CHAPTER 54

52 0 2
                                    

ALIZZA POV

"Kaya mo pa?" Ani Cassie na agad akong inalayan nang makitang nadapa ako sa kakatakbo. Part ng team building, which is to relay a message.

"Y-yes." Agad akong bumangon at tumakbo, kita ko sa kabilang linya sina Adam na halos makakahabol na sa amin. Nakarating agad ako sa mic at agad na hinablot ito.

"The floor is lava." Pahingal-hingal kong sabi. Itinaas naman ng isang teacher ng Quellin ang red flag na group color namin.

"Activity winner, Red team." Naghiyawan ang aking mga kagrupo, panalo kami sa halos lahat ng activity, si Kali, Leonell Kimpoy, Harrold, Gail, Aerie at tatlong taga Quellin ba naman ang kasama ko, halos lahat ay Athlete.

Pero di ko alam at bakit ako nakakaramdam ng hilo, sakto naman ang tulog at kain ko.

Maggagabi na kaya nagtipon tipon na kami sa function hall. Magkakaroon daw ng program, hindi kami nainform.

"Good evening Saviors and Quellins! Kamusta ang team building? Masaya?!"

Anang tining ng isang baklang emcee na taga-Quellin, agad namang naghiyawan ang iilan sa mga studyante at ang iba'y walang kibo dahil sa pagod.

"Masayaaaa!"

"Wooooh!"

"Yeees! Kapagod!"

"Masaya nga pero pagod ang lahat! Hahaha." Patawang asik ng emcee, agad naman itong napatingin sa gilid at andoon ang ilan sa mga studyanteng tila nakacostume.

"Gusto niyo pa ng mas masaya?!" Inangat pa nito ang kaniyang kamay para marinig ang sinasabi ng mga studyante.

"Team bulding ulet?!"

"Gabi na eh!"

"Kapagod!"

Agad namang napasimangot ang Emcee nang marinig ang bulyawan ng lahat.

"Engot lang? May sasayaw nga diba? Diba?! Ayaw niyo edi wag!"

Natawa naman kami sa kakulitan at pakikipag-usap niya sa mga studyante.

Nagsimulang lumakas ang volume ng speaker dahil sa pagtunog ng isang funky na kanta.

"Let's give it up to Quellin Dance Troupe!"

Nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat, kasabay naman nun ang biglang pagyanig ng mundo ko.

Aray!

Nakaramdam ako ng kirot at biglaang pagkahilo, anong nangyayari?

Pinilit ko ang tindig ko dahil baka sa pagod lang.

"Okay ka lang?"

Gulat naman akong napalingon kay Asiy na nakahawak sa kanang balikat ko. "O-Oh okay lang ako."

Hindi ko makita si Adam nang inilibot ko ang tingin ko, asan kaya siya?

Napahalukipkip nalang ako upang suportahan ang sarili kung sakaling ako'y matumba sa pagkahilo.

Anong nangyayari sa akin?

Kinakabahan ako ng husto at nag-iinit ang katawan. Hindi normal to lalo't hindi ako masakitin.

"Masaya ba? More ba? Hahahaha tuwang tuwa oh kanina pagod na pagod!"

Hindi ko namalayang natapos na pala ang dance number ng QDT na ang seseksi ng mga suot dahil sa nararamdaman ko, dumagdag pa sa pagkahilo ko ang tilian ng lahat.

"Moreeee!"

"Isa paaaaa!"

Kaliwa't kanan ang sigawan.

"Okay tapos na sa Quellin, ngayon naman, sa Savior! Ang swete nating lahat dahil pogi siya! SSG president pa!"

H-Ha? Si Adam?

Muling nagtilian ang mga babae, maging sila Asiy ay umakbay sa akin at ngiting nakatingin sa stage.

"Let's give it up for, Adam Matthew Maghirang!" Sigaw ng Emcee.

"Ayan na si Yame mo sis!" Pilit naman akong napangiti kay Asiy na hindi kakakahalata sa nangyayari sa akin.

Nakita ko si Adam na naglalakad papunta sa stage, rinig ko pa rin ang malakas na hiyawan ng mga bakla't babae.

The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath

Napatingin siya sa aki't nakangiti, nagtinginan naman ang lahat sa akin at tila'y kinikilig pa ang iba.

And emeralds from mountains thrust toward the sky
Never revealing their depth
And tell me that we belong together
And dress it up with the trappings of love

I'll be captivated, I'll hang from your lips
Instead of the gallows of heartache that hang from above

Dahan dahan siyang lumapit sa  akin at nakangiti, kahit na nahihilo na ako ay pinilit kong ngumiti. Halong pagkahilo at kilig ang nararamdaman ko.

Ang pogi niya palagi.

And I'll be your cryin' shoulder
I'll be love's suicide

Nasa tapat ko na siya, napahinto ito sa harap ko, dahan dahang hinawakan ang pisngi ko saka niya ako tinitigan ng napakaseryoso.

Lalong lumakas ang tibok ng dibdib ko.

TUGDUG

TUG

DUG

TUGDUG

I'll be better when I'm older

Di ko na kaya, Adam. Pasensya kana.

"I'll be the greatest fan of your—"

Ramdam ko na matutumba na ako, sobrang dilim na ng paningin ko.

"Isaaay!!!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now