CHAPTER 21

4.1K 35 2
                                    

ALIZZA POV

Ang aga kong nagising ngayon , Excited ako ngayong araw na to, 5am pa ng umaga kaya nagjogging na muna ako sa buong subdivision, di pa ako naligo, pagkadating ko malapit sa gate, nakita ko si Claire na nagjogging din, papalapit sa kanya, yung subdivision kasi namin ay paikot lang ang daan, pabalik na ako ng bahay at siya naman ay papaikot pa lang, nang magkasalubong kami, huminto ako.

"Hi claire." I tried to reach her out, Ngumiti ako sa kanya pero nakasimangot lang siya sa akin. "Trashes don't talk, freak."

Napakasama talaga ng ugali ni Claire, ewan ko kung bakit, nagpatuloy lang siya sa pagjogging, kasama daw dapat siya ngayon sa forest photoshoot namin kaso tumanggi siya at parang gusto niya nang umalis sa bench eh, naglakad ako pauwi ng bahay at naligo, nagising nadin si Papa na nagkakape palang.

"Ang aga nagising ng prinsesa ko ah." Tanong ni papa habang lumabas ako sa banyo at pinapahid yung buhok ko sa tuwalya. "Masarap kasi magjogging, pa."

Tumabi ako kay papa at ininum ang nakahaing gatas na tinimpla ni mama. "Nak, crush mo ba si Adam?"

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni papa na nagkakape padin habang nagbabasa ng dyaryo, 'di siya tumitingin sa akin. "Ha?"

"Crush mo ba si Adam?"

"Pa, paano kung oo ang sagot ko?" naguguluhan kong tanong, baka naman papayag si papa kasi naitanong. "Ok lang sakin."

"Talaga pa?" Napangiti ako ng lubusan kaya tumingin siya sa akin, binaba niya ang diaryo at nilagok ang kape. "Bakit maligaya ka yata? Nilligawan kana ba nya?"

Napabuntong-hininga ako, tatango ba ako o hindi? tameme lang ako sa tanong ni papa. "Hoy anak, nililigawan ka na ba ni Adam?"

Napatango ako dahil kabado akong magsalita. "Okay lang sakin magkasyota kana, total dalaga na ang prinsesa ko, pero diba bawal ang relasyon sa school niyo?"

"Matagal napo akong nililigawan ni Adam pa, opo bawal, pero di po kami magsasama sa loob na parang magsyota."

"Siguraduhin niyo lang yan nak, at isa pa, ayoko masira ang pag-aaral mo dahil lang sa pagmamahal ha?" Niyakap ko ng mahigpit si papa saka ako tumango, napakamaintindihin ng mga magulang ko. I have their blessings na, means I can say yes to Adam.

"Siyempre naman pa, study first." Lumabas na si mama at nakisali sa yakap namin , kinwento ni papa ang sinabi ko sa kanya kay mama at ngumiti naman si mama na alam na ang confession ko. "Basta mag-ingat lang kayo, hayaan muna natin makaexperience ng pagmamahal ang anak natin, hon."

"Oo basta ;pag ikaw nak sinaktan ni Adam, gulpi abot sa akin nun, okay?" Natakot ako ng saglit ngunit tumango na lang ako at ngumiti, saka ako dumeretso sa kwarto ko at dali daling nagbihis ng sosootin ko ngayon araw, yung mga sosootin namin para sa photoshoot mamaya, syempre ang Bench na ang bahala nun kaya nagsoot lang ako ng pants and blouse, at dahil kakaligo lang ni papa, nag-open na muna ako ng laptop ko at pumunta sa facebook, naisipan kong magselfie sa cellphone ko at nag-upload ng new picture, ginawa kong profile picture yun, nakalimutan kong palitan yung DP ko eh, ilang years din bago mapalitan, ayoko kasi ng medyo public pero wala namang mawawala kung makikisabay ka sa trend diba.

Si Adam kaya? gising na yun for sure, 8am na eh, at 10am pupunta na kami sa Bench office, magiging exciting tong araw na to for sure, at lalong magiging exciting kasi ngayon ko na siya sasagutin. Sana lang kung maging kami na, di niya na ako papakawalan kasi mahal na mahal ko si Adam Matthew Maghirang.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now