The truth behind the story of For Guardians

39 5 0
                                    

Gino POV



Nagmadali agad ako ng naramdaman kong may malakas na nilalang sa loob ng hospital kaya pumunta ako sa office ni Blade sa pagaalalang baka mangyari sa kanya. I don't know who is that creature, hindi ko alam kung siya ba si Chiharu o Sukuna basta isa lang ang alam kong gawin ngayon, proprotektahan ko ang anak ko at ayaw kong malaman ni Blade ang isang parte ng kwento na nililihim ko alang-alang sa kaligtasan niya.



"BLADE!" sigaw ko, pero pagdating ko ay tila na huli na ako.


Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Blade na nakalupasay sa sahig na para bang nasaktan.

Merong babae sa harap niya at hindi ko nakikita ang mukha at ang mata kaya pero ramdam kong malakas siya.


"Blade!" nagaalalang tawag ko saka lumapit sa kanya


'Hahaha mukang Siya na siguro ang vessel ni Sukuna at papatayin niyan ang anak mo!' ani ni Zeldris sa akin, narinig ko ang mahinang pagtawa niya.


Tinitignan ko si blade at mukhang matindi ang sakit na naramdaman niya, nagtagis ang bagang ko sa galit! Kahit na wala akong kwentang ama ay hindi ako papayag na may mananakit sa anak ko, tapos ganito?!

Tinanggal ko ang salamin ko.



"Wala kang karapatan saktan ang anak ko!" galit na galit na sabi ko sa babaeng yun habang hawak ko sa aking kamay ang kamay ni Blade

"Sino ka namang-- teka isa ka bang - " wika niya na, humarap ako sa kanya. "So Ikaw ang vessel niya."



Nanggigigil ako ngayong nakikita kong nanginginig at hindi makatayo ng maayos ang anak ko sa pagkakasalpak niya sa sahig.


"Ang lakas ng loob mong saktan ang anak ko, pagbabayaran mo yan ny buhay mo!"

"Tay..." tawag sa akin ni Blade na dumilat. "Huwag tay please..."



"Huwag kang magalala blade kaya ko siya-" sabi ko pero...



**Bougsh!!**



Hindi ko siya napansin na nakalapit na pala sa akin bata bigla na lang niya akong sinipa sa aking baba at tumalsik ako paitaas at tumama ang ulo ko sa itaas, nag crack ang kisame saka ako bumagsak sa sahig.


"Ahh!" ang Babaeng Ito napakalakas niya


Puta natalo ako ng babae?! Sino ba Siya?!


'Asul ang kanyang mga mata, maganda at malakas. Sa tingin ko siya ang vessel ni Chiharu' rinig kong sabi ni Zeldris


"So sabihin mo ang anak mo' ba ang vessel ni Sukuna?!"


Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now