CHAPTER 15

4.9K 52 20
                                    

ADAM POV

Wow! natalo namin sila, ano kayang nakain ni Claire ? at Jyca at ang hyper nila? pero duda ako sa babaeng to, kasi ang dami niyang sinabi kanina na parang nirerebutt niya ang mga tira ng kalaban kahit wala pa. Basta, ginawa ko ang makakaya ko.

"Victory party tayo sa bahay namin!" pagyayaya ni Claire habang hinawakan ang mga kamay ko. si Jyca naman ay lumalamon ng isang buns na may hotdog. "O sige ba!"

Tugon ni Jyca. Tumingin sa akin ang dalawa at wala naman akong gagawin ngayon pwera nalang sa assignments, pumayag ako at pinagmaneho ko sila sa bahay nina Claire. Malaki ang bahay nila, lagi ako pumupunta dito kaya kilala na ako ng mommy at daddy niya.

"uy nagbabalik si Adam!" sabi ng mommy ni Claire habang nagmano kami ni Jyca sa daddy niya, marami silang hinanda at nakita ko ang ibang maid na nagseserve pa ng pagkain. "hello po tito and tita!"

"Well you know mom, natalo namin ang isang candidate for Valedictorian this year!" sabay high-five ni Claire kay Jyca. "Oh im proud of you anak."

Lumapit ang mommy niya at niyakap siya, natutuwa ito, minsan lang kasi manalo sa mga kompetisyon si Clarita, natatakam ako sa mga pagkain na nakalapag sa lamesa, may adobo, may lechon baboy at manok, may pork chop, sobrang dami. Umupo na kami lahat at masayang kumain sa mga putaheng hinanda, ang sarap ng mga pagkain.

"So How's the modelling Adam? are you okay with Claire?" Tanong ng mommy ni Claire habang pinapapak ang steak na nasa mesa, nakaupo kaming lahat doon, habang nakatayo naman ang mga house maid para pagsilbihan kami sa pagkain.

"Nako tita best partner si Claire, pero bukas wala ako, manonood kasi ako ng next top model, andun si Leonell." At si Isay din ay nandoon.

"Ah, your boyfriend right?" Sabi ng daddy ni Claire sa kanya. "No dad and mom, I broke up with him." Nagpaliwanag si Claire habang kami ni Jyca ay patuloy na kumakain. Hindi ko nga alam pero parang basic lang sa kanila ang hiwalayan.

"I have a new one, a writter, I'll introduce him to you sooner, mom and dad." Ngumiti nalang ito at agad kaming naubusan nang mapag-uusapan dahilan para damdamin namin lahat ng pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay niyaya kami ni Claire sa kwarto niya, magpalamig daw muna kami bago umuwi, total busog pa naman kami ni Jyca ay dumeretso na kami sa pangalawang palapag. Kita ko ang iba't ibang paintings na nakakabit sa hallway, mahilig ang pamilya nila sa mga abstract paintings. Nakarating kami sa dulo at may kulay pink na pinto akong nakita, iyon na ata ang kwarto ni Claire.

"Wow ang ganda dito Claire!" Reaksyon ni Jyca na manghang mangha sa kwarto ni Claire na pink and black ang theme. may terrace pa siya, napakadisente.

Umupo lang si Jyca habang ako naman ay dumeretso sa terrace para magpalamig, dinamdam ko ang simoy ng hangin at bigla kong nakita si Isay sa kalsada hawak hawak ang isang garbage bag.

Ang ganda niya, kahit sa malayo, naka short lang siya na maiksi habang naka sando na itim, ang ganda niya talaga, kahit malayo siya ay kitang kita ko padin ang mukha niya.

"Dammy? What's up there?" Napatingin nalang ako sa dalawang nag uusap. "ah wala."

Pagtingin ko ulet sa kinaroroonan ni Isay ay wala na siya kaya pumasok nalang ako sa loob. Tiningnan ko ang paligid, malawak ito, may mga figurines ng hello kitty, pati narin ang naglalakihang photos sa pagmomodel namin, sa work table niya ay may nakita akong isang natatanging notebook, may nakasulat: For debates by A.

Hindi mahilig sa Yellow si Claire kaya nagtanong ako.

"Ang corny ng kulay ng isang notebook mo, ah, Claire?" Biglang napatingin sa akin ang dalawa, gulat at dali-daling lumapit saka hinablot ang hawak hawak kong kuwaderno.

"Ah Y-yes, kay Jyca to, sinulat ko lang ang mga holes about sa debate kanina. Right, Jyc?" Tumingin agad ito kay Jyca na tumango-tango.

So sino si A? Idol nila sa debate? I am really confused.

"Alis na ako, ikaw Jyca?" Bigla kong paalam nang naburyo ako. "O sige sabay nalang ako sa iyo."

Saka tumayo si Jyca at Claire, bumaba na kami, nagpaalam kami sa mga magulang ni Claire at pumunta na sa kotse ko at nagmaneho, hinatid ko si Jyca sa kanila dahil malapit lang ang main office ng wilgards clothing na pag mamay ari namin sa kanila.

Kumuha ako ng damit na Casual at pang summer dun para sa sosootin ni Leonell bukas, Sponsor din naman ang clothing line namin. Sana manalo si Isay, well, sure na ako kay Leonell kasi turong turo na yun, ako kaya tutor nun.

Di nila alam na ako ang kakanta para sa presentation sa final o sa Mix and match attire nila. Maybe I'll surprise her, teka, bakit sa kanya lang ? I don't know why pero gusto kong magpapansin sa kanya.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now