Blaze Mother

199 8 0
                                    

~~~Chapter 10 Blaze Mother~~~

Blade POV

3 days Before

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan ang pagkamatay ng pasyente ko, nagi-guilty ako pakiramdam ko ako ang pumatay sa kanya.

Ganun pala ang pakiramdam kapag unang beses kang mamatayan ng pasyente, masakit pala.

Pero sinusubsob ko na lang ang sarili ko sa trabaho para makalimot at iniisip ko na lang na normal lang yun o natural lang na may taong mamatay, tama natural lang.

~~~

Habang nagtatrabaho ako ay may pamilyar na mukha akong nakita. Isang babae na hindi ko inaasahang makikita ko pa ulit.

Isang babaeng may tama ng bala sa ulo, nakita ko na dadalhin siya sa may OR.

At nakita ko din ang pag aalala sa mukha ni Blaze habang tinititigan ang babaeng yun.

"Nay, huwag kayong matutulog nanay" umiiyak na sabi ni Blaze. nanliit ang mga mata ko sa salitang 'nanay' na tinawag niya sa babaing yon.

Tss!Now I get it ang babaing yon ang nanay niya!

Ang Babaeng kinamumuhian ko,ang babaeng dahilan ng kamatayan ng Papa ko.

Ang babaeng yun ang Nanay ko!

"Father Nickolas kayo na po ang magalaga sa kanya"

"Nay, huwag mo akong iwan" umiiyak na sabi ko habang nakayakap ako noon sa binti niya

"Huwag mo akong hawakan!!"sigaw niya at itinulak ako dahilan para bumagsak ako sa lupa

"Anna! huwag mong saktan ang bata!" sabi ni Father Nickolas at tinulungan akong tumayo

"Hindi siya Bata Father! Isa siyang halimaw at nagdadala ng kamalasan ang mga mata niya sa mga taong nagmamahal sa kanya! Isa siyang... Halimaw!!"

"Anna anak mo siya"

"Wala akong anak na Halimaw! at hindi ko kayang tanggapin na meron akong anak na halimaw!" tinignan niya ako na parang hindi niya ako anak, na parang nakakatakot akong halimaw "Kung pwede lang pumatay ay nagawa ko na!"

Nasaktan ako sa sinabing iyon ng sarili kong nanay, masakit pala malamang gusto akong patayin ng sarili kong nanay.

"Anna!!"

"Pero hindi, Kaya ikaw na lang mag alaga sa kanya" sabi niya at iniwan akong kasama si Father

Muli, bumalik ang matinding galit ko sa nanay ko at mas lalo lang akong namuhi sa kanya.

"Why are you here?" tanong ko kay Blaze ng makita siya sa labas ng operating Room.

"Yung nanay ko kasi dinala dito, ako lang ang kamaganak niya kaya naghihintay ako dito para malaman kay Doc Jerome kung okay na ba si nanay"

"Really huh? Well I think, it's her time to Die" napangising sabi ko

"Ano?!"

"Sa ulo siya may tama so I advice na huwag ka na umasa! 2-5 percent lang ang pagasang mabuhay pa ang taong nabaril sa ulo-"

"Wala akong pakialam! nanay ko iyon at kahit sabihing mababa lang ang percent na mabuhay siya aasa pa din ako! dahil mahal ko ang nanay ko!" sagot niya sa akin pero tinawanan ko siya sa sinabi niya

"I'm just asking! kung gusto mo maniwala sa imposible edi maniwala ka" sabi ko. tumalikod ako para sana iwanan na lang siya

"Bakit ba ganyan ka kung magsalita?!may nanay ka din at sigurado akong kung ikaw ang nasa posisyon ko gugustuhin mo ding mabuhay ang nanay mo kahit mababa lang persentong mabubuhay siya!" napahinto ako sa sinabi niya at nilingon ko siya

"Kung ako ang nasa posisyon mo hindi na ako aasa! bakit ko naman aasahan ang bagay na imposible"

Muli akong tumalikod sa kanya at tuluyan siyang iniwan sa labas ng operating room. nagmadali akong pumunta sa comfort room at kaagad sinara ang pintuan nito.

Binasa ko ng tubig ang aking kamay at hinugasan ito ng sabon, Alam kong mali pero hinihiling ko na sana tuluyan siyang mawalan ng nanay kasi naiinggit ako...

Alam ko na ngayon kung bakit ako naiinis sa lalaking yun Dahil kapatid ko siya at nanay niya ang babaeng kinamumuhian ko!

Bakit! bakit normal siya? bakit ako hindi! may hindi ba ako ako nalalaman? kilala ko ba talaga ang sarili ko o baka hindi? sino ba talaga ako! bakit ako naiiba?!

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now