CHAPTER 18

4.7K 43 13
                                    

ADAM POV

Nagbrown-out! Parang sinasabi ng tadhana na di ko pwede sabihin sa kanyang crush ko siya, sa biglang pagdilim ay napayakap sa akin si Isay, natakot siya habang ako naman ay gumaan ang pakiramdam. Dapat siguro sabihin ko ulet sa kanya. Pero pangit pag madilim.

Ilang minuto ang lumipas at bumalik na ang kuryente, napahinga ako ng malakas, akala ko mastostock-up kami ng matagal sa elevator na to, nanatili ang katahimikan at dahil sa pangyayaring yun ay di ko na masabi ang sinabi ko kanina, di narin siya nagtanong ulet kaya di na ako nagsalita.

"Ma'am, sir , okay lang po ba kayo pareho?" Sabi nung mga staff ng hotel habang binubuksan kami sa elevator, at pinalabas.

"Oo okay lang." Tugon ko nalang at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Isay.

"Sorry po sa abala, may natumba po kasing poste sa labas." Sambit pa ng isa sa mga technician habang nakatitig sa 'min. "Okay lang yun, no problem"

Naglakad na kami patungo sa room ng celebration at nakiparty na dun. Dumating din si Cassie after a minute kaya kumain na kami. Limitado ang galaw ko dahil andun ang pamilya ni Alizza. Ako,ni isang kamag-anak ay wala.

-●-●-●-

Oh it's Saturday, stock-up padin ang utak ko sa torpeng kilos ko kahapon, nasa bibig ko na yung gusto ko na marinig ni Alizza, pero sumemplang pa ang pangyayari at biglang nagbrown-out.

Nagjogging lang kami kanina nina Kimpoy, Leonell at Eugine at napagkatuwaan namin ang usapan about kay Alizza at ako sa elevator.

"Pre crush mo si Isay noh?" Nilalagok ni Eugine ang tubig na kinuha niya sa mini-fridge na nakalagay sa gilid ng court. "Eh ano naman diba?" Napailing nalang ako, kahit naman crush niya ako ay bawal maging kami.

"Eh kung crush mo siya at papakitaan mo ng motibo, kapag nahuli ng SHS faculty na sweet kayo, patay tayo jan."

"Sus para namang magsyota kami, eh di naman natin kasalanan kung gusto natin makipag-usap sa babae diba."

"Oo nga naman." Napatango si Kimpoy na nag-iistretching. Pero paano kaya kung maging kami na ni Isay? makakaya kaya naming itago yun?

Natapos na kaming mag-jogging at magbasketball kaya umuwi na ako sa bahay at naligo, kumain saka umakyat sa kwarto ko at nag-online sa twitter, tumblr at facebook ko.

"What's on your mind?"

Bungad sa akin ng Facebook, ano nga ba? Si Isay lang.

Sinubukan kon tingnan ang pangalan niya sa chatlist ko pero offline siya, kaya tiningan ko nalang ang picture niya na di padin updated. Nagulat ako nang makita kong inaccept niya na request ko, so nag-open na pala siya ng facebook pero di padin niya pinalitan ang profile picture niya na eyeglass lang? inopen ko ang album pero walang laman, mahiyain kasing tao si Isay.

Tiningnan ko yung mga naka-Tag na photos sa kanya at ang dami nakatag, andun yung mga picture niya nung debut ng ate ni Cassie tapos mga stolen shots ng classmates namin sa kanya sa classroom, at andun din pala yung picture niya kahapon, inupload na pala.

Ang ganda niya na talaga, dami na nagcocomment sa mga pictures na nakatag sa kanya, puro "wow si Isay na ba yan?" "Wow ang laki ng pinagbago", at kung ano ano pang mga reactions patungkol sa pagmangha nila.

Pumunta na ako sa profile ko and nag-update ng status.

"What's on your mind ? lagi akong tinatanong ng facebook, eh ikaw lang naman ang nasa utak ko." Alam kong corny pero ayun lang gusto ko ipost eh, sana mabasa mo, Alizza Jane Querubin.

Love Geeks (EDITING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें