Forgiving

126 7 1
                                    


Sa kalagitnaan ng dilim ay mahimbing ng natutulog ang lahat- nang biglang pumasok sa panaginip ni blade ang isang pangyayaring matagal ng nangyari.


Isang pangyayaring nilimut na nang mundo.


May tatlong lalaking mangangaso ang sinusubukang patayin ang isang kuneho, binabaril nila ito pero laking pagtataka nila kung bakit sa tuwing tye-tyempuhan nila itong barilin ay tumatakbo agad ito.


SAMANTALA ay meron namang lalaki ang nagtatago at palihim na binabato ng maliit na bato ang rabit para lang tumakbo ito at makaiwas sa bala ng baril.


"Bw!sit bakit ba parang alam na alam ng koneho na yon na babarilin ko siya!" galit na sabi ni lalaking bumabaril dahil sumamblay nanaman ang kanyang bala


"Fredirico, sa tingin ko may gumugulo sa atin." ani ng kanyang kasama


"Hanapin niyo at dalhin sa akin!" ani ni fredirico habang nakatutok ang baril sa kanyang target

Habang si blade naman ay hindi maintindihan kung paanong napunta siya sa ganung lugar, pinanood niya ang lalaking nakatalikod sa kanya. Sinusubukan niya itong kilalanin kung sino ito pero hindi niya makita ang mukha nito.


Muling dumampot ng maliit na bato ang lalaki para sana ibato ito muli pero--


Isang itak ang tumutok sa leeg niya kaya naman hindi siya nakakilos. Ang kunehong pilit niyang inililigtas ay tinamaan ng bala sa ulo nito.


"Yes! Yes sawakas tinamaan ko rin!" masayang sabi ni fredirico


"Fredirico! Nandito yung gumugulo sa atin." lumapit si fredirico mula sa kanyang likod


"Humarap ka sa amin at ipakilala ang iyong sarili!"


"Bakit mo kami ginugulo sa pangangaso namin ah?!"


Subalit nanatiling nakatalikod sa kanila yung lalaki.


"H-Hindi ba kayo naawa? May buhay rin naman ang mga hayop, lalo na ang kuneho bakit hindi na lang gulat ang kainin ninyo at hindi ang karne ng hayop."


"Mayabang ka ah!" asar na inambahan ng suntok ni fredirico ang lalaki kung kaya pwersahan niya itong hinarap sa kanya


Nanlaki ang mga mata ni Blade at halos manigas nang makita kung kaninong mukha ang kanyang nakikita.

Mas bata man ang mukha nito na parang 25 years old lang ay, alam niyang kilala niya mukha na yon.

'H-Hindi maari i-ito... G-Gino! B-Bakit kamukha siya ni Gino? Sino siya.'

"Sabin mo ang 'yong pangalan!"

"Blade." nagitla si blade sa pangalang kanyang narinig. "Vermillion Blade Zaphata."

Matalim ang tinging ipinukol ni Fredirico sa binata, muli niyang nilagyan ng bala ang kanyang baril at tinutok rito pero ilang sandali lang ay ipinutok niya ang bala muli sa patay na kuneho.

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now