CHAPTER 1

14.8K 128 17
                                    

ALIZZA POV

I am a very talented and very smart student as what others said.

They called me Human Calculator and the Human Dictionary of Savior High School kung saan bawal ang Lovelife, bawal ang cellphones during class hours, bawal ang Piercings sa mga lalake, at ang daming bawal.

Ako si Alizza Jane Querubin, 17 years old, late na nag-enroll as Kinder, kaya ayun, mag fo-fourth year palang ako. Di ako katangkaran, medyo mapayat, at katamtaman lang ang puti, kaya ako daw ang next beauty queen ng Pilipinas sabi ng mama ko, ewan ko, lagi ko na nga pinapainom ng vitamins na may Lutein yun eh, para luminaw ang mata.

Valedictorian ako nung Kinder at Elementary, laging panalo sa Quiz bee and MTAP, kaya pagtungtong ko ng High School, isa lang ang sinasabi nilang depekto ko, pangit daw kasi ako kasi makapal ang kilay, laging naka 'harry potter' glasses, di naglilipstick o make up at laking brace girl ako.

Isa yun sa dahilan para maging NBSB ako, ano pabang aasahan? sino ba naman manliligaw sa isang pangit na katulad ko?

Sa generation kasi natin ngayon, inuuna na ang mukha kaysa ugali.

At isa pa, ayaw na ayaw na ayaw na ayaw ni mama magkaboyfriend ako hanggat di pa ako nakapagtapos sa kolehiyo, mabuti nalang di ako nagseselos sa iba kasi bawal nga sa school ang magkarelasyon kaya kwits lang.

Pero kahit na ganun, di normal ang isang tao kung wala kang nararamdaman, what I mean is , wala kang crush, lahat naman tayo may crush o paghanga sa isang tao diba? ako din meron.

Isa siya sa pinakagwapo at pinakamatalino sa School namin, dami humahanga dahil may looks na nga, may brain pa. Siya si Adam Matthew Maghirang, ang pambato ng Basic Education Curriculum, siya ang laging top 1 sa BEC kaya lagi ko siya nakakasama sa stage pag recognition kasi nasa Special Science Curriculum ako, di daw kasi siya nakapag-enroll ng maaga kaya di siya nakapagtake ng SSC exam, sayang, classmates sana kami at lagi ko sana siyang makikita.

tandang tanda ko pa ang pag-uusap namin nung first year kung san yun ang pinakaunang moment na pinansin niya ako.

"Isay". Nung una ay di ko siya pinansin, ayoko kaya mag assume, baka lalong mapahiya.

"Uy isay, Alizza.." Nasiguro ko nang ako kaya napatingin na ako, lalo tuloy ako napahiya dahil inisnob ko siya, sabay kasi kami nung inutusan ni ma'am Fullido buhatin ang test papers papunta sa SSG Office, pero kala ko kasi di ako ang Isay na tinutukoy niya, wala kasi akong palayaw kaya nagblush naman ako sa tawag niya sakin.

"oh Adam, eh, sorry ha k-kala ko di ako, ano yun" unti-unti siyang lumapit sa akin, 'tila biglang kaming napunta sa Chronosphere at huminto ang oras, ang tinig lang ng mga paa niyang naglalakad ang nadidinig ko at lalo akong namula sa paglapit niya. Iniimagine ko nalang na baka gusto niya akong halikan.

Nasa harap na siya sa akin nun, lalong huminto ang oras ko at para akong sasabog sa kaba.

Subalit napalitan ng panghihinayang ang excitement ko nang bigla siyang yumuko at pinulot yung papel na nahulog pala galing sa test papers na hawak hawak ko, awkard.

"Ah eh sorry!" sabi ko nalang habang tinitingnan siyang ibalik ang kapirasong papel sa hinahawakan ko. Yun ang unang pagpansin niya sa akin na medyo awkward pero pagkatapos nun, wala nang pansinan. Di na niya ako pinapansin at sa recognition nalang ulet kami nagshashake hands.

Eh pati nga sa mga Foundation days for three years di na kami nag-usap eh, 'pag magkasalubong man kami, ngingitian niya lang ako kaya lalo akong nai-inlove sa kanya. Kahit na nung 1st year lang ang pag-uusap namin, pinapahalagahan ko padin yun kahit na ang awkward ng pangyayaring yun at ang tagal na nun. Nung 2nd year din, di ko siya masyadong nadama kaya parang ang layo ng mundo namin, ang di niya lang alam, iniistalk ko siya sa practice nila sa basketball, nadadaanan lang kasi namin ang basketball court eh, kaya nakaw tingin lang ako pag naglalaro ang Hot na Adam.

Nung naging 3rd year na kami, medyo nagkikita na kami kasi pareho kaming member ng Debate Guild pero di pa kami naglalaban kasi busy sya minsan sa basketball, ako naman sa Science Investigatory Project kaya di kami magkakasalubong ng battle, pero kahit na ganun, nanatili parin siyang mysterious guy ng campus.

