CHAPTER 27

16 1 1
                                    

ALIZZA POV

Asan na kaya si Adam? kanina pa ako naghihintay eh, nauuhaw nadin ako, tumitingin ako sa mga taong nakapalibot, grabe ang dami pala talagang tao dito kahit pasukan pa, pero gabi nadin naman eh. Ilang minutong pag-upo ay medyo nabagot na ako, ilang litro kaya binili ni Ewy? Corny ng tawagan namin pero handa akong magpakacorny para dun.

Tanaw ko sa aking mga mata ang pagdagsa ng mga tao dun sa may unahan, parang pinalibutan, napatayo ako at naintriga sa nangyari, patalon talon, walang makita dahil sa tangkad ba naman ng mga taong to, oo di ako maliit, matangkad lang sila. Sumingit nalang ako saglit, kahit na masikip, gusto ko tingnan kung ano yung pinapanood nila.

Papalapit ng papalapit ako nang makarinig ako ng isang magandang boses, isang pamilyar na boses, teka, si Kali Drake ba ito? Oo, si Kali nga! lalo akong sumiksik at nakita ko na siyang nakaupo sa upuan habang kumakanta, nakabonnet siya saka sweater at may gitarang hawak, katabi niya ang isang batang manlilimos na may hawak na lata

You're beautiful
You're beautiful
You're beautiful it's...

Napahinto siya nang makita niya ako, yumuko naman ako at agad siyang ngumiti, tumayo siya mula sa pagkakaupo at pinagpatuloy ang pagtugtug ng gitara kasabay ng kanyang pagkanta. Ang ganda ng tinig na nilalabas ng kanyang bibig, ang sarap sa tenga, eargasm.

It's true,
I saw your face,
in a crowdy place,
but I don't know what to do,
Cause I'll never be with you, ohhh

Nagpalakpakan lahat ng mga tao, dinagsa ng mga barya at papel na pera ang batang manlilimos na nagtatalon sa saya, tinanggap niya lahat ng pera habang si Kali naman ay nasa harapan ko padin at bahagyang nakangiti. "Hi ulet miss AJ"

Bati nito sa akin, nakapamulsa lang ang kanyang kaliwang kamay habang hawak hawak ang gitara ng kanang kamay nito. "uh, Hello Kali."

Niyakap siya nung bata at nagpasalamat ng husto sa kanya, ginalaw niya ang buhok ng bata at pagkatapos ay hinugot niya mula sa bulsa niya sa likod ang wallet niya at binigyan ng 200 yung bata na lalong tumatalon sa saya, ang bait niya pala. Hinila niya ako papalayo sa crowd saka niya binitawan ang kamay ko.

"Bakit ka pala andito miss AJ?" Nagulat ako sa tanong niya, kahit di taga SHS kailangan wala pading makakaalam, mahirap na.

"Wala lang, gumala lang ako." Nagkibit-balikat nalang ako at ngumiti ng bahagya. "Kasama mo ba si Adam?"

Nanlaki ang dalawang mata ko sa tanong niya at nalilito ako sa isasagot ko, alam niya na kaya? nakita niya kaya kami?

"B-bakit mo naitanong?" Nag-aalinlang kong tanong habang nililigpit niya na ang gitara. "Wala lang, kasi mahilig sa perya yun."

Napahinga ako ng malalim, mabuti nalanh, may mailulusot na naman ako.

"Ah, oo, kanina kasi pumunta kami ng mall para sa project namin sa SSG tapos ayon tambay nalang muna kami dito."

Tumataas na ng tumataas ang ilong ni Pinocchio, sorry. "Ah ganun ba? Asan siya?"

"Ah bumili pa ng.."

"Hey Isay!" Pagkatingin ko sa kinaroroonan ng boses ay nakita ko si Adam na tumatakbo papunta sa amin dala-dala ang isang plastic Cellophane. "Anong ginagawa mo dito?"

Bungad nito sa amin. "Hey dude, pati ba naman dito. Wala lang, di naba pwede gumala dito?"

"Aalis na kami, halika na Isay." Bigla akong hinila ni Adam at parang nagkaholding hands pa kami kaya nanlaki ang mata ni Kali, nakatingin padin kasi ako sa kanya, ng nakita kong nagulat siya ay kumawala ako sa pagkahawak ni Adam at tumingin naman siya sa akin.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now