Forgiveness

106 6 0
                                    


Gino POV


Ngayon nandito ako sa aking laboratory, yes my laboratory kung saan nakatago ang mga ginawa ko.

"Sigurado ka bang kaya mong ibalik ang pakiramdam ko?"

"Oo naman." sabi ko kay Dexter na kasama ko ngayon. "Noon ay natuklasan ko ang paraan kung paano alisin ang sakit na 'analgesia' may ginamot akong foreginer na pasyente na analgesia katulad mo.'

"Talaga--" hindi niya na ramdaman na itinurok ko na sa kanya ang formula na kailangan ko gamit ang injection

"Wala 'kong nararamdaman kaya hindi mo naramdaman ang biglang pagtusok ng injection sayo."

"Teka- bakit-- bakit bumubigat ang mga m-mata k-" sinalo ko siya at binuhat pa higa sa isang...

"Sleep well Mr, Dexter Guivara. Pag gising mo ay ibabalik ko na ang ilang senses na nawala sayo, sa ngayon hayaan mo munang kumalat ang formula sa loob ng katawan mo."

Pinagmasdan ko ang espesyal niyang katawan na nakahiga sa electric bed machine, idikit sa ulo niya ang halos pitong aparato na konektado sa electric bed at isang medical electric headphone.

Kamangha-mangha talaga ang katawang may analgesia. Dahil dinaig panito ang isang robot na walang pakiramdam, walang panlasa pero kahit gaano ito ka espesyal ey mas masarap mabuhay sa mundo ito kung may pakiramdam ka.

"Mararamdaman mo lang na buhay ka kung nasasaktan ka, kaya ayusin ko yang nasira mong katawan, I will restore channels and nerve impulses."



This is the use of stimulation...



"Bwhahaha! Kahit kailan ka talaga, isa kang baliw. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto mo nagpapagaling ng kapwa mo." asik ng halimaw na nasa loob ko.



Saglit akong naupo, pumikit ako at hinanap siya kasulok-sulukan ng utak ko. Sa subconscious ko kung saan naninirahan ang halimaw na yon.



"Hindi ko maintindihan 'blade' kung bakit hindi mo na lang siya patayin para naman matapos na ang paghihirap ng mga walang kwentang tao."


"Ikaw ito'ng hindi ko maintindihan eh." napapakamot sa ulo na sabi ko habang kaharap ko siya sa loob ng isipan ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit hirap kang tandaan ang pangalan ko 'Gino' G-I-N-O apat na letra lang yon nakakalimutan mo pa."


Unang kita niya sa akin blade na ang tawag niya sa akin, dahil sakanya kaya blade ang ipinangalan ko sa anak ko eh hahahaha.



"Tandaan mo naman ng maayos! Gino ang pangalan ko."


"Tss!" masungit na tugon niya sa akin


~~~

Blade POV


Pagkauwi ko ay nakita ko si Olivia na naghihintay sa labas ng simbahan.

Nagtaka ako dahil naka palda siya.

Who is Doctor Blade #Watty2018Donde viven las historias. Descúbrelo ahora