courtship

281 16 2
                                    


Blade POV



Hindi kami magkatabi na tulog ni Olivia dahil mas pinili ko na lang na tabihan niya yung bata sa kama ko at ako sa sahig.

Pero hindi ako makatulog dahil naisip ko pa din yung nakalagay sa Love letter niya na dati niya pa ako gusto, pagkatapos naisip kong tignan kung gising ba si Olivia pero bago yun ay nilagayan ko muna ng Contact lens ang mga mata ko dahil ayaw kong ipaalam sa kanya na ganito ang mata ko, na hindi Normal.

Pagkatapos ay pinagmasdan ko si Olivia. Nakapikit siya na naka yakap sa unan pero alam ko gising siya dahil nakikita kong mapula ang kanyang pisngi.

"Olivia" mahinang tawag ko sa kanya pero nagtutulug-tulugan siya. "Olivia...Mahal kita Olivia..." Nakita ko na lalong pumula ang pisngi niya matapos kong sabihin iyon."Olivia...Mahal kita"

Pagkatapos ay bigla syang dumilat.

"Matulog ka na nga ang ingay mo!"

"Walang good night kiss?" biro ko sa kanya

"Uy Bata oh!" Sabi niya na hihiya pa

Natawa ako kasi ang cute niya pala pag nahihiya.

"Did you know that you are so cute when your cheeks are blushing?" tanong ko

"Letche! matulog ka na mananaginip ka pa!"

"See you in my Dreams" sabi ko nagtakip na siya ng mukha niya dahil sa hiya

Pagkatapos nun ay nag tanggal ako ng contact lens at natulog na din.



                                                                        *** ***



Olivia POV



Kinabukasan maaga ako nagising 6am at gaya ng dati ako ang nagluluto ng ulam, hot dog at tortang talong lang naman kaya hindi mahirap.

Pagkatapos ko magluto at naghanda na ako ng mga plato.

Habang naghahanda ng plato sa maliit na mesa ay may naramdaman akong may yumakap sa likod ko at si Blade pala iyon, dahilan para maramdaman ko na namumula nanaman ako.

"Bla-I mean Sullivan! huwag mo nga ako yakapin" kunwaring inis na sabi ko

"Call me Blade, I want you to call me in my name" kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa lambing ng boses niya

'Sh*t! relax lang puso ko!!'

"Olivia mahal kita at gusto kong ligawan ka pwede ba? iPwede ba kitang ligawan?"

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon at nakita kong

Hu-HUH? LILIGAWAN NIYA AKO?! OMG HINDI KO ITO NAPAGHANDAAN! GASH PARANG SASABOG NA BOMBA ANG PUSO KO! ano ba iyan ano bang sasabihin ko?

"Would you please answer me if pwede ba kitang ligawan-"

"O-o naman" nakangiting na medyo nahihiya sabi ko

sige na nga magpapaligaw na ako, mahirap na baka magbago yung isip niya, baka sa halip na ligaw eh kasal agad ang ialok sa akin, Charot! ako na ang assumera ng taon!

Naramdaman ko na lalong humigpit ang yakap niya sa akin

"I will do everything for you and I want you to be mine Olivia" bulong niya sa tenga ko

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now