Who is Doctor Blade

208 7 0
                                    

Chapter 11

Blade POV

Mga ilang oras pa ng malaman kong nakalabas ng operating room ang nanay ni Blaze at narinig ko kausap ni Blaze si Doc Jerome.

Palihim lang pero gusto ko malaman kung ano ang lagay ng babaeng yon kaya naman pinakinggan ko ang kanilang usapan.

"Okay na ang iyon nanay Blaze, pero hindi ko tinanggal ang balang nasa ulo niya" ang narinig kong sabi ni Dr Jerome

"Bakit po doc?"

"Hindi ko pwedeng gawin yon, dahil maaring magkamali ako at pamahamak ang iyong Nanay dahil ulo yon... pero pwede mo siyang dalhin sa ibang bansa kung saan may mas mahusay na Doctor para operahan siya" sagot sa kanya ni Dr Jerome

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, kung magagalit ba ako dahil buhay ang taong yon na dahilan ng kamatayan ng Papa ko o matutuwa ako dahil kahit paano nanay ko din naman siya.

Pero siguro mabuti na din yun para malaman ko kung bakit ba ako naiiba, baka alam niya? sana alam ng babaeng yon.

After ng trabaho ay pinuntahan ko ang babaeng yon sa room niya at nakita kong gising na siya.

"Doc?" tawag niya sa akin ng makita ako pero hindi niya ako nakilala agad, kaya naman napangisi ako

Tinanggal ko ang contact lens ko at nagulat siya ng makilala kung sino ang kaharap niya...

"Nagulat ka ba...nanay?!"

"Anong Ginagawa mo dito?!" bumakas ang matinding galit sa tono ng boses niya, nasaktan ako pero binaliwala ko yon.

"Of course, I'm a Doctor here"

"Nandito ka ba para makita akong mamatay pwes sorry matagal pa ako mamatay!" Sabi niya

I see, halimaw pa din ako para sa kanya pero ano bang nakakagulat dun? ayaw niya sa akin kaya niya sinabi yun.

"I'm not here to see you, dahil wala naman akong pakeilam sayo! I'm here to know the truth!" sagot ko sa kanya "Gusto kong malaman kung bakit ako naiiba! kung bakit...iba ako sa Lalaking yun...I'm mean ka blaze"

Hindi ko napigilan pero yon talaga ang nararamdaman ko, naiinggit ako.

"Umalis ka na, wala kang malalaman!"

"I want to know!" pagdidiin ko

"Umalis ka na!" sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan

"I want to know why my own mother abandon me!" hindi ko na napigilang lumuha "I want to know why my own mother can't love!" dagdag ko pa at kaagad kong pinunasan ang luha ko.

"Gusto mong malaman! sige! hindi mo tunay na ama si Marco!" hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya

Narinig ko pero hindi agad na pumasok sa isip ko ang sinabi niya

"What-"

"Oo siya ang nagalaga at nagmahal sayo na parang ama pero hindi mo siya papa!" Nagulat ako sa sinabi niya

Nakita kong napaluha siya bago muling nagsalita

"Ang tunay mong ama ay isang napaka walang kwentang tao!minahal ko siya pero nagbago siya!pinag experementohan niya ang sarili niya at Ikaw!" pinunasan niya ang kanyang luha at muling nagsalita "Nasa tiyan pa lang kita ng may pinainom siya sa akin isang experimento na may dugo ng isang hayop at siya ang may gawa! kaya nang lumabas ka sa akin..."

Nanliit ang mga mata ko sinasabi niya sa akin at narinig ko ang kanyang paghikbi.

"Pinilit kitang tanggapin! nilayo kita sa kanya sa pagaakalang matatanggap kita pero nagkamali ako kasi hindi ko kaya!"

Kung ganon kasinungalingan lahat ng pinaniwalaan ko noon, hindi papa ko ang tunay kong ama, hindi rin siguro totoo ang pagmamahal na pinaramdam sa akin ni papa at lahat ng sinabi niya.

niloko nila ako!

"Pero bakit nagawa mong lokohin si papa samantalang tinaggap at minahal ka niya!" mahina pero puno ng galit kong tanong sa kanya

"IKAW Ang may kasalanan!" Sabi niya na ipinagtaka ko."Nakinausap ako sa kanya na ipaampon ka pero ayaw niya! dahil minahal ka niya bilang anak niya, kaya nagdesisyon ako na humanap ng iba at iwan na sana kayo pero dahil Minahal ka niya namatay siya, kasalanan mo! sigaw niya sa akin.



Mali ako...



Bumigat ang loob ko at napapikit ako, hindi ko mapigilang umagos ang luha sa mata ko, kasi mali ako... hindi siya ang tunay kong Papa pero totoo ang pagmamahal na pinaramdam niya sa akin

"Pero bakit si Blaze kaya niyong ahalin at tanggapin bilang anak niyo?! bakit kung magsalita kayo para hindi niyo ako anak?! bakit hindi mo ako kayang tanggapin anak niyo rin naman ako?!"

"Dahil sa paningin ko tao siya" sagot niya na hindi makatingin sa akin.

Doon ay natauhan ako sa sinabi niya. Tama, Imposibleng tanggapin at mahalin niya ako dahil halimaw ako sa paningin niya, sa paningin ng sarili kong Nanay.

Tumingin ako sa may pinto at nakita kong nakikinig mula sa labas si Blaze at alam ko narinig niya ang pinaguusapan namin.

"Sabagay, halimaw nga naman sa mata ng walang kwenta kong ina!" sabi ko, pinunasan ko ang luha ko at muling tumingin sa Nanay ko "So ano pang aasahan ko diba? sayang sana tinanggal na ni Doc Jerome ang bala sa ulo para kung sakaling magkamali siya eh patay ka na So I'll be the happiest person kapag nangyari yun"

"Gaya nga ng sinabi ko, 'sorry' dahil hindi mo ako makikitang mamatay" matapang niyang sagot sa akin at natawa ako sa sinabi niya

"Let see... pero feeling ko sooner or later mamatay kana eh kasi naman- never mind! mamatay ka man o hindi wala naman akong pakialam" natatawang sabi ko sa kanya at naglagay ng Contact lens.

Hindi ko gustong sabihin yon pero gusto kong ipandinig yun kay Blaze para maisip niya na wala akong pakeilam sa kanila ng Nanay niya.

~~~

Lumabas ako ng pinto at nakita ko siya sa labas.

"Kuya..." tawag niya sa akin

Nagulat ako sa tinawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at umalis na lang ako.

Para sa akin wala akong kapatid, para sa akin hindi ko siya kapatid dahil hindi naman ako tinuturing na anak ng babaeng yon! Hindi rin nanay ang tingin ko sa kanya.

Tama wala akong pakialam sa kanila.

Now alam ko na kung bakit ako ganito, ang gusto ko lang malaman ay kung sino ang tatay ko. Gusto ko siyang makilala at malaman kung bakit niya hinayaang maging ganito.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now