CHAPTER 53

20 1 2
                                    

LEONELL POV

Tameme si Isay na halatang kinakabahan sa tanong ni Adam. Ang apat nama'y masugid na naghihintay ng kanyang sagot.

"Wala na, nabato na." Hirit ni Ace.

"Nilumot na yung bote." Ani pa ni Black.

"Don't worry, you can delay the answer, we still have 2 days left to win your heart." Sapaw ni Adam upang hindi mapahiya sa nababatong si Isay.

"S-sorry!" Napayuko nalang si Isay na hindi alam ang gagawin.

Agad kong kinuha ang bote para mailipat ang sitwasyon. Pinaikot ko ito at saktong huminto kay Black.

"Oh no, I am not a participant." Reaksyon ni Black nung nakatingin na kaming lahat sa kanya.

"Si kuya,KJ!" Pang-aasar pa ng kikay na si Pink.

"Well, ako ang nagpalaro so di ako kasali." Tugon pa nito.

"Kabayaran nalang din ito sa manipulasyon mo, saka may gusto rin kaming malaman." Aniko. Bumabagabag parin sa isip ko ang biglaan niyang pagdating sa buhay namin.

"Okay! Just this once." Nilagok niya pa ang isang bacardi bago salubungin ang aking tanong.

"Why manipulate their lives and will?" Napatingin ang lahat sa akin at ibinaling din agad ito kay Black upang makapagsagot.

"Y-you really wanna know why?" Angil pa nito.

"I am immortal and this is my curse." Singhal niya habang nilagok ulit ang bote ng alak.

"Dude, he's drunk."

"Aning."

"May sapok na."

Agad kaming nagsitayuan lahat.

"Okay guys let's end this, lasing na nga si kuya, good game! See you all tomorrow!" Anunsyo ni Pink at agad naman nitong pinatawag ang mga bodyguard ni Black para alalayan ito papunta sa kanyang silid.

"Baliw talaga 'yon" ani Kali habang naglalakad kaming tatlo pabalik sa aming kwarto.

"She's not ready, yet." Namumutawi sa mukha ni Adam ang pagkadismaya nang di niya makuha ang sagot ni Isay.

"Maybe let's wait further, bro." Suhestiyon ko nalang sa kanya.

Nakarating kami sa kwarto at agad namang napahiga si Kali katabi ang isa niyang classmate sa Quellin. Habang si Adam nama'y kumuha ng pagkain sa kaniyang bag.

"Hindi ako makatulog, maybe I should join the Bonfire outside a bit." Sambit nito sa amin at bigla itong tumayo't lumabas.

"Matulog kana Leon, kayo ang magle-lead ng morning exercise later." Pahabol pa nito bago isara ang pinto.

"Damn, I hate early mornings." Naibulong ko nalang sa sarili ko.

Biglang nagvibrate ang phone ko at nakita ang larawan ni Ace, tumatawag ito.

"T-tiger?"

"Hey Ace, can't sleep?"

"Y-yes, lumabas si Isay eh, nagpahangin."

"Eksakto! Lumabas rin si Adam dahil di makatulog."

"C-can you sing me a song? Para makatulog ako, please?"

Nagulat ako sa tanong niya. Mukhang masasanay na naman akong maging singer nito.

Nagtatanong ang isip
Di raw maintindihan

Love Geeks (EDITING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora