10 THOUSAND SWORDS Part 2

30 4 2
                                    

Matapos ang mahigit 10,000 na espadang sabay-sabay tumama at tumusok sa katawan ni Gino, bumukas ang iron maiden, natanggal ang kadenang nakapulupot sa katawan nitong duguan at wala ng buhay na nahulog ang kanyang katawan. Samantalang nagpupumiyos naman sa galit si Zeldris sapagkat ang inaasahan niya nuon paman kay Gino ay gamitin ang kapangyarihan niya sa kasamaan, pero pinili nitong gamitin ang kapangyarihan sa kabutihan at namatay pa ito.

Lalo siyang nagalit dahil nga may batas ang apat na guardian na bawal mamatay ang kanilang vessel o kaya nama'y kung mamatay ito ay hindi na sila dapat pang manatili sa katawan nito at maghintay na lang muli ng 1000 years bago humanap ng vessel, ito'y dapat sundin dahil ang sino mang sumuway ay mamarkahan bilang isang halimaw at magiging ganap ng halimaw.

"Hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mong protektahan ang iba kesa sarili mo, hindi ko maintindihan!"

Naalaa niya ang ginawa ni Gino bago pa tamaan ng madaming espada, ngumiti ito nag unlock seal.

iniisip niya noong oras na iyon na gagamitin ni Gino ang kapangyarihan niya para protektahan ang sarili subalit mali siya, sahalip ay ginamit nito ang sariling dugo upang makagawa ng cocoon. Cocoon na ikinukulong sa loob si Blade para tulungang magbalik sa katinuan pero para magawa yun ay tatawag ng napakaraming kaluluwa ang cocoon mula sa mundo ng patay upang tulungan siyang bumalik sa katinuan at gagana lang din yun kung merong kahit nagiisang kaluluwa na importante para sa nakakulong  sa cocoon na iyon.


"Bakit sa halip na protektahan ang sarili, ginamit niya ang huling lakas niya para protektahan ang anak niya?! Hindi ko maintindihan!" napapailing na sabi ni Zeldris "Ang ibang tao kapag nagkaroon ng kapangyarihan aabusuhin nila ito saka gagamitin para lang sa sarili at ang iba nga ay ipagpapalit ang pamilya para sa kapangyarihan, kaya bakit siya iniligtas niya yung iba imbis na sarili niya?!"

"Tapos ngayon patay na siya?!Nakakaasar!"

Naalala ni Zeldris yung unang pagkakataong nakita niya si Gino sa gubat.

'Wow napaka ganda ng kulay ng kanyang mata!" dinig niyang sabi ng lalaking hindi niya akalaing kamukha ng isang taong nakilala niya 1000 years ago

Nakilala niya sa mansyon kung saan sinukuna ng masamsamang tao na kunin ang kanyang kapangyarihan.

"Ikaw?! Paanong buhay ka pa?!" hindi makapaniwala at galit na tanong niya pero hindi naman siya naiintindihan ni Gino


"Kakaiba ang mga mata mo kumpara sa ibang tigre dito, natitiyak kong katulad ng sa phoenix na yun na meron ring kapangyarihan ang mata mo."

'tinawag niyang Phoenix si Escanor? pero ang tawag ni Blade kay Escanor ay Escanor, hindi siya si Blade?'


"Maari ko bang makuha ang kapangyarihan mo?" deretsahang tanong ni Gino


Tch! Mga tao talaga! napaka sakim sa kapangyarihan, hindi pa ba sila kuntento na sirain ang mundo at gusto pa nila ng kapangyarihan!

"Hindi mo makukuha ang kapangyarihan ko!"

"Kaibigan, kailangan ko ng tulong ng iyong kapangyarihan para iligtas ang ibang tao sana hayaan mo at huwag kang magalit kapag ang laman mo ay hinalo ko sa experiment ko at inumin ito upang kunin ang kapangyarihan mo."

Noo'y inisip ni Zeldris na hindi totoong para yun sa kabutihan pero lihim siyang natuwa dahil walang alam ang henyong Doctor na kapag ang kahit kunti lang na laman loob ng Guardian na si Zeldris ay maihalo sa experimento at mainom niya ay magmimistula yung susi para mabuksan ang pintuan papasok sa loob ng katawan niya upang maging vessel.


At hindi nga sya nagkamali dahil nung una'y ginamit ni Gino ang kapangyarihan sa pansariling kagustuhan katulad na lang ng binigyan niya ng sakit ang ibang tao para magpagamot sa hospital at hinayaan lang yun ni Zeldris dahil malalalang sakit ang ibinibigay niya na kadalasa'y nauuwi sa agarang pagkamatay, masaya si Gino kapag sa kanya pinapagamot ang pasyenteng binigyan niya ng sakit dahil nagagamot niya ito at siya ay nakakatanggap ng papuri.

Bigla na lang nagbago ang lahat mula ng iwan si Gino ng asawa, bumalik ang dating Gino na hindi kilala ni Zeldris. Si Gino na may pagmamahal sa pasyente, alam ang kahalagahan ng buhay at walang pakailam sa papuri ng iba.

