CHAPTER 28

3.4K 44 4
                                    

ADAM POV

It's exam week na, ilang days din na pagstu-study ang ginawa ko, kailangan ko maunahan ang syota ko sa top place, dahil nga dun di ko na siya masyadong nakakausap at nakakatext o chat o video call kasi nga puro kami study pareho, mahirap kapag madami nag-eexpect sayo, mahirap kapag gusto ng pamilya mo mauwi mo ang trono, kaya kailangang kumayod, kahit na syota ko si Alizza, di excuse yun para ipaubaya ko na sa kanya ang place, kaya gagawin ko ang lahat, para naman maproud din ang parents ko, and for sure maiintindihan niya ito, School ain't a competition, but in my situation, it mostly looks like it is.

Pumasok na kami sa loob ng room, ready na ang lahat, all my pencils, the sign pens, my papers, notes and the pointers, di gaya ng BEC na pwede kami kumopya minsan pag di nabantayan ng teacher, dito strict and tatlo pa ang nanonood samin , yung IV-Silver kasi, sa hapon , kami naman is ngayong umaga, kaya bakante lahat ng schedule ng teachers, isang lingon lang sa ibang test paper ay punit na ang sa iyo, ganun kastrict ang SSC, no cheating. Bago magsimula ang exam ay may nilagay ako sa bag ni Isay kanina. Nakasulat dun yung goodluck message ko't lahat lahat.

Nagsimula na kami sa minor subjects, bukas na daw ang major, buti nalang, pero kahit minor to, feeling major eh, lalo na tong TLE namin na puro abbreviations and name of tools, nakakasakit sa utak, ilang minuto ang dumaan sa gitna ng examination, okay pa naman, namememorize ko pa naman lahat ng kailangan sagutan, kaya okay lang, paikot ikot ang mga teachers, palakad lakad, tinitingnan ang galaw ng bawat studyante, tumingin lang ako sa kinaroroonan ni Isay na nasa harapan ko na, magshushuffle kasi ng seats para iwas cheating din, baka daw kasi di nila mabantayan, saka yung bag pati yung uniforms namin, chineck isa isa, diba para kaming mga kriminal. Nakita ko na kalmado lang si Isay, ganun naman talaga eh, sanay na yan, geek yan eh, nerd dati, nerd parin ngayon pero in a cool way and in the best way.

Natapos Inat inat din ng katawan, stretching muna, natapos nadin ang 2 subjects and recess na, tumayo na kami lahat, and iiinvite ko sana si Yame nang bigla namang humawak sa beywang ko si Claire at hinila ako papalabas, eto na naman siya.

"Tara Dammy samahan mo muna ako." Di paman ako makapagtapos ng pagsasalita ay nakahawak na siya sa kamay ko. "Ah eh teka.."

"Tara na!" Hinila niya na ako papuntang Cafeteria kaya nauna kami kina Asiy at ni Yame ko. Sa paglalakad namin papuntang Cafeteria, bigla kong naalala ang bagong boyfriend ni Claire, kahit playgirl to, bestfriend ko padin to, naiiintindihan ko kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na iyon, pero gusto ko siya turuan na mali ginagawa niya, kaso ayaw nga lang, ayaw magpturo.

"Hoy Clarita, sino pala yung bagong boy mo?" Bigla siyang napasulyap sa mukha ko nang maitanong ko yon. "Ah yun ba ? taga Quellin yun."

Quellin na naman? nakakainis pakinggan ang school na yan, ang kalaban ng Savior High sa lahat ng competition, lalo na yung Kali na yun na pinaglaruan lang siya.

"Bakit ka naman nagmahal ng taga dun? paano kung papupuntahin ka dun? edi makikita mo na naman ang asungot mong ex"

Nakangising nakakaloko na naman ang mukha niya, na para bang may masama siyang binabalak. "Eh yun nga ang plano ko kaya ko sinagot yun eh."

"Paglalaruan mo nalang ba talaga ang puso ng mga lalake, Claire?" Malapit na kaming makarating sa cafeteria kaya mas bumilis ang lakad nito, na tila hindi niya inaalintana ang tanong ko. "Eh pinaglaruan din nila ako eh, buti di ka ganun, oh ngayon imbes na sesermonan mo na naman ako, tara kain na, umorder kana dun."

Umupo siya sa isang mesa na may dalawang upuan lang, bossy eh, alam ko na ang gusto niyang kainin kaya no need to ask. Umorder ako ng isang Bacon na paborito niya, at Cream Dory naman sa akin, saka dalawang Zagu, eh dapat si Isay kasama ko ngayon, pero no choice, para naman din di maging obvious na kami na, mabuti nang andito si Claire, wala din namang malisya, pero for sure kumikirot din ang dibdib ni Isay minsan kapag nakikita niya kami ni Claire, lalo na nung puro kami study, dikit ng dikit si Claire sakin habang nasa likuran namin si Isay, kaya nakakailang kumilos. "Hey Dammy, get me a bacon again please."

I was like a slave here, tumayo na ako at naglakad ng bigla akong mabunggo dahilan na nabagsak kami pareho.

"Yam.."
"Ew.."

Hala Chorus pa talaga, nasanay naman ata agad kami. "Oy sorry Isay di kita namalayan"

Tumayo ako at inalukan ko siya ng kamay kaya tumayo siya at nagpagpag ng palda.

"Anong nadinig ko ? nag Ew ka kay Adam?" Gulat ako sa bulyaw ni Claire na dali daling pumunta sa eksena. Maangas ang tinig nito na parang naiirita. "Ah sorry claire, I , I didn't mean it that way."

Nagulat din si Isay na tila nahihiya sa tensyon na namumuo. "Talaga lang ha? di porket nag-iba na itsura mo ay magiging maarte kana."

Nakita kong paparating na yung mga teacher and may kasama pang sisters, nakita din yun ni Claire kaya lumapit siya sa harapan ni Isay. "Once a trash, always a trash."

Nainis ako sa sinabi ni Claire, parang sumusobra na siya, sa pagkasabi niya ng ganun ay biglang may kumapit sa buhok niya. Napasigaw ito ng pagkalakas lakas kaya naalarma ang mga tao sa paligid. "Ahhh!"

Sinabunutan siya ng nagwawalang Cassie.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now