Yakap

115 6 2
                                    


Blade POV


"Kapangyarihan?" naguguluhan na sabi ko pero siguro ang tinutukoy niya ay ang kakayahan kong makita ang loob ng katawan ng tao at pati ang ibang bagay na wala naman sa harap ko.

Ang pagtagos ng malinaw kong paningin.

Pero kahit gaano kalinaw ang paningin ko ay hindi ko siya makita, mata niya lang ang nakikita ko.

"Pero bakit ka nakakulong?" tanong ko saka pilit kong binubuksan ang rehas pero hindi ko kaya.

"Ang rehas na yan, ay gawa ng galit at puot na nanatili sa puso mo." sabi niya na ikinagulat ko. "At lalo itong tumitibay dahil sa kasakimang nabubuo sa puso mo, kasakimang nagnanais higitan ang lahat."

Natigilan ako, galit sa puso ko?

"Kahit kailan talaga... Sa kahit saang panahon at taon ang tao ay sakim pa rin." malamig niyang sabi, 'sing lamig ng boses niya ang tingin niya sa akin. "Blade... Kasing tulad ng iyong pangalan ang pangalan taong yon, ngunit ikaw ay purol na kaylangan hasain subalit si Blade ay matalim at hanggang ngayon ay nananatiling matalim."

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, pero para niya akong iniinsulto.

"Anong paraan para makawala ka?" tanong ko

"Magpatawad ka at higit sa lahat maging Doctor ka na ang iniisip ay pagliligtas sa buhay ng kapwa."

Natahimik ako sa sinabing iyon sa akin, hindi ko kayang gawin iyon, hindi ko kayang magpatwad.

"Nakalimutan mo na ba ang turo sayo ng iyong tinuring mo na ama?"

"Naalala ko ang lahat! Lahat ng tinuro niya lalo na ang tukol sa pagpapatawad pero hindi ko kayang gawin iyon. Hindi ko kayang patawarin ang mga taong iniwan ako." puno ng galit na sagot ko

"Siyang tunay, subalit kung bibigyan mo ng pagkakataon na papasukin uli sila sa buhay mo at kung bibigyan mo sila ng pagkakataon na mahalin ka natitiyak kong pipiliin mo rin magpatawad."

"Pero hindi ko kaya! Hindi ko kayang patawarin at tanggapin na lang sila!"

"Gawin mo yon hanggat hindi pa nahuhuli ang lahat." ani niya

At bigla na lang ay nagising ako na nakahig sa hospital bed.

Nakita ko si Gino na natutulog sa tabi ko at nagbabantay sa akin.

Nagising siya ng pinilit kong gumalaw.

"Anak!" alalang sabi niya na bigla niya akong niyakap.

Ngayon ay nasa balikat niya ang ulo ko.

Nagulat ako ng yakapin niya para bang ang sarap sa pakiramdam.

Naalala ko si papa ganun din siya sa akin noong may malaking sugat ako sa ulo dahil binato ako noon ng mga classmate ko sa kinder garden dahil iba daw ang mata ko.

"Papa Bad po sila ayaw nila sa akin" sabi ko noon

"Sa susunod anak tumakbo ka na lang kapag inaaway ka nila, patawarin mo na sila."

"Pero papa bat ko po sila patatawarin? Mga bad sila at hindi naman sila nag sosorry papa."

"Blade, kapag nakagawa ng kasalanan sayo ang isang tao dapat kahit hindi siya nagsosorry patawarin mo pa din siya kasi hindi maganda yung may galit sa puso mo. Mas masarap sa pakiramdam kapag nawala na ang galit at nagawa mo siyang patawarin."

"Hindi po kita maintindihan papa hindi ba po patatawarin kung nag sorry paano patatawarin kung hindi nagsosorry?" kunot noong tanong ko at tumawa lang siya noon at niyakap ako.

Who is Doctor Blade #Watty2018Место, где живут истории. Откройте их для себя