Needle

99 6 1
                                    


Blade POV



Ia-announce na sana agad kung sino ang nanalo pero laking gulat ko nang may dumating na mga nurse na nagmula sa 12 floor.



"DOCTOR VERANO SI NEIL WINCHESTER PO..."



Bumugso ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ng bata at pakiramdamko may hindi magandang nangyari.

Lumapit ako sa nurse na nagsalita at nagaalalang tinanong ito.



"BAKIT ANONG NANGYARI SA KANYA?!"

"WHY! WHAT's HAPPEN TO HIM?!" tanong ni Dr Verano



"While we were transferring him to another room, suddenly there is new patient arrived na isinusugod sa 12 floor. The stretcher was collided and the needle broke because of it, the needle..."


"Hindi yan totoo!hindi yan pwede mangyari!" galit na sabi ko pero pinakita nila ang needle at nakita kong kalahati lang ito. "HUH HINDI!NASAAN ANG--- HUWAG NIYONG SABIHING NAIWAN SA KATAWAN NG BATA YUNG MATALIM NA KARUGTONG?!"


"The piece of needles inside and flowing through the veins, damn it!" sabi ni Dr Verano

Nanlaki ang mga mata ko at naalala ko ang sinabi ni Neil


"Kapag Wala na akong sakit magkakaroon na ako ng silbi sa mundo?"


Ipapakita sana sa amin ang Xray ni Neil pero tumakbo agad ako papunta sa operating room kung saan ibinalik uli si Neil. Delikado ang needle na naiwan sa katawan niya at pwede itong tumama sa puso niya, kapag nangyari yun mamatay ang bata at ayaw kong mamatay ang batang si Neil.

Deserve niya ang mabuhay ng normal at masaya, hindi siya dapat mamatay.



Pagkarating sa operating room ay nakita ko siya, nakita ko mismo sa loob niya ang unti-unting pag lapit ng needle na mabilis na gumagalaw.

Nanginginig ang mga kamay ko kasi i-ilang sandali na lang... isang minuto o 50 seconds na lang para tumama na yon sa puso.



"Tulong please!" napaluhang sabi ko "Huwag niyong hayaan" naluluha na ako dahil hindi ko alam ang gagawin pero nakita ko na sa vena cava na ang needle pababa sa puso niya



NO! PLEASE SOMEBODY HELP ME! HELP HIM! PLEASE


Sa sandaling iyon...

Tumigil ang needle sa paggalaw-- mali, tumigil ang lahat ng bagay at tao sa paggalaw.

May kung anong enerhiya ang lumabas mula sa katawan ko.



(Ang hindi alam ni Blade ay tuluyan na ngang nakalaya sa mala kulungan niyang rehas ng galit at puot... ang guardian na si Escanor.)



"Ipahiram mo sa akin ang iyong katawan... matagal na rin akong nanahan siguro oras na para ako'y magbayad."



Napalingon ako sa kung nasaan ang nagsasalita pero hindi ko siya makita. Siya kaya yon? Pero paano?


"Sapat na sigurong bayad ang iligtas ang kanyang buhay. Maari ko bang hiramin ang yong katawan?" napapikit ako at walang pagaalinlangang sumagot sa kanya



"Sige..."



~~~~



NORMAL POV



Nagpatuloy sa paghinto ang oras...

Pero sawakas ay muli itong gumalaw.

Isang hindi inaasahang milagro nga ba ang nangyari?

Dumating sila Dr Verano at ang Grupo niya pero laking gulat niya ng makitang walang malay si Dr Blade.

Tinignan nila ang location ng needle pero laking gulat ng Dr, Luis nang makitang...




"Impossible!"


"Bakit?" Tanong ni Dr Verano.


"Wala na sa loob niya ang needle!kahit saan ko tignan wala na."


"Hindi kaya huli na tayo? Baka tumusok na sa puso or what?" alalang sabi naman ni Dr, Bryan.


"No the heart was fine."


"So its means na tanggal na pero paano?" takang sabi ni Dr Verano


Napatingin siya sa walang malay na si Dr, Blade at laking gulat nila ng makitang nasa kamay niya ang kalahati ng needle.


Humuhunos na tumakbo papunta sa operation room ang ibang grupo ni Dr, Verano.


"PROF! Dr, Luis!" ani ng resident ni Dr, Verano "Hindi po kayo maniniwala sigurado pero... Yung mga pasyente po! L-Lahat sila gumaling!"


"Pinagloloko mo ba ako?!" anas ni ni Dr, Verano


"Hindi po, totoo po ang sinasabi ko! Lahat ng pasyente dito gumaling kahit ang mga comatose na pasyente sabay sabay na gumising!"



Nabigla at nagkatinginan silang mga doctor sa operation room saka muling bumaling sa walang malay na si Dr, Blade.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now