CHAPTER 7

27 1 1
                                    

"So you mean you won't make it to the debate club?" Sabi ni ms.Chen na nakahalukipkip, pinuntahan ko siya, sinamahan ko kasi si Isay pumunta sa library para isauli daw yung libro na hiniram niya at bibili nalang daw siya ng copy nun, kailangan kaya namin magsama, siyempre Vice ko siya at pag-uusapan pa namin ang mga plataporma para sa paaralang ito.

"Yes ma'am, as you know, Im a SSC student now then I'm a varsity Captain plus the SSG president, Maybe magkakabuhol buhol po ang schedules miss Chen" Binilang ko ang mga iyon sa daliri ko.

"Ok Ill respect that, tell Alizza to find a replacement for your slot okay?" Tumango lang ako at ngumiti, salamat at wala nang magpapagulo ng isip ko sa kakaisip kung ano ang tama. Bumalik na ako sa library at naglakad lakad na kami ni Isay na may dala dalang pagkain para sa kanya at sakin daw.

"Sayo na to" Sabi niya habang inaabot ang fudgee bar and I smiled.

"Ayos! thank you, tara balik na tayo sa room"

"Osige tara." Naglakad na siya kaya nakasunod lang ako habang kinakain ang fudgee bar, nang makarating kami sa room, nagulat ako, di lang pala BEC ang may bibong room, nakita kong may nagguiguitara, may naglilipstick, todo make up, naglalaro ng PSP, naglalaptop, natutulog, nagbabatuhan ng papel, naghahabulan, at may mga nagpapaikot ng upuan habang nagkwekwentuhan, ganito din pala kasaya sa SSC, sana maging close kami lahat, pumunta ako sa chair kong may pangalan na may nakaupo at ang position ay pasunod sa iba pang chairs to form a circle shape.

"Ah excuse teka kunin ko lang ha?" Sabi ko habang may babaeng nakaupo kaya nung nakatingin siya sakin, agad siyang ngumiti at nagsalita

"Andito na pala si mr.Maghirang" Biglang tumayo yung isang medyo bakulaw na katawan at hinawakan ang braso ko sabay salita gamit ang kanyang parang kulog na boses

"Pare halika dito sa gitna." Sabi nung bakulaw habang hinihila ako papuntang gitna ng nakapalibot na umuupo, so eto ata ang tinatawag na center of attractions?

"As a new member of the SSC family, you are oblige to sing and perform so you can enter the IV-Gold family." Sabi nung isa pang babae na maputi at may blonde na buhok.

"So guys, palakpakan natin si mr.Maghirang, Jefferson, give him your guitar." Sabi ulet ng babaeng nagsalita kanina, hinanap ko si Isay at Cassie at nakita ko sila sa gilid. Hanep nakikipalakpak din, astig.

Inabot sakin nung nagpakilalang Jefferson ang isang gitara, kung kailangan pala ng ganito sa group, edi go ako, kakanta lang din naman.

And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't wanna go home right now

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

"Si Maam Lacustales Andito na!" May biglang sumigaw, wow, may lookout pala kami, naka-telescope pa, pagkatingin ko sa paligid ko matapos sabihin nung look out ang warning, nagulat ako't naging back to normal ang lahat, yung isa ngang natutulog na tulo laway ay nagising eh. Biglang pumasok si mrs.Lacustales at di naabutan ang kabalbalan ng mga studyante niya.

Naglecture lang kami sa English literature, pero yung isip ko nakafocus sa platforms kasi sa lunes, ipapatupad ko na ang iba dun, hanggang sa naisipan kong dahil freetime naman kami sa 1pm kasi on leave pa ang TLE teacher namin, pupunta nalang ako sa mall para bumili ng mga gamit.

"Class dismissed, ok guys you can have your lunch now." Tumayo kami and nagpaalam kay maam Lacustales.

"Tara na Dammy? Samahan moko sabihan ko si Leonell" Bruha talaga tong babaeng to, parang walang feelings, pero kailangan ko pumunta ng mall.

"Ay Clarita , di ako free ngayon, bibili ako ng mga gamit para sa SSG project ko eh." Blanko ang ekspresyon ng mukha ko na nakatingin sa kanya, naasar parin ako. "Okay." Nagkibit-balikat nalang ito.

"Pero seryoso kana ba sa gagawin mo? para kang naglalaro ah." Hinawi ko nalang ang buhok ko habang inaantay ang sagot niya.

"Basta di ko masasaktan si Leonell, ako bahala." Ayan na naman siya sa pagpapabahala, nagkibit-balikat nalang ako kaya lumapit siya at hinalikan ang pisngi ko

"Sige dammy, Ill be going." Lumabas na si Claire and after a while, nakita ko ding papalabas na si Cassie at si Isay kaya tumakbo ako at pumunta sa kanila.

"Isay,Isay!" Napatingin si Isay, huminto sila, kailangan kong isama si Isay kasi SSG COMELEC nga siya diba, kailangan niya malaman lahat ng plano.

"Oh bakit?" Walang pag-iisip ay hinawakan ko ang kamay nito. "Cassie Hiramin ko lang si Isay." Ngumiti si Cassie at tumango kaya hinila ko lang si Isay papuntang hallway.

"T-teka, san tayo pupunta?" Di ko alam kung talagang utal utal siya magsalita o kapag kausap ko lang.
"Sa mall."

Naglalakad lang kami at pansin ng ibang mga students na nagsama ang dalawang wizard ng school kaya panay tingin pa ang iba.

"Ano gagawin natin dun?" Tanung ni Isay habang hawak hawak ko padin ang kamay niya. "Bibili tayo ng wifi tools para maaksyonan na ang first platform." Walang pag-aabala kong sabi habang nakatingin sa daan, awkward ng pagkakahawak ko.

"Pero yung pondo andun pa sa SSG office." Bigla kong nabitawan ang kamay niya at napakamot sa ulo. Nakalimutan ko kunin ang pondo, pero malayo na para balikan eh, malapit nadin kami sa parking lot.

"Bukas ko nalang kunin, gamitin ko nalang credit card ko." Nilabas ko ang card mula sa wallet ko. "O-okay sige."

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa parking lot, di ko nga inakala hinawakan ko kamay niya eh.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now