CHAPTER 39

1.8K 23 2
                                    

ALIZZA POV

Latest news, the controversial kiss of Mr. President to Miss. Vice President; the kiss of the two wizards. It was a.... Nakanganga kami pareho ni Asiy habang nakaharap sa pagkalaki-laking bulletin board ng campus namin, nakatingin lahat sa amin nung tumingin tingin kami sa paligid at agad namang nagbulong bulongan ang mga studyante.

"Bess, iexplain mo sa kanila ang nangyari kagabi. Ayoko maexpel ka!" Sa pagkakasabi niya ay namumuo sa mukha niya ang malungkot na reaksyon at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Paano ko ba ie-explain yun? ano ba namang nakain ni Adam at ginawa niya yun? pagkatapos niya kasing gawin yun ay umuwi ako agad at sabi nila panalo daw kami sa contest na yun, di din tumawag at pumunta sa bahay si Adam eh.

Sana naman ay di to magiging rason upang matanggal kami sa Savior's High, wag naman sana. Naglakad lang kami ni Asiy habang pinagtitinginan ng mga tao, pumunta kami sa room na parang walang buhay at agad namang sumalubong sa amin ang nakacross-arms na si tita Bernie.

"All the nominated are here, you two, proceed to principal's office" Tinuro kami pareho ni Adam at agad naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa bangko niya, lumapit siya sa kinaroroonan ko at bumulong. "Sorry" Lumabas siya, hopelessly walking towards the office. Sumunod naman ako at si tita Bernie.

"Mr. Maghirang and Miss Querubin, please be seated." nakacross arms din si mr. Principal na nakasimangot.

"It was not her fault sir, it was mine, okay!?" Agad tumayo si Adam at parang pinipilit na ang principal na wag dalhin sa Campus court of Appeals ito. "Okay let's pretend that it didnt happen, but what's this?" Agad inangat ni mr.Principal ang mga larawan na kayakap ko si Adam at kaholding hands pa, nanlaki ang mata ko at mas lalo akong kinabahan sa pangyayare, agad namang hinawakan ni Asiy ang aking mga kamay at di umimik si Adam na gulat na gulat padin sa nakita.

"Sino nagbigay niyan sir?" sa tono ng pananalita ni Adam ay alam kong galit na siya, tumayo ang principal at agad namang naglakad palabas.

"let's go to campus COA" then mr.Principal turn around, tumayo din si tita Bernie na halatang nag-aalala at agad hinawakan ang mga kamay namin.

"It wasn't me, I swear guys." nginitian ko lang si tita Bernie at sabay na kaming naglakad lahat papuntang COA.

Paano na to? magkaka-bad record ako? at pahirapan nang pumasok sa ibang school? that means balik 4th year ako? naiyak ako habang tinitingnan si Adam na hinahawakan ang kanyang noo at parang pinipigilan ang pag-iyak. Nakarating na kami sa korte ng campus at andoon na ang ibang council, pati sina miss.A at mrs.Fullido ay naroon din.

Umupo na kami sa front seats at agad namang nagsalita ang campus speaker. "People of Savior's High School against mr. Adam Matthew Maghirang and Ms. Alizza Jane Querubin for violating the campus rule pertaining to the terms of having a relation."

Agad namang umupo ang lahat at sa sobrang kaba ko ay wala akong maintidihan sa mga sinasabi ng speaker, nakayuko lang ako habang pasulyap sulyap sa mga larawan namin ni Adam na nakaproject pa sa wall, dumami ng dumami ang pumasok na estudyante kaya lalo akong nahihiya, parang pinarurusahan na ako ng sobra sa pangyayaring ito.

"The appeal for the accused is now open."

Tumayo si Adam at agad namang pumunta sa gitna upang magpaliwanag. "wala pong kasalanan dito si Alizza, biglaan lang po talaga ang nangyari, siguro I was amaze and touched by her beauty kaya ganun, but believe me, it's all nonsense." agad tumayo yung isang teacher from the council at nagtanong.

"How about those pictures projected? what can you say about it?" pinakita sa aming lahat ang ga pictures na magkasama kami ni Adam, first ay dun sa garden, tapos sa science lab, at sa school grounds, di na umimik si Adam at walang maisip na paliwanag, tatayo na sana ang mga council nang biglang dumating si Claire at sumigaw.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now