CHAPTER 46

934 22 4
                                    

ALIZZA POV

"Eto, okay kana dito?" gulat padin ako sa pangyayari, nagkabunggo kasi kami ni Kali kanina nung naglalakad lang ako sa mall, wala kasi akong magawa kasi nga suspended ako.

Nilibre niya ako ng damit bilang parusa niya daw sa sarili niya sa pagkakasala niya sa akin , "Bakit kailangan mo pa akong i-libre, okay lang talaga"

Patuloy kong inaabot sa kanya ang inalay niyang blouse, "Sige na! Kung di mo matatanggap to, di ko talaga mapapatawad ang sarili ko!"

Parang seryoso talaga siya sa sinasabi niya, ang babaw naman ng taong ito, di ko talaga magawang tanggapin ang mga binibigay sa akin maliban nalang kay Asiy, tumalikod ako at medyo dumistansya "Ayaw ko talaga, sorry Kali" medyo kinikilig nadin ako kasi nga crush ko siya, nagulat nalang ako at hinawakan niya ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Di ako tatayo dito hangga't di mo ito tatanggapin, sorry na please!" ang drama niya na, lumuhod siya at nilagay ang kanyang noo sa kamay ko na parang nagmamakaawa, tumingin na ang ibang mga tao sa amin kaya medyo nahihiya na ako lalo, pinatayo ko na siya at tinanggap ang damit.

"So , sa iyo na ito ha ? tara kain tayo!" masaya niyang sabi habang hinila ako, wala na akong masabi at di na ako umimik, baka lumuhod ulit ito, nakarating kami sa isang fastfood restaurant at napaupo nalang ako sa may gilid.

"Oorder lang ako ha!" nakapang 'check'ang kamay niya habang tinuturo ako sabay kindat at ngumiti, nakahinga nalang ako ng malalim sa kaibabawan ng taong ito saka ko iniling ang ulo ko na di sumasang-ayon sa pangyayari.

Ilang minuto pa makaraan ay bumalik na siya sa table namin na may dala dalang pagkain at agad naman namin itong pinagsaluhan.

"Kumusta na ba kayo ni Adam? nalagpasan niyo ba yung pangyayari? buti naman at suspension lang talaga natanggap niyo" Pineke ko nalang ang ngiti ko at inamin sa kanya ang totoo. "okay lang naman ako, saka wala nang kami" 

Hiniwa niya ang karne at kinain niya ito sabay tanong na parang patay malisya lang, "Anong wala na?" 

Nilalamon niya iyong karne at uminom nalang ako ng tubig, "Break na kami."

Agad naman siyang napigil sa pagkain at tumingin sa akin, "I'm sorry to hear that"

"Naku, okay lang" Aniko, nagpahid siya ng mukha gamit yung tissue at agad siyang tumayo , "Tapos na ako, maghuhugas muna ako, hintayin nadin kita" agad siyang naglakad papunta ng CR. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at inubos para naman makaalis na kami agad.

Napatingin ako sa labas at nabigla ako nang makita ko si Adam na nakaupo sa bench at nakatingin sa akin, malungkot ang mga mata nito at tila pinagmamasdan pa rin ako, nakita niya siguro na magkasama kami ni Kali, agad siyang tumayo at umalis, susundan ko na sana siya subalit bigla akong hinila ni Kali.

"Uy! Wag mo naman akong iwan, tara sabay nalang tayo" Wala akong magawa sa pag-akbay niya kaya sabay na kaming lumabas habang di ko na nakita si Adam.

Hinatid ako ni Kali pero pakiramdam ko ay naroroon si Adam at nakasunod lang sa akin habang nasa biyahe kami, at di ako nagkamali, pagkaalis at pagkaalis ni Kali ay agad naman akong tinawag ni Adam na noo'y nakasulyap lang sa akin habang hinahawakan ang Rehas ng Gate namin at ako naman ay noo'y papasok na sa bahay.

"Isay" hinarap niya sa akin at nilapag ang mapangluhang mga mata niya at agad na hinawakan ang aking magkabilang balikat. "A-Adam?" Tila iniintindi ko kung ano ang problema niya at tila gusto ko siyang isnabin dahil na nga sa ginawa niya, kaso iba ang nakikita kong Adam ngayon, isang lalakeng tila nagsisisi sa lahat ng ginawa at punong puno ng lungkot.

"Diba, may 3 months rule pa?" Aakto na sana siyang luluhod ngunit pinigilan ko ito at tinayo siya ng maayos.

"Oo naman , syempre!" ngumiti nalang ako para naman mapahidan ng ngiti ang aming momento ngayong hapon.

"Bakit kasa..." di paman siya nakapagsalita ay agad na akong bumwelo.

"Ah si Kali? Wala yun, nilibre lang ako ng pagkain nun, nagpasama kasi kanina" Nakangiti padin ako na naiilang sa pangyayari,di ko talaga alam ang gagawin ko kaya advance na ako mag-isip. "I'll prove to you na mahal na mahal kita, kaya please wag mo munang iopen ang sarili mo sa iba"

Kumapit siya ng mahigpit sa akin at agad naman akong nagpumiklas dahil sa kailangan na nadarama , "t-teka lang, b-bitawan moko Adam"

Sa pagkakasabi kong yon ay agad niya naman akong binitawan at agad akong ningitian, "Sige na, pasok kana, basta tandaan mo, may tatlo pa akong buwan para mabawi ka ulet"

Nag-aalinlangan pa akong pumasok dahil sa mga tingin niya sa akin na para akong natutunaw, tumalikod siya at tumakbo at tinaas nya ang kamay niya sa mukha niya na parang may pinunasan sabay sakay sa sasakyan niya, pumasok naman ako at agad akong binati ng nakababatang kapatid.

"Ate, nagkabalikan ba kayo ng buraot na yun?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Ali and then he crossed his arms, nakita niya siguro kaming nag-uusap ni Adam.

"N-naku, hindi ah, nag-usap lang kami."

"About the 3 months rule?" agad kong hinawakan si Ali na noo'y umupo na sa sala at nagsimulang manood ng TV.

"narinig mo lahat?" tumango lang siya at nilipat ang channel, kaya tumayo na rin ako at bumalik sa kwarto habang umiiling at nang malapit na ako sa hagdan ay agad nagsalita ang bunso na parang kuya ko.

"I think ate pagbigyan mo si Adam sa 3 months rule, kasi every lovers do that, you must have to move on within that duration at wag ka muna maghanap ng iba, baka kasi maging panakip butas yung bago mong minamahal" sa pagkakasabi niyang yun ay lumakas ang pintig ng aking puso at napatanong tuloy ako, "Pwede ba kita maging kuya, ali?" 

Tumingin ako sa kanya and just gave a thumbs up without looking me, kaya dumeretso nalang ako sa kwarto at humiga na muna. Ano kaya ang iniisip ni Adam ngayon, marahil nagseselos siya sa nakita niya kanina nung magkasama kami ni Kali, pero sa totoo lang, wala namang namamagitan sa amin ni Kali, at may pagmamahal pang nakatanim sa damdamin ko tungkol kay Adam. Bakit kaya ganito ang naiisip ko? nagbuklat nalang ako ng libro ng Patama Ni Mikoii at agad na pinagpatuloy ang binabasa ko noon.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now