THE STRONGEST GUARDIAN!

12 2 0
                                    


BLADE POV




TUMALSIK SI SUKUNA matapos matanggap ang lakas ng payat na kamao ng babaeng yon, nahulog si sukuna sa may building at halos nawasak ang simento ng binagsakan niya. Pamilyar ang lakas niya sa akin, parang may kung anong alala-ala tuloy na pumasok sa isip ko pero hindi malinaw.



"So ikaw pala yon yung pumatay sa mga doctor!" aniya at masama ang tinging ibinato kay sukuna "Halimaw ka!" dagdag niya pa


Tumabi ang babaeng yon malapit sa'kin the she show her fighting stance nang makita niyang tumayo si Sukuna, parang wala nga lang kay sukuna yung atake niya, ni-hindi ito nasaktan at nagalusan. Medyo nagtaka rin ako kung bakit parang walang tao sa kahit saang lugar ako tumingin.


Mali, hindi parang kundi wala talagang tao sa lahat ng tignan ko, nasaan ang mga tao?


"Inilabas ko ang mga tao sa city na ito at ipinasok ko ang buong lugar na ito sa demensyong ginawa ng kapanyarihan ko kaya wala kang makikitang tao ngayon rito." wika ng babeeng yon "At hindi rin makikita ng mga tao ang muong lugar na ito hanggat nasa loob ng demensyon. By the way I'm not Chiharu, I'm Haruko." dagdag niya pa

"Okay."

Sa hinabahaba ng sinabi haruko wala manlang siyang ibang isinagot, mukhang ayaw talaga ni escanor sa mahabang usapan.



"Tapos na ba kayo magkwentuhan-- Ah, oo nga pala!" ngumisi si Sukuna, yung ngiti na para bang may gusto siyang gawin. "May nakita akong babae, buntis siya at talagang masarap siyang patayin! Lalo na yung bata sa tiyan niya."



Bigla akong kinabahan,

Hindi maari, baka mali ako pero...

Olivia...



"Pagkatapos nito kakainin ko siya! Papatayin ko ang magina ng vessel mo 'escanor.' " maslalong lumawak ang ngisi niya



Niwalang sinabi si escanor, kalmado lang siya habang ako sa loob niya hindi ko maiwasan magalala kay Olivia, baka mapahamak si olivia! Anong gagawin ko?

Naramdaman ko ang pagkilos ni Escanor pero hindi para umatake, lumapit siya sa bangkay ni tatay. Hinawakan niya si tatay at lumabas ang tila nagaalab na apoy bumalot sa buong katawan ni Tatay.



"Phoenix robe." wika niya.


Pinoprotektahan niya ang katawan ni tatay.


"Mas mahalaga pa ba talaga sayo ang walang kwentang yan huh, escanor?" tanong ni sukuna

"Pwede ba, kung aatake ka umatake ka na huwag ka ng marami pang sinasabi." sagot ni escanor



Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now