CHAPTER 49

21 1 1
                                    

ALIZZA POV

Ang sweet ni Leonell, pumunta kami ng Cafeteria at nilibre niya kami nang makita niya kami ni Asiy na nakatambay noon sa garden, parang may balak na ata siyang ligawan ang bestfriend ko dahil binigyan niya ito ng isang pirasong bulaklak at nakangiti pa ito palagi habang tinititigan si Asiy.

Biglang dumating si Claire hawak hawak ang kamay ni Adam at ngumingiti ito sa amin, maya maya pa'y agad siyang lumapit sa amin at inimbita kami papuntang isawan.

Napatingin ako kay Asiy nun at parang umiiling si Asiy as a sign na di siya papayag kasi parang weird nga si Claire sa kilos niya ngayon. "Sige na please, I'm craving for an Isaw"

Hindi paman kami nakapagdesisyon ay agad na kaming hinila ni Claire palabas at sumunod naman si Leonell kaya kaming lima ang lumabas ng Campus at dumeretso sa suki kong nagtitinda ng Isaw at Fishball.

"Guys, ipagtatapat ko sa inyo, ang laki pala talaga ng kasalanang naidulot ko sa buhay niyo, gusto ko sanang magsorry at sana mapatawad niyo ako dahil handa akong magbago para maging kaibigan niyo ulet." Nanlaki lang ang mga mata ko sa pagbasag ng katahimikan ni Claire habang kumakain kami ng Isaw nun sa daan, nakakapanibago pero parang nararamdaman kong sincere siya sa paghingi niya ng tawad.

Ngumiti siya sa akin kaya agad akong ngumiti at tumingin din siya kay Asiy na noo'y walang reaksyon.

Nagsorry din si Claire kay Leonell at agad niya namang tinanggap ito. "Pwede pahingi ng group hug?"

Kahit na magkabati na kami ni Claire ay naiilang pa rin akong pansinin siya dahil nga ilang taon din naming di ginawa iyon, lalo akong nailang nang naggrouphug kami dahil nakapagitna ako kay Adam at Claire which means niyakap nila ako pareho.

"Yan, okay na tayong lima ha? As a sign of gratitude guys, please, this is my last favor, pwede bang kamain kayo sa bahay ko? Okay lang ba sa inyo?" Nilingon niya kaming lahat at unang sumang-ayon si Leonell, kasunod naman si Adam, ngumiti din si Asiy at sumang-ayon ito, nakipagbeso siya kay Claire at talagang bati na sila.

Tumingin silang lahat sa akin at masugid na hinihintay ang sagot ko, naisip ko na malapit lang din naman ang bahay nila sa amin kaya pumayag nalang din ako at nagdiwang ang lahat.

Sumakay kaming apat nina Asiy sa sasakyan ni Adam habang si Leonell naman ay nagmaneho sa motorsiklo niya.

Nakarating kami sa bahay ni Claire at malapit nang maggabi kaya pagkarating namin ay deretso kaming naghapunan at nakita ko ang parents ni Claire.

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso kami sa pool nila para magpahangin at magpatunaw ng kinain.

"I'll be back guys!" Pumasok sa loob si Claire at naiwan kaming apat sa pool area, nakaupo lang ako nun sa swing na malapit lang sa pool, pinagmamasdan ko si Adam na noo'y tulala habang tumitingin sa pool, tumingin siya sa akin makaraan ang ilang minuto at binaling ko naman agad ang tingin ko patungo sa ibang direksyon.

Bumalik si Claire na may dala dalang alak at nagyaya itong makipag-inuman sa amin. "Inum muna tayo guys? Pwede ba? Okay lang sa inyo Cassie?"

Tumango lang si Cassie sa tanong ni Claire at tumingin naman siya sa akin, "S-sorry Claire, di ako iinom eh, juice nalang siguro" Ngumiti ako sa kanya bilang sign of respect.

"Naku, okay lang, sige, ikukuha kita" Ngumiti siya at nilapag ang alak sa mesa saka bumalik sa loob para kunan ako ng juice.

Makaraan ang ilang oras.

Lasing na ang tatlo, habang si Asiy naman ay kasama ko na, matapos ang 3 shots ay tumigil na si Asiy dahil medyo nahihilo nadaw siya kaya magkasama nalang kaming uminom ng juice at kumain ng junk foods.

Tumayo si Leonell na noo'y pinagmamasdan ni Asiy at lumapit siya sa amin, "Cassie, baka sabihin mong lasing na ako ha, pero pwede ba kitang itayo? at may sasabihin lang ako."

Ngumiti ako sa noo'y nakangiting si Leonell na para namang di pa lasing at agad niyang inabot ang kamay niya kay Asiy, agad naman itong tinanggap ni Asiy at tumayo silang dalawa.

"May itatanong lang ako sayo, Cassie"

"Ano yun?" biglang may kinuha si Leonell sa kanyang bulsa habang tinitingnan si Asiy sa mga mata nito.

"Cassie, w-will you be my girlfriend?" lumuhod bigla si Leonell at inalay sa kamay ni Asiy ang singsing na kinuha niya mula sa bulsa niya, masayang masaya si Asiy nun at agad niyang pinatayo si Leonell.

"Yes! Sinasagot na kita Leonell!" Dali dali itong pinatayo si Leonell at hinalikan sa pisngi.

"Akala ko'y magpapachoosy kapa." Sumimangot siya sa akin pero agad naman itong patalon talon ulit sa saya.

Biglang umagaw ng atensyon si Adam, lasing na nga ito. "Wag niyo sabi kay Isay na.... Inom ako m-marami h-ha?"

Itinuro pa nito kami at natatawa namang akbayan ni Leonell ang kaibigan. "Ayaw ko, galit sakin, yung m-mahal kong iyon!"

Kinilig ako sa sinabi niya, hindi nagsisinungaling ang lasing. Napapikit nalang akong pangiti-ngiti habang sinusundot ni Cassie ang tagiliran ko bilang pang-aasar nito.

Lasing na si Adam at Claire pero nasa ulirat parin naman ito, sa guest room na raw matutulog si Adam kaya nagdesisyon na rin kaming magsiuwian.

"Thanks for the night guys, I'll hope all of us will be okay so soon. Ingat kayo" Sambit ni Claire habang hinatid kami sa gate. Si Leonell ay di pa naman ganoon kalasing kaya ihahatid niya daw si Cassie saka siya uuwi.

Umuwi na ako sa amin at masaya ako sa araw na ito kasi madaming nangyari, nagkabati na kami ni Claire at may lovelife nadin ang bestfriend ko, ako kaya nito? Saan kaya ako pupulutin? alam kong may nararamdaman pa si Adam sa akin at ako din naman sa kanya, pero parang di pa namin oras kaya handa akong maghintay para sa tamang panahon.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now