CHAPTER 29

13 1 1
                                    

ALIZZA POV

"Tama na guys!" sinusubukan ko silang pigilan pero ayaw paawat, nakapasok na ang mga teachers, nakakahiya, may sisters pa naman.

"Hey ! STOP!" Sabi ni Mrs. Fullido at nahinto naman ang dalawa.

"You two, together with the SSG top officials, proceed to the office right now!"

Galit na talaga si mrs.Fullido, sumunod lang kaming apat sa kanya at nung nadaanan namin ang 3 sisters ay nagmano pa kaming dalawa ni Cassie, Sorry Lord.

Nakarating kami sa SSG office, at sinalo ang sermon ni mrs.Fullido

"Ano ba kayo? Claire and Cassie? Role models ng all section in a Catholic school, nagawa niyo yan?! Kalapastangan sa pangalan natin lalo na't may sisters tayo kanina!"

Napayuko lang kaming apat, for sure kami naman ang susunod nito.

"At kayung dalawa, mr. President and miss Chairman, kayo ang leaders at di niyo pa inawat ang dalawang nasa harap niyo lang?!"

"I'm sorry ma'am" Tugon ni Adam sa nagwawalang tinig ni mrs. Fullido. "To late for an apology Adam! All you four can do now is to clean your mess, our image as well as yours can be ruined, so go take the chance!" Kahit galit na galit si mrs. Fullido ay tinuruan niya padin kami ng tamang leksyon na di kami pinapahirapan, nagsorry kami ulet at lumabas na ng office saka bumalik sa room at nag-exam, dahil sa pangyayaring yun, medyo kinabahan ako, pag kinakabahan kasi ako, nalilimutan ko minsan ang nireview ko, naglagay ulet ako ng piso sa medyas ko, sana gumana pati sa exam.

Natapos ang exam, that means kainan na, dahil nasa harapan ako at nasa pinakalikod si Asiy,hinintay ko nalang siyang lumabas saka na kami sabay, 1st day of exam is over, 2 more days nalang at okay na.

"Bakit mo pa kasi pinatulan yun bess."

"Bakit ba bess? Di ka nasaktan sa sinabi niya? Ako nga na walang hawak sa puso mo, kumirot eh."

"Salamat sa ginawa mo bess, kung di lang talaga tayo nag-aaral dito sa SHS binugbog ko na yun bess." Biro lang, di naman ako ganun, di nga ako marunong manuntok eh.

"Talaga bess?" Gulat nitong tanong sa akin. "Oo bess! Tara kain na tayo? Sa bahay namin!" Pag-aaya ko, para naman makabawi ako sa ginawa niya, madami na kayang ginawang mabuti ni Asiy, kaya love na love na love ko ito. Dumeretso na kami sa bahay at sinalubong naman kami ni mama, napakaclose kaya nila sa isa't isa. Ang dami nilang pinag-usapan habang si papa naman ay kinunan pa kami ng pictures magbestfriend.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ni papa si Asiy at ako naman ay dumeretso sa kwarto at nagsimula nang magstudy para sa exam bukas, hawak ko na ang math, okay na ako dun, sa science nalang saka yung iba pang subjects, sana masagutan ko lahat bukas, lalo na't puro problem solving sa Science bukas, gusto ko talaga maging Top 1 ulet, lalo na't final year na namin to at magkakanya-kanya na lahat pagkatapos nito, pero mapropromise kong magkakasama padin kami ni Asiy sa college, eh si Ewy kaya ? magiging kami padin ba kaya sa college? sana nga, sana lang.

ADAM POV

Salamat naman at natapos namin ang 2nd day na di dumugo mga ilong namin, may part na mahirap ang Science pero nakakaya ko naman, pero yung Math, lalo na dun sa solving, may blanko talaga ako, ewan kahit masasabi ko sa sarili kong matalino ako, may di talaga ako makuha, kulang din siguro sa study kasi andami ko ding ginagawa sa school, varsity pa tapos SSG president pa tapos wizard pa ako, kaya nagkagulo-gulo tuloy. Anyway, nasa mall kaming apat nina Leonell at Asiy ngayon, nagpapalamig galing kumain, manonood daw kami ng sine mamaya eh, maganda daw kasi yung Diary ng Panget na showing last day, eh di kami makapanood kasi nga study time namin yun, kaya ngayon nalang siguro, ang galing ng nagsulat ng librong yun na ginawa pang movie, si ate Denny.

"Tara na guys? 1:35pm na, 25 minutes nalang!" Sabi ni Leonell habang nakatayo.

