"So Bakit hindi ko na pwedeng maging pasyenta si Anna?!"


"Like what I said, si Dr, Jerome ang tunay na Doctor ng nanay mo pero dahil sa sakit niya tinggal siya kaya nga pinili ko na maging pasyente mo siya pero tumanggi ka diba? Wala siyang pera kaya nagdesisyon na lang siyang umalis na dito." sabi niya


Halos hindi ako makapaniwala.


Naalala ko yung pagtanggi ko noon, pakiramdam ko ay naiinis sa sarili ko dahil mas inuna ko ang nararamdaman kong galit kesa maging Doctor.


"But don't worry I've found your new patient."


"Okay? Sino?"


"Follow me." sabi niy at nagsimulang maglakad and then sinundan ko nga siya


Pumunta kami sa room 5 ng 12 floor at nakita ko ang isang batang babae na mukang 18 years old.

Laking gulat ko nang makita mula sa loob ng katawan niya ang isang artificial heart na mukhang may diperensya na.


"She is Fancy Shigeno, half Japanese half Pilipino. Noong six years old siya ay nagkaroon siya ng sakit sa puso kaya naman pinalitan ng artificial heart ang puso niya at ngayon malapit ng masira ang artificial heart niya kailangan na itong palitan ng bago." Sabi ni Dr Verano

Napakalaking pagsubok nito para sa akin, artificial heart operation.



"Kung tatanggapin mo ibig sabihin parehas tayong magkakaroon ng heart operation, isa para sa papalitan ng artipisyal na puso at yung isa ay papalitan ng puso. Tatanggapin mo ba?" seryosong tanong niya


Diretso ko siyang tinignan sa kanyang mga mata ng walang pagaalinlangan.


"Yes I accept!"


~~~~



Kinalaunan ay nag half day lang ako sa trabaho,wala naman kasing gaanong pasyente ngayong Lunes kaya pwede ako umuwi. Pag uwi ko ay nakita ko si Olivia na kasama ang bata nakaupo sa talasambahan.


"Blade buti maaga ka umuwi." sabi ni Olivia "Ayaw niya kumain ako na nga naka ubos ng pagkain niya eh."


"Bakit ayaw mo kumain hindi ka ba nagugutom?" Tanong ko sa bata pero hindi niya sinagot ang tanong ko


"Ikaw po ba ang nagligtas sa akin?" tanong niya at mababatid mo ang kalungkutan sa mga mata nita


"Oo, anong pangalan mo?"


"Ako si Neil Winchester." malungkot na sagot niya "Sana hindi mo lang ako niligtas wala naman na akong silbi sa mundo kasi iniwan na ako ng pamilya ko, mag isa na lang ako." malungkot niyang sabi na nakatingin lang sa nakapakong rebulto ni Jesus


"Bakit naman? Hindi ba may nanay ka pa?"


"Iniwan ako ng nanay ko sa may mga basurero. Hinahanap ko siya kasi hindi na siya bumalik ng iwan niya ako."


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon, tila nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong iwan ako ng sarili kong nanay noong bata pa ako.


"Pero naiintindihan ko naman kung bakit niya ako iniwan dahil pabigat ako bukod sa hindi niya ako kayang ipa-opera ay dagdag gastos lang ako kaya hindi ako nagtataka kung bakit niya ako iniwan kaya dapat pinabayaan mo na lang ako-"


"Hindi." kaagad na pagputol ni Olivia sa sinasabi niya "You're too young and you have the right to live."


"Pero..."


"Ano ka ba may mga bata diyan gusto mabuhay pero namamatay agad tapos ikaw 8 years old ayaw mo mabuhay?!"


"Olivia..." hinawakan ko ang kamay ni Olivia saka siya tinignan sa mata "Huwag ka magalit, bata yan."


"Hindi ako galit blade, ang sinasabi ko lang-"


"Pero bakit ko pa nanaisin mabuhay kung wala naman akong silbi." malungkot na tanong ng bata


Kagat labi akong tumingin sa kanya, luhod ako upang pumantay sa kanya.


"Magaral ka, mangarap ka at humanap ka ng mga taong magmamahal sayo that way you will find out your usefulness in this world." sabi ko sa kanya habang magkapantay kami


Hinaplos ko ang buhok niya at bahagyang ginulo.


"Pero paano? May sakit ako puso."


"Meron akong kilalang isang magaling na Doctor aalisin niya ang sakit mo sa puso."nakangiting sabi ko


"Aalisin niya? Kapag wala na akong sakit magkakaroon na ako ng silbi sa mundo?"


"Oo, payag ka ba na tanggalin niya yung sakit mo?" tanong ko


Yung kaninang malungkot niyang mga mata ay napalitan ng pagkasabik at tuwa dahil sa narinig. Subalit may katiting parin na lungkot sa mga mata niya.


"Kung sa ganung paraan ako magkakaroon ng silbi, sige po payag po ako.." sabi ng bata


Batid ko na maalis man ang sakit niya sa puso pero hindi magagamot ang sugat ng bata niyang puso na gawa ng taong nangiwan sa kanya.

"Wow ang galing naman ng future husband ko dahil diyan luto mo Ko ng Paksiw!"


"Naku ayan nanaman siya maguumpisa nanamn ang parusa!"


"Nagrereklamo ka?!" galit na sabi ni Olivia


"HINDI sabi ko nga magluluto ako eh." napapailing na sabi ko na lang



Haist, ganito pala pag naglilihi ang asawa.




Who is Doctor Blade #Watty2018Where stories live. Discover now