Temporary

104 5 1
                                    


ICE VERANO POV


"AGH!!" galit galit kong sigaw at pinagsisira ko ang lahat ng libro ko ng medical sa bahay. Galit na galit dahil napahiya ako sa sarili ko dahil natalo ako ni Blade!


"HINDI AKO DAPAT NATALO!" sigaw ko, pinagbabasag ko lahat ng gamit pati ang flower base gamit ang robot kaliwang kamay



Dahil nga robot ang kaliwa kong kamay ay hindi ako nasaktan pero tumulo ang luha ko ng pagmasdan ko ito, naalala ko ang dahilan kung bakit naging ganito ang kamay ko.

Noong nagsisimula pa lamang ang kasikatan ko bilang Doctor ay nagawa kong ipakita sa lahat na magaling ako dahil sa bilis ng mga kamay ko, lalo na ng kaliwang kamay ko dahil duon marami ang humanga sa akin pero marami din ang nainggit na mga Doctor sa akin, lalong lalo na ang mga senior ko na nauna sa akin na kahit kailan ay hindi manlang matawag na magling at hindi pinupuri.



Isang araw nag perform ako ng isang napakahirap na operation... Isang operasyon sa emergency room at muntik ng mamatay ang pasyente dahil ayaw tumibok ng puso nito pero ipinasok ko ang kaliwang kamay ko sa loob ng katawan ng pasyente upang isagawa ang open heart massge. Isang delikadong galaw ang ginawa ko pero kailangan dahil ayaw kong mamatayan ng pasyente.


Maswerteng nabuhay ang pasyenteng yun pero dahil dun mas nagalit ang senior ko sa akin.

Habang pauwi ako ay bigla na lang hinarang nila ako at dinala kung saan walang tao.



"Senior bakit po ba? Ano po bang ginawa kong mali?"


"Nagtatanong ka pa! Eh bida-bida ka eh!" sigaw nila sa akin


"Masyado mong ginagalingan ang pagiging Doctor mo! Masyado kang pabida sa mga tao, pasikat ka masyado!"


"Hindi ko naman po ginagawa yun mga Senior-" pagtatanggi ko pero galit pa rin sila sa akin


"Eh ano kayang tawag mo dun sa pag sasagawa mo ng open heart massage?!"


"Saka sa pagsumbong mo sa akin na nagsasagawa ako ng IILEGAL na pagoopera ng mga gangster huh?! Mabuti na lang talaga wala kang Ibedensya kaya walang naniwala sayo dahil kung hindi, puputulin ko talaga yang kaliwang kamay pinagmamalaki mo!"


"Pero Totoo naman yun huh! Ginawa ko lang naman ang tama na alam ko saka alam mo naman na ilegal yun diba kaya huwag mo sa akin isisi-" pagtatanggol ko sa sarili ko kasi alam ko naman na hindi mali ang ginawa ko, na ako ang nasa tama.


"ANO?! Ang yabang mo huh!"


"Pwede ba tigilan niyo na ako kailangan ko na umuwi-" sabi ko pero sinuntok nila ako saka pinagbubugbog hanggan sa..


"Ngayon tignan natin kung makapag yabang ka pa." sabi ng isa ko pang senior saka nakita kong may dala siyang Chain saw


"A-Anong Gagawin niyo!" takot na takot na sabi ko pero.hindi ako makagalaw dahil hawak ako ng Isa.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now