CHAPTER 13

30 1 0
                                    

ADAM POV

Ang dami pinautos ni Coach Heron, para akong waterboy at hindi Captain. Naglakad na ako papunta ng SSG Office para sa meeting namin, kinausap ko na din si Jyca kanina, top 4 ng SSC last year, siya magiging kasama namin ni Claire, for sure magkasama pa sila ngayon, kampante nga si Claire na panalo nadaw kami eh, ewan ko ano nakain ng babaeng yun.

Nagdidilim na ang langit at nasa harap na ako ng SSG Office, nakita ko si Isay na masayang nakikipagkulitan kay Leonell, kitang kita ko ang matamis niyang tawa at ngiti, medyo kumirot ang dibdib ko, teka, nagseselos ba ako? Pero bakit naman? Crush ko na ata si Isay ? Ewan ko.

Pumasok na ako at nakita naman ako ng lahat kaya nag-assemble nadin sila lahat. Umupo ako sa tabi ni Leonell. "Oh dude tagal mo ata." Pinunasan ko ang nagpapawis kong mukha sa nakuha kong bimpo sa bag. "Dami pa pinautos ni coach eh."

Inakbayan ako ni Leonell at bigla itong humalakhak. "Alam mo par, ang mga Captain minsan ay alipin din" Inirapan ko nalang ito, pasalamat siya di siya naging captain.

"Shut up Leonell, Tara magsimula na tayo sa meeting." Tinanggal ko ang polo ko dahil nga pawis na pawis na ako at ngayon, nakasando nalang ako, kaya yung mga babae napatingin naman na parang gusto akong nakawin, pinaliwanag ko sa kanila ang pangalawang platform ko, ang washday, which is wednesday, mahalaga ang washday para sa mga uniforms namin at napaka busy ng mga senior students kasi nga graduating na kaya dadagdag lang sa problema ang paglalaba agad agad. Tinalakay ko pa ang ibang detalye ng platform na ito and unanimous and decision ng lahat kaya approved na.

Natapos ang meeting ng 7:12 and umuwi na kami, pumunta ako sa parking lot kasama si Leonell, kinuha ko ang auto ko, habang siya naman ay yung motorcycle niya, natagalan ako sa pagstart ng engine dahil tumawag pa si mommy para mangumusta. Papalabas na ako ng School and nakita ko si Isay na naglalakad mag-isa. "Isay" Sabay serbato at napansin din naman niya ito, tumingin siya sa akin habang yakap yakap ang mga libro niya. "oh Adam."

"Sakay na!" Sumenyas ako sa kanya at pinagbuksan ito ng pinto. "Naku wag na." Ngumiti ito na parang nahihiya, ang cute niyang tingnan.

"Dali na! traffic ngayon, matatagalan kapang makauwi pag ganun." Wala siyang magawa kaya sumakay nalang siya, alam niya din talagang traffic kapag rush hour. "Diba magkapitbahay kayo ni Claire?" Tumango siya bigla, naalala ko nung nagpakilala kami, pareho sila ng street. "Ah, eh, oo, 1 house apart lang." Tiningnan ko siya sa rear mirror ko at nakita kong inaayos niya yung mga libro niya, ang cute talaga niya kapag soot ang school uniform namin.

"Ah ganun ba, edi 'pag pupunta ako minsan kina Claire, dadalaw din ako sa inyo ha."

"Ah, sige okay lang!"

Naputol ang pag uusap namin at naubusan kami ng topic, di naman kasi ako yung madaldaling tao eh, lalo na tong si Isay na napakamahiyain. Nagmaneho lang ako and dumaan sa shortcuts para iwas nadin traffic.

"Kumus.." Sabay pa kaming nagsalita, medyo natawa kami pareho kaya inangat ko ang kamay ko at hinimas himas ang likod ng ulo ko.

"Ikaw na mauna Isay."

"S....sige, kumusta na pala ang mga arguements niyo?"

Pareho pa kami ng topic ah? destiny ba ito ? ayos.

"Naku yan din sana sasabihin ko, ok lang, sa inyo ba?"

"Ok din naman, balita ko kasama niyo si Jyca?"

"Ah oo eh, si Lisanna sa inyo right? Goodluck satin." Tumango lang siya at nakita kong malapit na kami sa bahay ni Claire kaya nagdiretso lang ako at huminto sa bahay nila Alizza.

"Salamat adam ha!" Nakangiti niyang sabi na tiningnan ko sa rear mirror. Bumaba na siya sa auto na nagwawave sa akin.