"O sige tara, hey Adam and Isay, bili kayo ng pagkain please? Kayo na, iihi lang ako, parang puputok na pantog ko." Sabi ni Cassie habang hinawakan ang tiyan niya, saka siya umalis at hinila pa si Leonell, baka yung dalawang yun din magkakatuluyan.

"Tara na?"

"Oh sige tara, Ewy." Hinawakan niya ang kamay ko, sana ganito din kami sa school, walang bawal at pwede ang lahat, para naman free naming iexpress ang mga feelings namin lalo na sa mga minamahal namin, dumeretso na kami sa tindahan, umorder lang kami ng 4 large popcorn at juice, nilagay sa cellophane at hinintay ang dalawa, nasa gilid lang kasi ng tindahang ito yung entrance papunta sa cinema, at nandoon kay Leonell ang ticket kaya di pa kami makakapasok.

12 minutes nalang magsisimula na, wala padin ang dalawa, siguro dinidate na ni utol yung si Asiy, pasekreto pa eh, pero mga 10 minutes na nung dumating sila at nagsitakbuhan na kami papasok sa loob ng cinema 1 kung saan andoon ang Diary ng Panget Movie, pagkapasok namin, di na ganun kadami ang tao na inasahan namin, eh kasi 3rd day na ngayon kaya siguro ganun, naiintriga ako eh, ang ganda daw kasi ng movie na to, Di ko din naman nabasa ang libro nito, maybe yung kapatid kong mahilig sa mga stories nabasa niya siguro.

Nag-enjoy naman kaming nanood at bahagyang hinihigit ko ang kapit ng mga kamay ko sa beywang ni Isay, sana sa room ganito din kami, sana kahit saan ganito na kami, yung tipong walang makakapigil saming dalawa? Ang astig nun, kaso, di pwede dahil nga nag-aaral kami sa isang paaralan na mahigpit na pinagbabawal ang relationships kasi most of the time, infatuation lang daw yan, pero para sakin, di naman kasi mahal ko si Isay dahil di ko alam, oo hindi ko talaga alam.

Tapos na ang movie at nag-enjoy naman kami, ang ganda nga, umuwi na kami at hinatid ko sila isa isa sa mga subdivision nila, paubos na nga fuel ko eh, ang dali maubos pag nakasakay ang tatlo. Huli kong hinatid si Isay at dahil nga official na kami, except sa school, lagi na akong nakakakuha ng goodbye kiss sa kanya, kahit sa cheeks lang, masaya na ako nun.

Nakarating ako sa bahay ng bandang 6pm , ngayon pala darating sila papa, kaya for sure andito na yun kasi kaninang madaling araw pa ang flight nun, pagkapasok ko sa loob, nakita ko agad ang pinakamaganda kong kapatid, si Kesha.

"Keshaaaang!"

"Kuyaaaaaaaa!" Binati ako ng yakap niya ng mahigpit at binuhat ko siya. "Miss kita ng sobra kuya."

"Ganun din naman ako eh, asan si daddy?" Pagtatanong ko habang pinagmamasdan ang maamo niyang itsura. "Andoon sa kwarto, tara puntahan natin? may sakit si daddy eh."

Panahon na siguro para di ako mahiya kay Daddy, sumama sakin si Kesha papasok sa kwarto nila mommy at daddy, nakita kong nakahiga si daddy habang si mommy naman ay minamasahe ang paa niya.

"Oh, son." Sabi ni daddy na walang pagbabago sa ekspresyon niya, may sakit siya eh, lumapit ako at sa kanya at nagmano, pero di ko matiis, niyakap ko na siya.

"Kamusta kana ba?" Nagulat ako lalo, pag nandito kasi si daddy, di ako kinukumusta niya kundi pag-aaral ko kaya ang saya ko lang ngayon.

"Okay lang naman po, exam namin kanina at ang easy lang!"

"Talaga? Balita ko SSC kana, dapat top 1 ka ha." Sabi ni papa sakin na ngumingiti na. "Oo naman, ako top 1 dun." Saka niya ginulo ang buhok ko.

After some chitchats with mom, dad and Kesha, lumabas na ako at nag-goodnight sa kanila, sa kanila daw matutulog si Kesha, sanay yun katabi si daddy eh, dumeretso lang ako sa kwarto at natulog narin, sana ganito lang palagi, di ko hinihingi na sana may sakit lagi si daddy, pero sana lagi siyang masaya at di niya na ako masyadong prinepressure sa pag-aaral ko.

Love Geeks (EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن