RESURRECTION

23 2 1
                                    





ESCANOR POV


 P  E  R  P  E  R  I  C  U  L  O  S  U  M.


"WHAT IS THAT THING?!"


"Mommy bakit po dumidilim?"


"Sobrang init- bakit nagkukulay itim ang araw?"


"Katapusan na ba ng mundo?!"


Napakabilis na binalot ng kadiliman ang araw mula sa kinaliliparan ko ay kitang-kita ko yung mga tao, nakikita ko kung paano sila masunog sa matinding init na hatid ng itim na araw. Kahit ang pakpak ko ay nasusunog na rin kaya bago pa ako bumagsak ay bumaba na ako sa lupa.
Alam ko kung bakit naniniwala si sukuna na masasama ang mga tao, kahit naman ako ay nakita ko yung noon pero naniniwala ako na hindi lubos na masasama ang tao.

Nakalimutan lang nila ang kabutihan sa puso nila.
Ang kasamaan ay parang isang cancer na kung hindi mo lulunasan ay talagang kakalat, na kung walang mang gagamot ay hindi malulunasan.

Kaya hanggat naririto ako sa mundong ito at nasaakin ang mission ay tutuparin ko ang mission ko, ang protektahan ang mga tao.



"Black Phoenix... Pahiram ng lakas mo, tulungan mo 'kong tuparin ang mission natin." sabi ko. Pumikit ako para damahin kanyang lakas.


Umpisa palang alam ko na dalawa kami, naiisa kami,  na siya ang ikinukulong na kadena.
Alam ko yun kasi siya ang nilalang na nabuo dahil sa galit ko sa mga tao noon, ang itim na phoenix.

"Sabay nating protektan ang mga tao."


Muli kong idinilat ang mga mata ko pagkatapos ay tumingin sa itim na araw.
Bilang isang celestial guardian ito ang mission ko tutuparin ko ang mission ko kahit pa kalahati ng buhay ko ang kapalit nito.



"ESCANOR'S DIVINE TIME: TIME OF RESSURECTION!" ang katagang binitawan ko


Muling bumalik sa kalangitan ng higanteng oras pero iba ito sa tinawag kong orasan kanina na wold clock,ibang iba ito sa nauna.


Gumuhit ang pagkagulat sa mga mata ni sukuna na para bang sinasabi niyang nababaliw na ako pero hindi ako nababaliw.

"Escanor bakit?! Gagawin mo talaga yan para sa--" wika niya,  hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya.


Huminto siya nang tuluyan ng mabuo ang orasan, ang lahat ng bagay sa mundo ay huminto maliban lang sa akin. Bumaling ako ng tingin sa katawan ng mahalagang kaibigan para sa akin saka matamis na ngumiti kasi ngayon pwede ko ng ibalik ang oras, hinayaan ko ng gumalaw paatras ang mga kamay ng orasan habang lumalakad ako palapit sa kanya. 

Binuhat ko ang katawan ng aking kaibigan saka nagsalita.


""Blade, hoc tempore te possum protegere."" wika ko
Blade, this time I will protect you.


Napaluha ako habang nakatingin kay Vermillion blade na sa panahon na ito ay nagngangalang Dr, Gino Santiago. Ang bilog na kulay pulang nagliliwanag sa kanyang dibdib ay ang phoenix bird seal na iniwan kong palatandaan noon sa kanya, noong pinatay siya ng mga kapwa niya tao. Sinunog siya ng mga taong yun at hinusgahan at kabilang sa mga taong gumawa nun ay yung mga taong niligtas niya yung buhay.
Hindi ko siya na protektahan noon dahil may pumipigil sa paglabas ng kapangyarihan ko, hindi ko na gawang protektahan ang kaibigan ko.


Kaya sinabi ko noon na kung isisilang siya muli ay makikilala ko agad siya, na siya ang pipiliin ko at proprotektahan ko na siya. At tama nga ako nakilala ko ulit siya pero sa anak niya ako napunta.


"This time sisiguraduhin ko na maproprotektahan na kita hindi na ako magiging walang silbi." wika ko. Niyakap ko ang katawan niya dahil alam ko hindi ko na yun magagawa, kalahati ng buhay ko ang inalay ko kapalit ng orasan na tinawag ko, kapalit ng oras na ibabalik ko.


Sampu...


Siyam...


Walo...


Pito...


Alam kong nakikinig kayo at pinapanood niyo ang nangyayari kaya sinasabi ko na sa inyo,


Anim...


Lima...


Apat


Tatlo...


Hanggat nabubuhay ako ang  mundong ibabaw  protektado ko.


Dalawa...


Isa...


R  E  S U  R  R  E  C  T  I O  N     TIME   COMPLETE.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now