong labis niyang kamumuhian.

Blade POV

Ilang taon na ang lumipas, sawakas isa na akong ganap na Doctor...

Mapatutunayan ko na ang aking sarili sa iba...

Magagawa ko ng makapagligtas ng buhay...

Sawakas, mapatutunayan ko sa kanya na kaya kong wala siya kahit na iniwan niya ako noong panahong kailangan ko ng ina sa tabi ko. sawakas.

~~~

Ngayon lahat ay nagpapanic at kumikilos dahil Friday ngayon at punoan ng pasyente at isinugod din ang napakaraming naaksidente sa nasunog na Hotel.

"Doc meron pong naputulan ng kamay, na bunggo daw po ng kotse at nasagasaan ang kamay" sabi ni Nurse Kiel habang nanggagamot ako ng Burn patient

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko subalit kaagad akong tumango upang tulungan ang pasyenteng sinabi niya.

"Nurse Ann, Ikaw na ang bahalang mag linis sa sugat at sukatin mo ang areang nasunog sa katawan niya" utos ko kay nurse Ann at kaagad naman itong tumango sa akin.

"Opo Doc"

Lumpipat ang tingin ko sa mukhang mas batang lalaki na bagong intern dito, tinuro ko siya at pinalapit sa akin

"Intern ka diba?" turu ko sa lalaking mukang bago lang dito "Follow me!"

"Opo" agad na sagot niya

~~~

Inutusan ko ang nurse na turukan ang pasyente upang hindi nito maramdaman ang sakit, hiniwak ko ng scalpel ang parteng naputulan.

"Suture" sabi ko sa intern "SUTURE!" sigaw ko dahil parang tulala lang na nakatingin sa putol na kamay ang Intern na iyon.

Nagulat siya at ibinigay ang suture sa akin

Una kong tinahi ang mga laman ng naputol na kamay upang hindi na umagos ang dugo na lumalabas dito

"Cut" sabi ko at pinutol ni nurse Kiel ang suture at muli kong tinahi hanggan sa tuluyan na akong matapos. "Cut"

"Wow ang Bilis niyo po talaga mag tahi" sabi ni Nurse kiel pero pinagtaasan ko lang siya kilay

Pagkatapos ay tinignan ko ang lalaking intern na iyon.

"Hoy ikaw huwag kang tumanganga diyan! kumuha ka ng benda at bendahan mo ang putol na kamay ng lalaking pasyente!"

"Opo" sagot ng intern at kumuha ng benda

"Anong Pangalan ng pasente" tanong ko kay nurse Kiel

"Gilbert Moriz po, nabunggo daw po siya ng kotse at bumagsak siya sa lupa at imbis na tumigil ang kotse ay nagtuloy pa kaya yung kanang kamay niya naputol"

"May kamag anak?" tanong ko

"Opo parating na po Doc" sagot niya sa akin at tumango lang ako

~~~

1am ng matapos ang trabaho namin. akala ko ay mag oover time ako buti na lang hindi dahil pagod na ako sa mga pasyente at nahihilo pa.

"Doc hindi po kayo natutulog sa libreng tulugan ng mga Doctor?" tanong ng intern na kasama ko kanina

Pero hindi ko siya sinagot at nagpalit lang ako ng damit.

"Alam mo doc siguro kasing galing mo yung kuya ko kasi kamukha mo siya iba lang yung mata niya, hinahanap ko nga yung kuya ko nasaan kaya siya?"

Walang reaksyon ko siyang tinignan.

"Wala akong pakeilam sa kung sinong kuya mo" Sabi ko sa kanya

"Doc pwede niyo po ba akong turuan kung paano maging mabilis sa pagtahi tulad ng ginawa niyo kanina?" tanong niya at napa titig ako sa kanya.

Duon ay parang may naramdaman akong kakaiba dahil nakangiti siya sa akin, parang pakiramdam ko ay magaan ang loob ko sa kanya.

"Ayaw ko" tipid kong sagot

'Sige na po Doc turuan mo ako gusto ko kasi maging katulad mo na magaling"pagpupumilit niya

"Ayaw ko"

"Sige araw araw kita kukulitn hanggan sa pumayag ka na turuan ako" sabi niya

Haist!Ayaw ko naman ng araw araw may nangungulit at nanggugulo sa akin!

"Sige tuturuan kita pero bago yun gusto kong mag opera ka at ipakita mo sa akin o ivideo mo pagnagawa mo tuturuan na kita" Sabi ko sa kanya naisip ko kasi na kung gusto niyang matuto ay kailangan niyang magkaroon ng karanasan kahit isang beses

"Pero doc, bawal yun diba?"

"Tss!" napailing ako "Edi patago mo gawin pero kung hindi mo kayang gawin well sorry hindi kita-"

"Gagawin ko"

Pinagmasdan ko siya nang maigi at kitang-kita ko na seryoso siya sa kanyang sinabi. malalim akong napabuntong hininga bago muling nagtanong sa kanya.

"Oppss at Dapat Successful operation kaya mo ba?"

"Opo Doc"

Malakas ang loob niya pero alam kong hindi niya magagawa iyun dahil intern lang siya hindi naman sa pagmamayabang pero ako kahit intern ako noon nakapag opera ako ng successn dahil meron akong mga matang kakaiba, pero siya Normal lang ang mata niya kaya alam kong hindi niya magagawa ng tama ang kahit na anong operation.

Pero hindi ko maitatanggi at talagang malakas ang loob niya, kung magawa man niya ang pinagagawa ko ay talagang tuturuan ko siya .

"Anong pangalan mo bata?!"

"Ang pangalan ko Blaze Sorano" masayang sagot niya sa akin

"Sorano?" umangat ang sulok ng aking kilay dahil sa apelyidong binanggit niya. It's sounds familiar.

"Opo apilido po ng nanay ko kasi noong pinanganak ako sabi ng nanay ko iniwan kami ng tatay ko at ang pangalang Blaze hango yun sa pangalan ng kuya ko-"

"I'm not asking! I'm not interested in you and your family!" sarcastikong sabi ko sa kanya

Bigla akong nakaramdam ng paninibugho sa mga sinabi niya, alam kong walang dahilan pero naiinis ako nung banggitin niya ang salitang nanay.

Ano bang pakeilam ko sa pamilya niya o sa kanya! basta sana kung nag oopera siya sana hindi success o sana mamatay ang ooperahan niya! para hindi na ako magabalang turuan siya kung mamatay naman hindi ako ang lalabas na may kasalanan kundi siya, Kaya Ok lang.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now