'NAKAKAASAR KA NA ALAM MO BA! Itigil mo na ang pagkukunwari mong bayani ka! Hayaan mo na lang mamatay yung mga tao! Mga wala naman kwenta ang buhay nila!'

"Tingin mo ba nagpapakabayani ako kaya pinili kong pumunta sa digmaan?" natatawang tanong ni Gino. "Mali ka pumunta ako sa digmaan dahil iniisip ko yung mga batang mawawalan ng magulang o tatay kapag namatay sa digmaan yung magulang nila, kawawa yung mga sundalo o rebeldeng mamatay pero mas kawawa yung mga anak na maiiwan kapag namatay yung magulang nila."


'Eh yung anak mo hindi mo ba siya iniisp?! Hindi siya mahalaga sayo noh dahil halimaw siya katulad mo-"

"Iniisip ko siya, mahalaga siya para sa akin, pero alam ko naman na magiging okay lang siya dahil pro-protektahan siya ng kapangyarihan niya at pro-protekahan mo ako dahil sa katawan kita nakatira at bilang bayad upa mo ipapahiram mo sa akin ang kapangyarihan mo para protektahan ang iba hindi para magbigay ng sakit hahahahahaha!"

Nang maalala yun ay lalo siyang nainis dahil inisip niyang katulad ng ibang tao si Gino...

"Mabait kang tao gino, tingin ko ikaw na lang ang taong ganyan. Pero tutuparin ko pa rin ang ipinangako ko kay Roberto na papatayin ko lahat ng tao!"

Nakaramdam ng lungkot sa pagkamatay ni Gino ang Tigreng inaakala ng lahat na likas na masama.


Sinariwa niya sa kanyang isipan. Tandang tanda niya na tao rin mismo ang mga pumatay sa pinaka mamahal niyang kaibigan at unang vessel niyang si Roberto.

"Patawarin mo ako Zel" pilit ngiting sabi ni Roberto " Nabigo ang Mission mo dahil sa mangmang nagaya ko, sana mahanap mo ang karapat-dapat na- vessel mo." umiiyak noong sabi nito

"HINDI! Wala nang ibang karapat-dapat dahil ikaw lang naman ang pinaka mabuting tao na kilala ko." "Please, Huwag niyo siyang patayin, ibibigay ko ang kapangyarihan ko huwag niyo lang-" nangingilid na ang luha sa mata ng munting tigreng si Zeldris at nagmamakaawang buhayin pa ang kaibigan kapalit ang kanyang kapangyarihan pero, sumenyas ang ulo ni Roberto na huwag itong gawin at ngumiti na para bang okay lang ang lahat.


"Salamat sa lahat Zel"

Dinukot na ng masasamang tao ang kanyang puso bilang alay sa kanilang sinasambang demonyo. Pagkatapos ay kalahati ng kanyang kapangyarihan ay kinuha ng mga taong yon na tinatawag na,

Devil Bilievers.

Sapagsariwa niya sa nakaraan ay lalong tumindi ang galit, pakiramdam niya ay muli siyang nawalan ng kaibigan kaya't hindi siya papayag pang hindi maisakatuparan ang kanyang planong patayin lahat ng tao.



                          *** ***


Blade POV


"Anong ibig mong sabihin sa sinabi mong mawawala sa akin ang lahat?"


"Malalaman mo din ang ibig kong sabihin. Tandaan mo sabawat buhay na nawawala isang buhay ang muling sinisilang, isa lang ang taong isisilang sa buhay mo subalit madami ang mawawala. Hanggat na sa loob siya ng sinapupunan ng iyong asawa unti-unting ang minamahal mo sa buhay ay mawawala at pagsilang niya."


"SINO BA ANG TINUTUKOY MO!" mahina pero maydiin ang tanong ko sa kanya pero parang alam ko na  ang sinasabi niya

"Ang anak mo... Kailangang patayin mo bago pa siya isilang."

Kung kanina namamangha akong makita siya ngayon hindi na, kuyom ang kamao ko habang masamang nakatingin sa kanya.

"Tumigil ka na! Umalis ka na!"

"Kung hindi mo yung kayang gawin,  iwanan mo  siya para hindi mamatay ang ibang mahal mo sa buhay kasi kung hindi mo gagawin.. mahuhuli ang lahat para sayo." ani nya na maslalong nagpagulo ng isip ko

Bakit gusto niyang mawala ang anak ko? Wala pang kasalanan ang anak ko, nasa tyan palang siya at naniniwala akong mabuti siyang bata! Kaya bakit kailangan mawala ng anak ko?!

No hindi ko iiwanan ang anak ko, hindi ko rin siya papatayin. Matagal kong pinangarap na magkaroon ng matatawag na sarili kong pamilya, hindi ko yun hahayaang mawala sa akin, hindi kahit kailan.

Who is Doctor Blade #Watty2018حيث تعيش القصص. اكتشف الآن