CHAPTER 42

1.4K 23 2
                                    

ALIZZA POV

Medyo ok na ang karamdaman ko nang nakipagkaibigan si Adam, mas mabuti na ito, mas magtatagal pa kami bilang ganito at mas makikilala pa namin ang aming mga sarili. Unti unti ko tuloy naiisip kung saan kami nagsimula, nagsimula kami sa test paper, nung 1st year kung saan tinawag niya akong Isay, matagal tagal man bago nasundan ang pagkikita namin ay naging boyfriend ko naman siya, kahit sinabing may hangarin siyang maging valedictorian kaya nya ako minahal ay alam ko at nararamdaman kong minahal niya naman ako, masakit nga lang at di yun ang una niyang naramdaman.

“Pssst... Okay ka lang?” Nakangiting sabi ni Adam na agad kong kinagulat, naku! exam pa pala! Saklap pa at social studies last subject, kunti nalang ang oras at nalimutan ko tuloy sumagot sa mga katanungan dahil sa recent number na sinagutan ko na nagpathrowback moments sakin, dali dali kong binasa at sinagot yung mga test questions, nakakainis talaga tong si Adam, kung hindi lang talaga pogi to inupakan ko na eh.

After a while, tita Bernie said we should pass the test papers kaya dali dali ko nang binasa at sinagutan ang mga tanong, nung nasa 10 seconds na, kahit anong choice nalang nilagay ko.

May kasabihan ngang “nagiging superman ang isang studyante kapag final minute ng exam”.

Para na akong si flash kakasagot and then I successfully passed the test paper. Sigh

Tumayo na kami lahat at inakbayan naman ako ni Adam, biglang tumigas ang tingin ni tita Bernie sa aming dalawa, sumimangot ako kay Adam at ngumiti naman siya sabay bitaw.

“Oops Sorry!” Nilapitan kami ni Tita Bernie “You guys should not do your mistake again, ako ang napapahiya, seriously.”

“Sorry sir, di na mauulit, kaibigan nalang po kami ni Adam” nang tinuro ko si Adam ay agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at pinababa.

“Tita Berns , pano kung di lang kami ang may relasyon sa campus na ito and ....” Hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Adam at agad ko naman siyang binweltahan.

“Hey Adam tama na, tapos din naman tayo diba” Then I looked at tita Bernie pero nagpumilit si Adam. “No wait, tita Bern, can I ask a question?”

“Yes what is it?” Lumapit si Adam habang nag-eexplain.

“Can a Head of the student government make a petition about having a relation?” Biglang tinaas ni tita Bernie ang kanyang kilay. “Well it’s against the rule Adam”

He insisted again, “Even the rules on the Philippine have many oppositions and many do the petitions diba, and also, this petition is not to harm anyone, can I write a petition about this, tita Bernie?” hinawakan ni Adam ang nakacross-arms na kamay ni tita Bernie at nagpuppy eyes pa ito.

“Well wala akong magagawa jan, pero you can, but di na ako mangingialam jan ha” Tumalon talon pa si Adam at lumapit siya sa akin.

“Oh see! May pag-asa pa tayo! Tara na!” then he waved at tita Bernie. “Bye tita Bernie”

Naglakad na kami dun sa hallway at dun sa puno kung saan nakikita ko lagi si Leonell at si Adam na nakatambay, nakita ko si Cassie na nakapatong sa katawan ni Leonell, timing talaga yung pagtingin namin ay agad itong nadapa at nakapatong na siya sa katawan ni Leo, agad tumawa si Adam at lumapit sa kanila na patakbo.

“Uy! Ayie! Mag-on na sila!” agad namang tumayo si Asiy at nagpagpag.

“Uy, di ah!” Tumayo nadin si Leonell at lumapit na ako sa kanila, umakbay agad si Leonell kay Adam. “Tara na dude, ihahatid mo kami diba”

Aysus! Makalusot lang, kinaladkad niya si Adam at sumunod na kami ni Asiy.

“Uy best! Crush mo na si Leonell no?” Sa biglaang tanong ko ay agad niya naman akong sinagot.

“Hindi! Aksidente lang yun kanina I swear!” Ngumiti nalang ako at di na sumagot pa, naglakad lang kami papunta sa parking lot at sumakay sa sasakyan ni Adam.

Hinatid niya kami sa kanya kanyang bahay, for sure doble gastos sa gas to, as usual ako parin yung pinakahuli niyang hinatid. Pababa na ako sa sasakyan nang pinigilan niya ako. “Teka lang Isay”

Hawak hawak ang kamay ko ay tumingin siya bigla sa akin. “Gagawin ko talaga yun, gusto kong gumawa ng petisyon para dun, sana suportahan mo ako, di bilang ex mo pero bilang vice president ko.”

Di ako kumibo at bumaba na sa sasakyan niya. “Salamat sa paghatid”

Pagkatalikod ko ay agad siyang sumerbato kaya napalingon ako sa kanya. “May 3 months rule pa.”

Then he droves off nang makita niyang papalabas na si papa, 3 months rule? he means, the break up?

Pumasok ako sa loob at nagmano sa kanila, as usual, nagsermon na naman si Alisson. “Bakit kasama mo naman yung manggagamit na yun aber?”

He crossed his arms and then I pinched his nose. “Kaibigan na kami at wala namang masama dun diba?”

“Pero di ko pa siya nasuntok!” Agad kaming dumeretso ni Ali sa mesa at kumain na.

“So are you okay na?” tanong ni mama na nagserve sa amin ng ulam.

“Yes mom, we’re friends na and napaliwanag niya na sa akin lahat” Pero bigla namang nagsalita si papa, “But still, I’m so disappointed dahil umabot pa kayo sa korte ng campus, dapat kasi di na ako pumayag sa plano niyo”

I’m so sorry papa, di na po mauulit” maybe I should listen to my father this time.

“Dapat lang anak, dapat lang”

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now