Left handed

94 6 1
                                    


Pagkaupo namin ay muling ni review ang dalawang video nakuha ng mga cameraman mula sa surgical team namin at sa surgical team ni Dr, Verano.


Unang ni review ang sa amin, una ay minaliit ng iba ang surgical team ko dahil sa totoo lang konti lang ang doctor na pinili ko sa grupo ko at dahil busy ang iba kong ka gupo.


"Bakit konti lang ang doctor sa grupo niya?"


"Oo nga at saka bakit may nurse?!" dinig kong usapan ng ibang Doctor


"Registered nurses naman kami in surgery kaya anong problema niyo ah? May problema ba kayo sa amin?" pagpuna ni nurse Kiel sa mga nagbulungan, natigilan naman agad sila sa narinig. "Ang yayabang niyo makapuna ah?"

Pero sa huli halos namangha ang lahat ng mataas na doctor noong magsimula na kami sa video at mas lalo silang humanga noong pumasok sila Carl at Neil.



"Iba din pala ang galing ni Dr Sullivan."


"Kakaiba Ngayon lang ako naka kita ng bulag na Doctor?!"


"Bulag pala siya?"


Napa ngiti ako ng marinig ko iyon.


Nang mapatapos ang video ay sinunod naman ang video ng surgical team ni Dr Verano.

Nanlaki ang mata ng ilan ng sabihin ni Dr Ice verano na "I will do Left handed operation."

Anong ibig niyang sabihin? Left handed siya?



"Hindi! Kaya pala ginamit niya ang kaliwa niyang kamay!" gulat na sabi ni Dr Gabriel


"Bakit ano bang meron?" tanong ni tanong ni Xander


Mula sa video ay nakita ko ang paglabas ng scalpel mula sa kanyang kaliwang kamay.bagay na ikinagulat ko. Masyadong naging mabilis ang nangyayari at kung ano anong bagay ang lumalabas sa kamay niya. Gunting, suture, bovie at iba pa

Gamit ang kapangayarihan ng mata ko ay tinitigan ko siya mula sa kinauupuan nila ng grupo niya at nakita ko na ang kaliwang kamay niya ay hindi kamay ng tao...


"Ano! Ganun siya kagaling?!" Sabi ni Xander na gulat


"Eh bakit naman ganun ang kamay niya?" tanong ko


"Kasi po proff sabi nila naaksidente daw po si doc Verano noon at naputol ang kaliwang kamay niya. Dahil mahal niya ang pag dodoctor eh nagpagawa siya ganyang klase ng kamay." Sagot ni Gabriel


Oh that make sense.


"At paano mo naman nalaman yan?"


"Kasi po proff sikat po siya sa sa school kung saan ako nag collage noon at professor ko siya sa Medical noong naputulan siya ng kamay." sagot ni Gabriel "He is a left handed before the accident, pero noong naputulan siya ng kamay panandalian muna siya naging professor para pagaralan ang maging right handed ng ilang taon." dagdag niya pa


Nang malaman ko iyon ay napansin ko na lang na tapos na ang video, nalaman ko na parehas lang ang oras na natapos ang surgical team naming dalawa 3 hrs, parehas rin na successful ang operation ang tanging magkaiba lang ay ang pamamaraan naming dalawa, dahil siya ginamit niya ang robotic hand niya pero ako tunay ang mga kamay ko at wala akong ginagamit na kapangyarihan.



"Pantay ang laban kung titignan pero may pagkakamali dito!" galit na sabi ng board of director. "Alam mo naman na hindi ka namin pinahihintulutang gamitin ang robotic left hand mo Dr Verano! Pinigilan ka na nga noong una na gamitin yan pero ginamit mo nanaman!"


"At ikaw Dr, Blade bakit hindi ka humanap ng ibang doctor bakit bulag pa! Saka paano tayo nag karoon ng doctor na bulag? Sino an tumanggap sa kanya?" pagpuna naman sa akin



"Grabe baka maging kahihiyan ito sa hospital sa oras na-"



"Sa pagkakaalala ko wala namang masama ginagawa ko? Wala ring masama sa ginawa ni Blade kasi successful naman pareho ang operation." ani ni Dr, Verano "Eh ano kung ginamit ko?! Ginamit ko naman sa pagliligtas ng buhay at walang masama dun."


"DR VERANO naka video ang lahat hindi mo ba naisip baka kumalat sa social media ang video at matakot na ang ibang tao na mag pa gamot o opera sa hospital na ito!" galit na sabi ng Chairman


"Who cares?! Kung matakot sila edi natakot, basta para sa akin magliligtas pa rin ako ng buhay gamit ang sarili kong paraan mali man o tama sa paningin ng Ibang tao, Because--"


"Because that's how the real Doctor is." sabi ko nanikinagulat nila, tama si Dr Verano mali man sa paningin ng matataas na Doctor magiging tama naman yun sa paningin ng pasyenteng iniligtas ng doctor.


Asar akong tinignan ng mataas ng doctor pero binalewala ko yon.


"Okay fine pagbibigyan namin kayo ngayon lalo ka na Dr, Blade! Pero Dr Verano kapag kumalat ang video mo na ginamit mo yang kaliwang kamay mo na robot ipapatapon ka namin sa public hospital tandaan mo yan!" Sabi ni Director at tumango lang si Dr Verano.


"Okay i-announce na kung sino ang nanalo!" utos ng Chairman

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now