Naalala ko pa nung mga isang buwan. Naging malaking kahihiyan ito, sa JS prom yun, di ako masyado nag-enjoy, ilang oras din akong nabored dahil nga wala masyadong pumapansin sakin pwera dun sa bestfriend kong si Cassie, ngunit ilang minutes lang, ininvite agad siya ng sayaw kaya naiwan akong mag-isa.

"Miss May I invite you to dance?" May biglang lumapit sa akin after ilang Oras ng paghihintay ko sa isang gilid , yung Top 3 ng SPA o Special Program In the Arts ang nag-invite sakin na kilalang Friendly Hearthrob ng Campus na si Leonell. Tumayo ako at ngumiti, tinanggap ang kamay niya , pumunta kami sa gitna ng dancefloor and dun nangyari ang napakalaking katangahan sa buhay.

Hinawakan niya ang beywang ko, pagkatapos ako naman ay nakahawak sa balikat niya, feeling ko maiinlove na ako sa maamo niyang mukha lalo na nung tumitig siya sa mga mata ko.

"Alam mo, maganda ka, wag ka magpapaniwala sa iba, para sa 'kin, maganda ka." pagkasabi niya ng ganun, namumula na ako at di ko namalayan, napaatras ako kaya nabangga ko ang isang schoolmate namin na umiinom pala ng Wine dahilan na galit na galit siya sakin. Siya si Claire, ang sikat na model ng Campus.

"How Dare You! Alam mo bang 200 dollars ang bili ko sa gown na to?" Dinuro-duro niya ako sabay tingin sa gown niyang namantsahan ng wine. "S-sorry claire" yumuko ako sa kahihiyan, nagtawag ng atensyon ang pangyayari dahilan para magtinginan ang lahat.

"Kahit matalino ka, Pangit ka padin! ang pangit pangit mo! Syota ko si Leonell and sinayaw ka lang niya for the exam! you ugly being!" Tinulak-tulak niya ako at agad na niyakap si Leonell. I was so disappointed, napaluha ako ng kaunti at hinarap si Leonell. "T-totoo ba to Leonell?" Di siya kumibo, pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Claire. Hindi ko na nakayanan ang kahihiyan kaya tumakbo ako ng tumakbo, tinakasan ang mata ng napakadaming studyanteng nakatitig sakin, nilalayuan ang publiko.

"Isay, Halika na!" Bigla akong nagulat sa sigaw ni Cassie na sumira ng flashback moment ko, Isay na ang tawag niya sa akin dahil nga yun ang palayaw sakin ng crush ko, andito kami ngayon sa isang salon, pursigido na akong baguhin ang mukha ko, ayaw ko nang mapahiya ng husto sa harap ng maraming tao. "oh sige teka". tumayo na ako at umupo dun sa harap nung make-up artist habang si Cassie naman ay nagchecheer pa sa 'kin, napakasupportive talaga ng bestfriend ko.

"Wag lang po itong buhok ko ha, salamat." Ayoko kasi magpagupit ng buhok ko, mas napleplease ako sa sarili ko pag mahaba ito. Sinimula nang imake-over ang sarili ko, inuna ang kilay, pinanipis, pagkatapos ay inistraight pa ang buhok ko, naglipstick at nagblush up sa mukha, babaguhin ko na ang sarili ko, para maiwasan ang panlalait ng mga taong nakapalibot sa'kin, a-attend din kasi ako sa debut ng ate ni Cassie, at invited daw ako. "Don't worry best sagot ko na ang bayad nito" Yaman nila eh , kaya ang ganda siguro ng party mamaya.

Habang minimake-upan ako ng make up artist, manghang mangha si Cassie at todo picture pa sa akin. "best ano ba yan?" Aniko sa noo'y nagpipicture na si Cassie, "teka hinahanap ko lang si Alizza Jane Querubin sa picture, nawawala eh" Bigla akong napailing sa reaksyon niya. "Loko talaga to"

"Kala ko artista kaharap ko best! di ka pa natapos make upan ang ganda mo na!" niyugyog niya ako hawak hawak ang balikat ko, ang bolera talaga neto, natapos na ang make up at pinatayo na ako and pinaharap sa salamin, gulat ako sa nakita ko, papikit pikit pa ako para paniwalaan ang nakikita ko, para akong princesa, sinoot ko na kasi ang gown before ako minake over, kanina parang Jejemon lang ako, ngayon di ko na makilala ang sarili ko, hanep!

"oh ang ganda ganda mo na best!"  bineso niya ako at nakipagshakehands. "Congratulations to our new Princess of the Campus!" Nagkibit-balikat lang ako, sawa nako sa kacorny-han ng bestfriend ko. "Upo ka na, ikaw na oh!"

Umupo na si Asiy, twinning kami ng nickname, Asiy (Eysi) to Isay, ano kaya ang magiging reaksyon ng mga taga Savior High mamaya?

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now