Spirit of him

32 4 2
                                    

Blade Point Of View

"Blade tama na please!" sabi ng isang pamilyar na boses sa akin

Parang pamilyar sa akin ang boses na iyun-

Nang tigan ko ang mga mata ng black phoenix ay nakita ko si Tatay sa repleksyon ng kanyang mga mata.

"Tatay!"

Nakita kong nasasaktan si tatay Gino dahil sa akin, dahil sa kagustuhan niyang pigilan ako ay nasasaktan siya and I couldn't do anything! Wala akong magawa kundi ang manood na lang dahil wala akong kontrol sa katawan ko.

"Blade kahit anong mangyari, hindi kita hahayaang maging Halimaw." mahinang sabi ni Tatay na ngumiti't unti-unting bumitaw

May kung anong kaba sa dibdib ko nang sabihin niya yon pero pinilit ko balewalain yon. Alam ko na hindi yon mangyayari.

"Sino ka ba at bakit mo ako pinipigil? Gusto mo bang maunang mamatay?!" tanong ni Escanor

I was nervous when he asked Dad that question, but I wondered why he didn't know Dad and he didn't even know me.

Hindi nagsalita si Tatay bagkos ay tumawa lamang at iginalaw ang kanyang mga kamay pero hindi ko alam kung ano yun at kung para saan.

Basta ang huli ko na lang narinig sa kanya...

"Eye's sacrifice blood control, blood blood puppeteer."

"Iron maiden, 10,000 Swords!" halos dumagundong ang boses ng itim na Escanor

Saka lumitaw mula sa kalangitan ang halos sampung libong espada.

Namilog ang aking mga mata sa nakita. Balak ba ni Escanor patayin ang mga tao?! Nanginginig ako sa takot.

Nakita ko ang repleksyon ng sarili kong kamay na kumampay siya namang sinyales ng pagragasa ng lahat ng espada para patayin ang lahat ng tao.

The fact na ako mismo ang patay sa mga tao... Mas lalo akong natakot.

Napikit ako saka tinakpan ang tenga ko.

"Tama na!" sigaw ko. I'm afraid to think that I would kill everyone, even the woman I love. "Tama na please, Escanor bumalik ka na sa dati!" pagsusumamo ko.

Hindi ko na pigilan pa ang umiyak sa isiping papaslang ako ng maraming tao, kabilang roon si Olivia, si tatay at si Father.
No! Ayaw ko, ayaw kong mangyari yun!

"Escanor meus optimus quomodo es amicus?"

*Escanor kamusta ka na aking matalik na kaibigan?*

Natigilan ako sa pamilyar na boses na narinig ko, hindi ko naiintindihan ang kanyang sinabi pero alam kong si Escanor ang kausap niya.

"Sino yon?" takang sabi ko at nakita ko ang Isang naglalakad na puting liwanag

Noong una akala ko liwanag ito pero unti unti naging malinaw sa akin ang mukha niya, unti-unti kong nakilala kung sino siya.

"QUIS ES! QUID TE-"

*SINO KA! PAANO KA-*

"Non nosti me amplius hahaha!"

*Hindi mo na ba ako nakikilala hahaha.*

Ang kanina'y itim na phoenix ay naging kulay pula muli ng makita siya, subalit nanatiling itim ang mga mata nito.

Siya ang nasa nakaraan ni Escanor, si Vermillion B-

"Blade ikaw nga ba yan?" ani ni Escanor

I see he can't recognize even his own old Vessel. Hindi kaya dahil sa sobrang tindi ng galit niya ay hindi niya makita kung sino ang kaharap niya?

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now