Unchanged love

234 10 4
                                    

~~Cut scene of Chapter 06 Blade POV~~

Pumunta si Blade sa nagamot niyang lalaking putol ang kamay.

"Maraming salamat po sa pag gamot niyo sa asawa ko" masayang sabi ng asawa ng pasyente

Namangha si Blade dahil mayaman pala ang pamilya ng pasyenteng na putulan ng kamay.

"Wooo, akala ko mahirap lang siya mayaman po pala kayo"

"Hindi naman, negosyante po kasi kami at alam niyo na nagbabasa kasi kami ng Bible kaya binibiyayaan kami ng Diyos ng magandang pamumuhay"

Napangisi si Blade ng palihim sa sinabi ng Ginang.

"Ah alam niyo po mukhang binibiyayaan talaga kayo ng Diyos ngayon kasi kung hindi niyo naitatanong magaling ako gumawa ng mga Artificial Body parts at kaya kong igawa ng Artificial right hand yung asawa niyo" suwesyon niya

"Naku talaga?ay salamat da Diyos!"

"Huwag na po kayo magpasalamat, ganito na lang Igagawa ko siya at babayaran niyo ako ng 10,000" sabi ko

Nanlaki ang mga mata ng Ginang sa kanyang sinabi at nagtaka.

"10,000?"

"Opo, almost one month kasi bago ko matapos ang isang body part kaya dapat na lang na 10,000" sagot niya

"Pero diba ang halaga ng isang artificial body or what ay dapat 150,000? Baka naman peke yan Doc?"

Naningkit ang mga mata ni Blade sa paghusga kaagad ng ginang at nadismaya.

"Oo ganun nga, pero mababait pa kasi ako eh kaya binabaan ko pa nga eh! pero kung ayaw niyo-"

"Sige payag na po ako basta para sa asawa ko" sabi ng asawa

Tumango si Blade at saka lumabas ng room ng pasyente "Buti na lang rehilyoso yung babae, kung di lang para kay Olivia, hindi ko gagawin 'toh pero mag-iipon ako... para sa kanya" napangiti na sabi niya sa sarili

~~Chapter 07: Unchanged Love~~~

Olivia POV

Pakiramdam ko ay nagbago na si Blade mula ng naging Doctor siya parang naging gahaman siya sa pera at hindi na pasyente ang iniisip niya pero sa bagay nililigawan niya ako at ginagastusan para sa mga gusto ko kaya malamang magiging mahalaga talaga sa kanya ang pera pero... nakakalungkot isiping hindi na niya iniisip ang pasyente dahil pera na lang ang iniisip nya.

~

Ngayon ay nandito lang ako sa kwarto namin at nakahiga, hindi pa ako natutulog dahil hinihintay ko siya, sabi niya kasi uuwi siya.

Habang nakahiga ay hindi ko napansing nakaidlip pala ako. maya maya ay naramdaman ko na lang na may humahaplos sa buhok ko at nakita ko si Blade na nakaupo sa kama ko at nakatitig sa akin.

Nagulat pa siya ng magising ako.

"Blade ngayon ko lang umuwi?"

"Oo madami kasing ginagawa eh, sige na matulog ka na gusto ko lang makita na natutulog ng mahimbing ang babaeng mahal ko" napangiti na sabi niya sa akin

"Sira matulog ka na nga!" sabi ko pero Deep in side natutuwa ako dahil mahal niya pa din ako kahit ilang five years na siyang nanliligaw.

Yes 5 years na mula nang ligawan niya ako, at sa loob ng ilang taon na nililigawan niya ako ay ramdam ko na mahal niya ako... sagutin ko na ba?

"Mahal kita Olivia" sabi niya at hinalikan ang noo ko

Sa totoo lang nagpapasalamat ako dahil may nagbago man sa kanya ay hindi naman nagbago ang pagmamahal niya sa akin at ganun din ako sa kanya.

Maybe... The right time is coming para sabihin kong mahal ko din siya.

~

Kinaumagahan linggo at Day off ni Blade sa trabaho, nakita ko siya na may ginagawang hindi ko alam kung ano ba yun kaya lumapit ako sa kanya.

"Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya, agad niya akong inilingon at binigyan ng matamis na ngiti.

"Artificial Hand" sagot niya

"Artificial Hand?"

"Oo meron kasing pasyente na naputulan ng kamay and I thought he needed a new hand that he could use" sagot nya at ipinakita ang kanyang ginagawa sa akin.

"Talaga?"

"Oo, bali mga 1Month mahigit bago ko maoperahan ang lalaking iyon at babayaran niya ako ng 10,000"

Akala ko gusto niya lang tulungan yung pasyente na magkaroon ng bagong kamay, pero para pala yon sa pera.

"Oh diba may sweldo na akong 20,000 plus Bonus is 22,000 may makukuha pa akong 10,000 bali ang makukuha kong pera ngayon 52,000 ang galing ko diba konti na lang makakaipon na ako ng malaking pera" sabi niya pa sa akin

Nalungkot ako sa sinabi niyang iyon. Pera na lang ba ang laging nasa utak niya?

"Bakit mo ba ginagawa yan? sapat naman na ang kinikita mong pera para makakain at mabuhay tayo ah-"

"Gusto ko kasing bumili ng bahay para sa ating dalawa para kapag dumating sa puntong ikakasal na tayo doon tayo titira at gusto ko gawing ingrande ang kasal para sayo"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi makapaniwala... Kung ganun mali ako, hindi pala pera ang iniisip niya kundi- ako at ang future namin.

"Olivia..."

Tumayo siya at hinawakan ang mga kamay ko

OMG! Tama ba ang iniisip ko?

"Mahal na mahal kita, alam ko iniisip mo na bakit mahalaga sa akin pero hindi yun totoo, iniisip ko rin ang mga pasyente pero mas mahalaga ka sa akin, kaya ako nagiipon ng malaking pera dahil ikaw ang iniisip ko, Dahil gusto ko maging mas maganda ang buhay na ibibigay ko sayo" sabi niya na naka ngiti sa akin

"Blade..."

"5 years na akong nanliligaw sayo simula noong intern hanggan sa maging residence hanggan sa maging consultant at ngayon Surgeon na ako, kaya ngayon gusto kitang tanongin" Hinalikan niya ang kanang kamay ko at muling tumingin sa akin "Can you be my girlfriend?"

Matagal tagal na siyang nanliligaw sa akin gusto ko na siya sagutin noon pero hindi kasi siya nag tatanong at ngayon... namilog ang mga mata ko dahil sa wakas ay nag tanong siya, hindi ko maiwasang mamula at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"O-oo Blade, Oo" sabi ko at niyakap niya ako sa sobrang saya

Lalo akong namula ng halikan niya ang noo ko

"Mahal kita Olivia..."

"Mahal din kita" sabi ko at yumakap sa kanya ng mahigpit.

Dammit, I really love this man!

Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now