10 THOUSAND SWORDS

24 4 1
                                    


Sobrang saya ng puso nang piniks ng muli niyang makita ang Isang dating kaibigan, ang unang taong hindi siya tinawag na halimaw.

Sa alaala ng piniks ay bumalik ang ilang masasayang alaala pero meron ring masakit naalaala. Naalala niya ang pagtataksil ng babaeng minahal ni Vermillion Blade, si Laura na manggagamot rin, dati marami ang nagpapagamot kay laura kapalit lang ang pagbabayad ng pera. Pero nang makilala ang husay ni Vermillion sa paggagamot ng walang bayad ay halos lahat ng tao at hayop na noo'y sakanya dinadala ay lumilipat kay Vermillion.

Kaya't galit na galit siya kay Vermillion.

"Blade." tawag nito sa kasintahan na noo'y tapos ng manggamot ng tao't hayop

"Bakit mahal ko?" malabing na tanong nito

"Mamayang gabi, pwede ka ba?"

"Bakit mo na itanong?" pagtataka nito

"Basta, sagutin mo muna ang tanong ko."

"Hmm, Oo wala naman akong gagawin." wika ni ni Vermillion kaya't ngumiti ng matamis ang binibini sa kanya

"Kung ganun gusto ko sanang sumama ka sa akin sa bahay para ipakilala ka sa magulang ko."

"H- Huh-" namula bigla ang kanyang mukha at nakaramdam ng hiya ang binata, hindi siya makapaniwala sa sinabi ng ni Laura na ipakikilala na siya sa magulang nito. "A-Ano mamaya? Naku nakakahiya naman pwedeng b-bukas na lang?"

"Sige na, gusto ko mamaya kasi full moon mamayang gabi eh."

"Eh nahihiya nga ako."

"Pumayag ka na, nalaman ko sa mga ibang babae na parang swerte daw kapag full moon ipinakilala ng lalaki o babae ang kasintahan nila sa magulang."

"Pero kasi-"

'Pumayag ka na, ngayon lang naman yan' pag singit ni Escanor

''Pero kinakabahan ako, baka mamaya ayaw nila sa akin." nahihiya talagang sagot ni Vermillion kay Escanor

'Edi hiwalayan mo siya para tapos!'

''Ay grabe ka naman! Haist ano bang dapat kong gawin? Papayag ba ako?''

'Haist! Nasa kamay ang galing niya pero likas na lumalabas ang kahangalan'

Kahit hiyang hiya ay pumayag ang binata na makipagkita sa magulang ni Laura kaya naman kahit mahirap lang ay sinubukan nitong magbihis ng maganda para ma-impress ang magulang nito.

Pero ang lahat ng sinabi nito ay pawang kasinungalingan at bitag lang para sa kanya at kay Escanor.

Walang magulang ang dalagang si Laura, patay na mga ito mula noong bata pa siya at ang pinuntahan nilang lugar ay lugar kung saan sinasamba ng mga masasamang tao ang demonyo.

"Dito na ba yun Laura?" tanong ni Vermillion ng makarating sila sa isang lugar na maraming kandilang may sindi ang nasa lupa

"Oo, diretsuhin lang natin at may makikita tayong may tarangkahan at malaking bahay, duon naghihintay ang mga taong naka itim, mga kaanak ko ang iba at magulang ko." wika ni Laura habang nakakubli ang matalim nitong tingin

"Kaanak mo? akala ko ba magulang mo lang?" pagtataka ni Vermillon

"Ah kasi, gusto ka rin makilala ng kaanak ko eh."

"Ganun ba, nakakahiya talaga pero sige para sayo haharap ako sa kanila mahal kita eh, mahal na mahal kita Laura."

Hindi na nagsalita ang babae bagkus ay nagpatuloy na lang sila hangan sa marating nga nila ang isang malaki ngunit nakakatakot na mansyon, hindi inakala ni Vermillion Blade na mansyon pala ang bahay na tinutukoy ni Laura.

Who is Doctor Blade #Watty2018Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