CHAPTER 47

868 19 2
                                    

ADAM POV

Lalong sumikip ang dibdib ko sa kakaisip ng mga pangyayari sa amin ni Isay, sinabayan pa ang araw ng mga patay at dinalaw namin si lolo na noo'y nasa north cemetery nakalibing, nag-alay lang kami ng bulaklak ngunit nasa isip ko palagi ang moment na nakita ko siyang kasama ang taong alam kong walang maidudulot na maganda sa buhay niya, bakit ang ungak na yun pa ang kasama niya? Baka pati siya masaktan at paglaruan ni Kali, kaya gagawin ko lahat para makuha ko siya. Hindi ako nagduty sa Bench nung semestral break at mabuting balita kasi walang duty every weekend until December 30 kaya nakaluwag luwag ako sa schedule.

"Kuya, what brings you so depressed?" nakaramdam ako ng bigat sa kanang balikat ko at nakita ko si Kesha na noo'y nag-aalala sa akin, agad naman akong nagkibit balikat at tumayo sabay sindi ng kandila para alayan si lolo.

"a-ah , wala baby, tara na? San sila daddy?" ngumiti si Kesha sa akin at agad ding nakisindi sa kandilang sinindihan ko. "Share mo yan sakin after our visit to grandpa, okay? Well, yun sila oh! Iniwan na tayo" 

Hinila niya ako para sumama sa kanya at sumunod kay daddy and mom. Sa paglalakad namin ay biglang napukaw ang loob ko nang makita ko si tita Alyssa kasama si Ali, nagkasalubong ang mga mata nila ni daddy at parang di parin sila magkabati, agad naman akong ngumiti kay tita at binigyan ng apir si Ali na noo'y nakangiti habang kumakain ng cotton candy, nakingiti nadin si Kesha at agad ko naman itong binuhat para di na mapagod.

"Kuya , let's buy that stuff!" tinuro ni Kesha ang pagkain na kinakain ni Ali kaya agad naman kaming nagpaalam sa mag-ina upang pumunta sa cotton candy shop kung saan naiwan kaming magkapatid ng aming mga magulang.

"Manong isang ca..." di ako nakapagtapos ng pagsalita nang makita ko ulet si Isay, she's wearing white blouse with a black belt at ang ganda niya tingnan, ngunit sa kabila ng pangyayaring iyon ay biglang sumulpot si Kali na noo'y nakapangkaswal na damit na tila may pupuntahang seremonya, hinila niya si Isay na noo'y ngumingiti habang inalay ang kanyang mga kamay kaya bigla naman akong nanlumo at di ko namalayan na inaabot na pala sa akin ng tindero ang cotton candy na inorder ko, "Boy, kukunin mo ba? Madami pang pumipila" nabalik ang atensyon ko sa nagtitinda at binayaran ang tindero sabay buhat kay Kesha.

"Eto na baby, tara na".

Talaga bang kinalimutan nya na ang pagmamahalan namin at ganun siya kadaling magmove-on para iopen ang kanyang sarili sa isang busabos na manloloko? di ako makapaniwala, ano kayang gayuma ang pinainom ng Kali na yun kay Isay? Di ko padin maiwala sa isipan ko ang lahat ng mga nakita ko kahit nakarating na kami sa bahay, dumeretso nalang ako sa kwarto at agad na binuksan ang kuwaderno ko. Nakapag-isip ako tungkol sa gagawin kong pagpapapayag sa panel tungkol sa relationship, alam kong mahirap ito dahil unang una, isa kaming religious school pero di naman siguro masama kung susubukan ko. Isa din ito sa maaaring maging dahilan upang magkabalikan kami ni Isay, sana nga at magagampanan ko itong gagawin ko. Tinawagan ko si Leonell dahil kailangan ko din ng tulong mula sa COMELEC, nang malaman niya ang plano ko ay agad siyang pumunta sa bahay at tinulungan ako.

"Sup dude, baliw na baliw ka talaga kay Isay huh, so ano magiging plano natin?" agad na napaisip si Leonell na noo'y tinapik tapik ang kanyang noo.

"Petition, kailangan natin ng SHS students para magsign ng petition bro, pwede naman natin gamitin yang popularity mo eh, ganito kasi yun, gusto ko ilegalize ang relationship sa loob ng campus na sasang-ayunan ng lahat, narito yung nakapaloob ng petition oh" Inabot ko sa kanya ang notebook ko at pinabasa ang mga conditions na sinulat ko.

"Oo sige, babasahin ko na, 'Legalizing relationship in Savior High School, if this petition will be approved and became a campus rule, any students with girlfriend/boyfriend can be with their partners but oblige to prevent the public demand of affection or any disrespectful act such as kissing or hugging. Holding hands may be allowed but avoid it in classes.' Wow! Ayos to pre! Magkakaroon talaga ako ng chance ligawan si Cassie if this happens!" Napangiti ako sa pagsang-ayon ni Leonell at agad naman kaming nagplano tungkol sa pagpapakalat ng petition na gagawin namin.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now