Meet Him

135 6 2
                                    

Three Thousands years ago...

May bumaba na apat na mahiwagang nilalang sa lupa. Pula, Berde, Asul at dilaw ang mga kulay ng kanilang mga mata. Sila ay may mission na batayan at protektahan ang mga tao...

Subalit ang mga tao ay talagang napakasakim, At nakita nila kung gaano kasakim ang mga tao.

Ang nilalang na nilalang na may pulang mga mata... na siyang pinaka mabuti sa lahat at pinaka malakas... Ikinadena ang kanyang tunay na kapangyarihan at isinumpa.

Kasabay ng pagsumpa ay pagsilang ng Propesiya... 'Isisilang ang sanggol na may pulang mga mata na taglay ang kamatayan at kamalasan. Kung kaya't ituturing siyang halimaw ng lahat.'

~~~

Blade POV


Kinagabihan tulog na ang lahat pwero lang sa akin. Hindi ko pa rin makalimutan ang naramdaman ko kanina dahil hindi ako nakapaniwala na meron pang taong naiiba ang mga mata katulad ng sa akin.

Hindi ko man nakita na sa kanya ang mga matang nakita ko sa ilusyon ko ay alam kong sa kanya yun.

Green ang mga ito na nakatitig sa akin, mas malakas kesa sa mga matang meron ako.

~

Kinabukasan maaga akong gumising, kahit na puyat ako ay pinilit ko magising ng maaga dahil sa trabaho ko.

"Magingat ka!" sigaw ni Olivia. Mapait akong ngumiti sa kanya.

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung pagtawag niya sakin ng 'halimaw' hindi naman ako galit sa kanya, nasaktan lang ako.

"Paalam." tipid na sabi ko kay father at Olivia, pagkatapos ay umalis na ako

Halos late na ako ng makarating sa hospital.

Gusto ko muna sana magpahinga pero tinawag agad ako para aksikasuhin ang mga naaksidenteng pasyente.

Mga naaksidente sa contraction. Lima ang malala ang lagay kaya kahit gusto ko muna magpahinga ay kailangan ko munang kumilos.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi?!" galit kong sabi sa Nurse Ann

"Biglaan po kasi at hindi po namin kayo matawagan naka patay po ang cellphone niyo." sagot niya

"Tss!" yan lang nasabi ko saka nagmadali kaming lahat

Una muna akong lumapit sa isa na halos hinang hina na dahil hindi maigalaw ang kanang kamay, gamit ang mga mata ko ay nakita kong normal lang ang tibok ng puso niya, pero may bali sa kanyang kamay kaya naisip kong siguro ay nadaganan ito ng matigas na bagay. Kahit ganun ay okay lang ang circulation ng dugo niya.

"Hey intern!" tawag ko kay Blaze

Kaagad naman siyang lumapit sa akin.

"Yes Doc?"

"His right hand is injurde but the circulation is regular, so get him Hand split and check his wrist!" untos ko meron pa sana akong ibang detelyeng sasabihin pero hindi ko na sinabi pa dahil sa tingin ko naman may utak naman siya at alam na niya ang gagawin kung sakaling may makita pa siyang damage.

Busy ang lahat hanggan sa nakita ko na ang panglimang na puruhan sa aksidente.

Halos manlaki ang mga mata ko dahil malalang-malala ang lagay nito, wasak ang kanyang mukha at may malaking bakal na naka tusok sa katawan nito.

"Dr, Blade ikaw na ang bahala diyan!" sabi ni Dr, Harold na inaasikaso ang pangalawang pasiyente na naaksidente rin.

Medyo kinabahan ako dahil Ito palang ang unang beses na may pasyente akong grabe ang lagay. Kahit na nakikita ko ang loob ng katawan nito ay natatakot pa din akong magkamali.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now