EPILOGUE

37 2 2
                                    

Muling gumalaw ng mabilis ang mga kamay ng oras.


Sa bawat paggalaw nito ay kabawasan ng buhay ng piniks na si Escanor.


                   *** *** 


Ito na,


Ito na ang araw na yon,


Ang oras na pinakahihintay ko.


Ang oras kung kailan nagtagpo kami ni tatay sa hospital na ito.



"Hey intern!" tawag ko kay blaze. Kaagad naman siyang lumapit sa'kin.


"Yes doc?"


"His right hand is injurde but the circulation is regular, so get him hand split and check his wrist!" untos ko 


Ganitong-ganito ang sitwasyon noon, napaka daming pasyente at halos hindi magkandaugaga ang mga nurse at doctor. Ang lahat ay nagmamadali, pilit naming tinatanggal dahan dahan ang bakal na nakasaksak sa katawan ng isang pasyente. May sumigaw na meroong inatake sa puso pero lahat ng ito ay alam ko ng mangyayari kaya naman hindi na ako magkakamali, hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon. At sa wakas maayos na natanggal ang bakal, mabilis kong nahanap ang pinagmumulan ng pagdurugo.


"Sulture!" sabi ko kay nurse ann, pagkatapos ay tinahi ko ang pinagmumulan ng pagdurugo upang wala ng dugo pang lumabas sa sugat nito. "Cut!"


Pinutol ni nurse anne ang sulture saka ko tinahi ang sugat upang isara.


11 stiches lahat ng nagawa ko para lang matapos maisara yon.


"Tawagin niyo si Dr, Dan. I check niyo siya at maghanda kayo ng mga dugo para pamalit sa nasayang na dugo. Bilis huwag kukupad-kup-" natigilan ako bigla sa mga salitang sinabi ko. Wait ang alam ko hindi ako nagsabi nun kaya bakit nasabi ko yun? Tss never mind.


"Wow ang galing niyo talaga prof!"

"Ang galing talaga ni dr, Blade sullivan!"


Napabuntong hininga ako pero sa gitna ng  mga papuri nila may narinig akong tunog ng palakpak. Hinanap ng mga mata ko kung nanggagaling ang palakpak, natulala ako ng makita siya. Isang lalaking nakasuot siya shades palagi para hindi makita ang kulay ng mga mata niya, nawala ang pagod ko ng makita ang ngiti niya sa akin.


"H-Huh? Sino siya?"

"Doctor ba siya dito?"


"Wow! You had an incredible surgical speed huh. nakatawang sabi niya. "Ang bata mo pa pero ganyan na kabilis ang kamay mo, may talento ka... but you still no match to me bwhahaha!"



Bigla kong naalala yung talagang sinabi niya sa akin noong mangyaring nagkita kami.


'Your useless and coward! Get out and I'll take care of it!'


Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now