CHAPTER 30

16 1 1
                                    

ADAM POV

Nagising ako ng maaga at nagjogging, nakasama ko pa ang daddy ko, ewan ko, parang di pa siya magaling sa lagnat niya pero gusto niya pagpawisan para mas madali mawala ang sakit niya.

"May nililigawan kaba anak?" sabi niya na ikinagulo ng isip ko, kung sasabihin kong oo, baka magalit siya kasi sabi niya noon dapat education first before anything.

"Meron? alam mo okay lang sakin yun, basta unahin mo pag-aaral mo." Sabi niya habang nagjojogging padin kami sa buong subdivision, nakita ako nina kimpoy pero hinayaan nila ako, alam naman nilang daddy ko to.

"Opo dad, inuuna ko pag-aaral ko." Tugon ko. "Good to hear that, alam mo, di natin maiiwasan ang mga ganyang bagay, because we're beautiful men!" Natawa siya, unti unti itong sumigla.

Nakarating na ulet kami sa bahay at nagbihis na ako, wala na kaming pasok ngayon pero ngayon malalaman ang results ng exam, ang result ng exam plus curricular points ang batayan sa ranking, mamaya pang hapon ang recognition pero ngayon ipapaalam sa amin para aware kami at matawag namin ang parents namin, naligo lang ako at kumain saka nagbihis at dumeretso na sa Savior High School.

Pagkarating ko dun, dumeretso ako sa SSG office, dun kasi unang nalalaman ang results, sana ako ang top 1, sana pinaubaya na ni Yame sakin yun, sana naman, kasi ayoko mafrustrate si daddy, ayoko talaga, at gusto ko siya ang pupunta mamaya at magco-congratulate sakin, dati kasi, laging si mama lang, kaya sana ngayon siya naman. Nakapasok na ako sa office at andoon si Isay , sina Claire at Cassie na medyo may tensyon padin, delikado ipagsama sa iisang kwarto ang dalawang to, baka magkaworld war III.

"You didn't make it Dammy!" sabi ni claire sakin habang shinishake ang hands ko.

"Ha? What do you mean ?" tanong ko naman habang inangat ang kilay ko.

"Well, that freak is still the top 1 , and you're second." Napanganga ako dun, di talaga ako pinagbigyan ng tadhana, nakita kong nakangiti si Alizza sa akin at si Claire naman na medyo wala ding gana kasi top 6 lang daw siya. Lumapit ako kay Isay at binati ang kamay niya, kahit medyo nawalan ako ng gana, ayoko ipamukha sa syota ko na di ako masaya dahil top 1 siya.

"Congrats Isay." Pinipilit kong ngumiti at mabuti naman dahil maganda pagkakaproject ko ng smile ko.

"Salamat e... Adam! Thanks" then we shaked our hands pero agad naman akong hinila ni Claire mula sa pagkakahawak ko kay Isay.

"Tara kahit top 2 ka, itretreat parin kita." Sabi niya ngunit huminto ako, dahilan na napahinto din siya sa paglalakad at paghila.

"Bakit?" Tanong niya sakin habang hawak hawak pa ang braso ko, "Not now Claire, andito na si Daddy and kailangan ko sila sabihan para pumunta mamaya."

"Talaga? Uncle Demi is here? Well tara punta na tayo sa bahay niyo!" Napahawak nalang ako sa noo ko habang nagpatuloy siya sa paghila sakin hanggang makarating kami sa parking lot, di man lang ako nagpaalam sa kasintahan ko, kailan kaya yung time na si Isay naman ang gumagawa ng ginagawa ni Claire?

Ilang minuto ng pagmamaneho at nakarating na kami sa bahay, naging malapit si Claire sa family ko dahil matagal ko na siyang kakilala at kasama sa bench, kaya walang duda kung isa siya sa gustong makatuluyan ko ni daddy.

"Uncle Demi!" Tumakbo siya papunta kay daddy na nasa labas at agad naman siyang nagmano dito, medyo magaling nadin si daddy eh. "Oh Claire!"

Pumasok nalang ako sa loob at hinanap si Kesha, ayoko na makinig pa sa usapan nilang dalawa kasi for sure wala din naman akong maririnig kundi paglo-lookback sa past, pagbinalik nila ulet yun, mawawala na naman ako dito sa bahay, okay na gawin ko lahat, wag lang yung pabor ng pamilya ko at pamilya ni Claire, pero mabuti naman at di nagbago ang pagtingin ni Claire sakin.

"Kesh!"

"Kuyaa..." Nadatnan ko si Kesha na naglalaro lang sa PSP niya, miss na miss ko to eh.

"Alam mo Kesh, may ipakilala ako sayo." Napahinto siya sa paglalaro at tumingin sakin, well, friendly child kasi siya at kaunti lang kaibigan niya dito kaya siguro interesado.

"Is that for real brother? What's her name?"

"He's a boy kesha, and same age lang kayo."

"Really? Im excited to meet him kuya, wala pa kasi akong nakakalaro na boy."

"That's okay, but will you keep it if I tell you a secret?"

"Yes ! Yes !" Patalon talon niyang sabi habang hinahawakan ang damit ko.

"I've got a girlfriend." Sa pagkasabi ko nun, nanlaki ang mata niya at napanganga siya, pasigaw na sana siya kaso natakpan ko agad ang bibig niya, she's OA all the time when it comes to me, wala pa kasi akong naging girlfriend, maybe yung fix marriage na inayawan ko.

"Hey keep this as a secret okay?" Tumango tango naman siya habang tinatakpan ko padin ang bibig niya, saka ko binitawan.

"But please don't leave the house again kuya?"

"Yeah I wont, did you still remember it?"

"Yeah, even if I'm 6 years old that time, Im intelligent like you." Saka ko dinuro ang noo niya gamit ang hintuturo ko at tinulak palayo, dahilan na mahiga siya sa kama.

"Ah like me pala ha, huli ka!" pinaulanan ko siya ng kiliti, nakakulitan ko ulet ang kapatid kong taon ko ding di nakasama, grabe na siya mag-isip ngayon, parang matured, well naadapt niya din ang pagiging serious ng mga kano, yung tipong di nadadala sa pinoy jokes.

Biglang pumasok si mommy at nakita kaming nagkikilitian. "Oh tama na yan, lets eat."

Biglang tumalon si Kesha at agad tumakbo papunta kay mommy. "Talaga mom? What's the dishes?"

Excited na sabi ni Kesha at sumunod naman ako sa kanila pababa ng room, pano ko ba sasabihin kay daddy na top 2 lang ako at kailangan ko sila mamaya, ang hirap naman nito, for sure di to ikaliligaya ni daddy kasi nga nag-expect siya. Nakababa na kami and nasa mesa na si daddy at Claire, should I say it now? Pagka-upo ko palang ay agad nang nagsalita si daddy.

"So, you're not the best student of SSC?!" Nagulat ako, tiningnan ko si Claire at yumuko lang siya, inunahan niya ako?

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now