Good night

122 8 1
                                    


"Well the match will begin as soon as possible, good luck." ani niya pero sa halip na makipag kamay ako ay pina lobo ko ang Bubble gum na nasa bibig ko.

Lumakad ako at hindi na siya pinansin.

Napagdesisyonan na ako ang pipili ng pasyente ng kalaban ko at siya ang pipili ng pasyente ko para masubukan namin ang galing ng isa't-isa.

At siyempre kapag mahirap ang pasyente libre ang operasyon at tanging ang gobyerno ang magbabayad.

Kaya kaylangan kong humanap ng pasyente na alam kong mahihirapan siya, alam ko na pipili rin siya ng pasyenteng mahihirapan ako.

Alam kong mahirap dahil kailangan kong pagsabayin ang paggawa ng Artificial Hand at ang paghahanap ng pasyente pero kahit ganun ay excited ako dahil ito ang unang beses na may humamon sa akin.

~~~

Palabas na sana ako nang makita ko si Pa-I mean si Gino. Ayaw ko kasing tawagin siyang tatay dahil galit ako sa kanya kahit pa naiintindihan ko ang Dahilan.

Nakita ko siya na parang nasasaktan habang nakayuko at hawak ang ulo niya gamit ang dalawang kamay, ayaw ko sana lumapit pero naramdaman ko nanaman ang malakas na kapangyarihan na nagmumula sa kanya.

"Shut up!" asik niya habang nakahawak sa ulo niya

"Weird."

Lalapit sana ako pero nilapit siya ni Dr Jerome naka baba lang galing second floor.

"Okay lang po ba kayo Dr, Gino?" tanong sa kanya ni Dr, Jerome

Nakita kong parang nagbago ang kilos niya at tinitigan niya si Jerome na merong masamang ngiti.

"Aatakihin ka sa puso."

"Ah anong-" napahawak bigla sa dibdib si Dr Jerome at tumigil na parang inatake sa puso.

"Nurse! Ann si Dr, Jerome!" naglapitan ang mga nurse at doctor saka inasikaso si Dr Jerome

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko "Ano bang nangyayari? Paanong--"

Napatingin ako kay Gino na nakatingin sa akin at nakangiti. Suot niya yung shades niya pero alam ko sa akin siya nakatingin, nararamdaman ko yung pwersang nanggagaling sa kanyang.

Nakakatakot.

"Ikaw... Bakit may nararamdaman akong masamang pwersa sayo!" tanong ko pero hindi ko naintindihan ang sagot niya

"Hindi ko magawang bigyan ka ng sakit dahil prinoproteksyonan ka ng iyong mga mata."

"Anong pinagsasabi mo?" kunot noong sabi ko at unti-unti siyang lumapit sa akin

Pero biglang dumating si Andrew sa likod niya ng hindi niya napapansin at tinurukan siya ng pampatulog.

Doon ay naramdaman kong nawala ang masamang Pwersa sa kanya.

"He is weird!"

"Kailangan natin siyang Dalhin sa simbahan para dun muna magpahinga." suggest ni Doc Andrew

"What no way!" galit kong sabi "Dalawa lang ang kama sa amin at Ayaw kong makasama yan!"

"Alam ko pero tatay mo pa din siya at higit sa lahat ikaw lang ang may kakayahang ibalik siya normal"

Ano bang pinagsasabi nito?!

"I don't know what your talking about, pero kinamumuhian ko ang lalaking yan kaya bakit ko siya-"

"Pero mahal mo ang tatay mo diba? Kaya nga gusto mo siya makilala. May parte pa din sa puso mo ang naghahangad magkaroon at mahalin ng magulang." sabi niya na nakatingin sa akin.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now