"Walang problema, ako na tagahatid mo ha! Goodnight!" Sabay wave ko sa kanya at nagmaneho na may dalang ngiti.

-♥-♥-♥-

"Okay, don't forget to do your assignments and pass it tomorrow. Good bye guys!"

Tumayo na si tita Bernie at nag goodbye nadin kami, phew, andaming di nakagets sa Parabola equation, pero ginagawa ni tita Bern ang lahat para mapadali ang pag intindi, best teacher indeed. Inannounce ko kanina ang washday na approved by the principal naman kaya starting tomorrow, pwede pa magcivillian kasi ipriprint pa namin ang washday uniforms. After a while, pumasok na si Ms.A na di naman nagbigay ng mahihirap na lessons sa class pero this time nagdala na siya ng Physics book.

"Okay Goodmorning class! Vacation is finished, we shall start the true Lessons now." Napalagok ang iba, kinabahan sa lesson ng strict teacher. "You're aware of Investigatory project right? And I think our science wizard is new to it, but for sure you will understand it easily, right mr. Wizard?"

Tumango lang ako, kahit na awkward kapag tinawag akong ganun, may alam din naman ako sa SIP eh, baka madali lang to kung mga kasama ko ay aware na. Wala kasing ganito sa BEC eh.

"Okay, group yourselves into 6, let's get started with your major project." So ayun, nagstart na kaming mag-group, gusto ko sana kagrupo sina Isay pero hinila naman ako ni Claire. Kaya kasama ko sina Jyca sa IP namin.

Nag-usap usap lang kami about sa kung ano ang project namin and after few minutes, nagring na, kaya recess na! Pumunta na ako sa Cafeteria, isasama ko sana si Claire at Jyca pero nagpaiwan sila, naka-Grin lang si Claire nung niyaya ko siya, ano kaya gagawin nila? may balak na naman ata.

Kumakain ako ng shawarma ng biglang may umakbay sa balikat ko. "Dude!"

Nakita ko ang tropa ko sa BEC, na mga ka-team ko din naman sa basketball. "Uy mga pre!"

"Busy na busy kana sa buhay mo ah! nakalimutan mo na kami." Sabi ni Kimpoy habang kinakain ang shawarma ko, matakaw to eh.

"Eh dami na activities eh, saka alam niyo na, isa akong science Wizard and SSG."

"Well, set that aside, kanta muna tayo."

Sabi ni Harold habang plinupluck ang gitara, eto ang bonding namin bukod sa basketball, ang kakanta.

Ikaw, ako, tayo ang nagbuo
Samahan natin walang tatalo
Ako matalino, ikaw bobo (joke lang)
Pag-iisip naman ay buong-buo

Pabili nga ng sigarilyo
Isang stick ayos na ito
Paabot na rin ng posporo
Pag-sindi pre' fifty tayo

Kaming lahat ay hindi patatalo
Sasabay kahit anong uso
Magkasama saan man patungo
Ok talaga ang barkada ko

Nakita ko habang kumakanta kami ay nakatingin na pala halos lahat ng students, nakita ko si Isay at si Cassie na parehong nakatingin sakin. Bakit ba naaattract ako lagi kay Isay, ano ka ba naman Adam, saka kalang maaattract kapag gumanda na ang isang tao,ah ewan, basta di ko alam pero parang gusto ko na ata siya.

"Hello Kuya!" Biglang tumawag si baby Kesha, namiss ko to. "Hey my angel, kumusta jan?"

"Okay lang, miss na miss na kita kuya, I'll be there next month!" Well, that will be after our first exam? salamat naman at andito na ulet kapatid ko kasama si daddy.

Nag usap lang kami ng kapatid ko hanggang sa nagpaalam na siya kasi may pasok pa sila, miss ko na sila, sana maging Top 1 ako sa 1st grading para naman sumaya si Daddy.

Naisip ko na naman si Alizza, ewan ko bakit bigla siyang sumusulpot sa utak ko, pero bigla kong naalala yung una ko siyang makita na naging mas maganda siya, di ko pa nga siya nakilala eh, sa debut ng ate ni Cassie. Ang ganda ganda niya that time, lalo na ngayon, parang gusto ko na siya pero di pwede, once na mapaghinalaan kami at nagiging mas sweet ako sa kanya lagi sa school, baka maging dahilan pa yun para maexpel kami, wag naman sana.

Love Geeks (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon