Operation Die

246 10 1
                                    

Chapter 8 Operation Die



~~~Chapter 8: Operation Die~~~

Blade POV

Nandito ako sa hospital at chine-check ko pa ang pasyente ko yung naputulan ng kamay upang malaman kung ok lang siya at nang makita kong ok siya ay lumabas din ako ng room niya.

"May mga sundalong isinugod dito, sugatan ang lahat pero may isang napaka malala ang lagay at nanduon siya sa ER" sabi ni Doctor Xander sa akin at tumango ako sa kanya

"Sige, sabihan mo ang iba na maghanda na at hinatyin ako sa ER" utos ko sa kanya

"Opo" sagot niya at mabilis na kumilos para sundin ang utos ko

Nagbihis ako ng Gown upang maghanda sa aking gagawin, saka nag suot ng mask at pagkatapos ay nilinis ang aking mga kamay upang walang kumapit na bacteria sa akin, ginagawa ito lagi ng mga Doctor upang walang maging ano mang masamang epekto sa pasyente, after that ay nagsuot na ako ng gloves.

"Suction" sabi ko

Mula sa mata ko ay nakikita kong may problema sa puso ng lalaking militar na iyon dahil sa puso niya may tama siya ng bala, at inaasahan ko na na bigla na lang ay inatake siya sa puso dahil sa problemang yon.

Pinatignan ko ang vital niya at gaya ng nakikita ko ay malala ito.

"Dalhin niyo sa akin ang ecmo" utos ko

"Pero Doc wala naman pong problema-"

"Maaring magkaroon siya ng Heart atack dahil sa balang tumama malapit sa puso, Alam niyo naman siguro ang dapat gawin sa echocardiography?" sabi ko at tumango sila

Inihanda na nga ang ecmo para sa echocardiography

"Don't worry, hindi ito magiging mahirap dahil hindi naman bata ang ooperahan natin" sabi ko sa mga kasama ko at tumango naman sila bilang pagsang-ayon sa akin "We need to open the epigastrium" sabi ko para sa next procedure "Scalpel"

What is epigastrium?it is the part of the upper abdomen immediately over the stomach.

Inabot sa akin ni Dr Nami ang Scalpel at hiniwa ko nga ang Epigastrium. Doon ay nakita ko kung gaano naghihirap ang puso ng pasyente dahil sa pagtama ng bala at dahil din cardiac.

Para miwasan ang paglala ng nararamdaman niya kailangang buksan ang puso at hanapin ang bala at ang source ng pagdurugo.

Habang nagoopera ay nagkamali ako at nagkaroon ng pagdurugo, isang bagay yon na nagpakaba sa akin pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

"Suction"

Binigay sa akin ang suction at napansin ko na lumala la ang pag durugo dahil pericardiotomy

Mahirap ito para sa akin pero hindi ako pwedeng magkamali dahil konting pagkakamali ay maaring mamatay ang pasyente dahil hindi lang basta laman ang aking bubuksan, Dahil Ito'y puso nang isang tao na nagbobomba ng dugo papunta sa daluyan ng ugat at pumipintig para mabuhay ang isang tao. Kaya hindi ako dapat magkamali.

Matapos gawin ang suction ay ginawa naman namin ang Thoracoabdominal Incision

Nang mabuksan na ang puso ay hinanap ko ang ang dahilan ng pagdurugo and I immediately saw where it came from, it' s on the Pulmonary trunk and left side atrium ( Pulmonary trunk and atrium is a part of heart)

Tinahi ko ang bahaging iyun at pagakatapos ay dahang-dahang tinanggal ang bala sa puso,kahit na alam ko na 1 % lang ang pag asang mabuhay ang pasyente ay ginawa ko pa din dahil pasyente ko siya at ayaw kong sumuko sa mga pasyente ko.

Kahit 1% lang ay umaasa ako na magagawa ko.

Sa kauna-unahang pagkakataon nakiusap ako sa kanya sana tulungan niya dito...na sana huwag niyang hayaang maranasan kong mamatayan ng pasyente, sana...

Hanggang sa matanggal ko ang bala at tinahi ko ang puso, matapos matahi ay napangiti ako dahil akala ko tinulungan niya ako, masaya ako dahil napaka sarap sa pakiramdam na mag ligtas... pero matapos ang operation ay ilang oras lang ang lumipas ay inatake sa puso ang pasyente ko.

Ginawa ko na ang lahat pero sa huli ay namatay siya at dahil ako ang Doctor niya ay naging masakit yun para sa akin.

"Sabagay anong karapatan kong hingin ang tulong ng Isang Diyos samantalang hindi naman ako tao at karapatan niyang bawiin ang buhay ng sino mang tao " yan ang nasa isip ko habang naglalakad pauwi at hinahayaang bumalong ang luha sa pula kong mga mata na natatakpan ng shades.

"Tama, totoo naman na kahit Doctor na ako eh hindi ko parin maililigtas lahat... Lahat namatay, yon ang totoo normal lang ang mamatayan ng pasyente" pagkumbinsi ko sa sarili ko pero...

Bakit masakit? bakit ako nasasaktan?

Bumagsak ang malakas na ulan at humito ako upang hayaan lang itong bumagsak mukha ko.

Ang langit kapag hindi na niya kaya ang nagbabadyang ulan ay hindi na mapigilan pa ang pag bagsak nito.

Sad tears fall even if I smile

parang luha ko na hindi na kayang pigilan ng aking mga mata kaya't hindi ko na ito na pigilang umagos pa "Pinipilit ko namang maging isang tao kaya nga naging Doctor ako para magligtas ng tao pero bakit ayaw mo pa din sa akin Diyos bakit?"

Who is Doctor Blade #Watty2018On viuen les histories. Descobreix ara