CHAPTER 22

16 1 1
                                    

ADAM POV

Maagang maaga ako nagising ngayon, di ko alam kung bakit, parang may excitement akong nadarama, siguro dahil kakaiba ang shoot namin ngayo? o kaya walang pasok? o baka naman makikita ko na naman si Isay? Ewan.

Nagjogging nalang ako at sinundo isa isa ang mga ka-team ko sa basketball, kapitbahay lang kami ni Kimpoy kaya yung iba nalang ang problema, magkalapit lang din naman ang mga subdivision namin kaya ayos lang. Nagkatuwaan kaming magbasketball pangwarm-up sa mga naglalakihan naming maskels. After few hours, bumalik na ako sa bahay, 8am na at malayo pa naman kaya naligo nalang ako.

Kailan kaya ako sasagutin ni Isay? okay lang, di naman ako magsasawa kakahintay, matapos akong maligo ay nagbihis na ako at nag ayos ng buhok, napakahirap talaga ayusin ang buhok, ewan ko basta dun napapalaki ang oras ng pag-aayos ko. 9:22am na ako natapos kaya dumeretso nalang ako sa bench, para naman most punctual ako kasi di ko pa nakuha ang award na yun.

Nagmaneho ako papuntang office, pagkarating ko ay ang aga ko nga, ako lang at yung Pau ang andito, ang office attendant na tagalinis din dito. Isang karangalan na naging punctual ako one time, hindi ko naexperience yung ako pinakauna sa lahat pagdating sa mga ganitong bagay mapaschool man o bahay o meeting o outing, kaya hanep, nakakagaan sa loob. Few minutes after, dumating na yung manager namin sa bench at sumunod naman yung crew para sa shoot, exactly 10:00am dumating na si mr.Querubin at nakasunod sa kanya si Isay, ang ganda niya, napakaattractive talaga at napakacharming. Nag-usap lang sila about sa pupuntahan namin at few minutes after, dumating na yung Pick up vans na sasakyan namin.

"So, we'll be having a picnic there okay? Then let's shoot , where's the costumes?" Tanong ni mr. Querubin sa manager namin, tinawag nila yung crew para sa costumes, sumakay na kami sa Van, at magkatabi kami ng papa ni Isay, nasa front seat ang manager at nasa gilid ni mr. Querubin si Isay, nakakakaba nga eh, sobra. Nakarating na kami sa forest kung saan kami magshoshoot, maganda ang lugar. I smell the scent of nature, napakaganda ng mga puno, may semi park daw sa gitna ng forest dito, bumaba na kami at nagsimulang maglakad papasok ng kagubatan, may pathways na mga bato na flat andat dinig na dinig mo talaga ang boses ng mga humuhuning mga ibon, may mga ibang travelers din kaming nakasalubong at may mga turista din, sikat pala itong lugar na ito. Nakarating na kami sa may eco-park kung saan namin binaba ang mga gamit.

"So dito na tayo magsimula." Wika ni mr.Querubin sa amin saka binigay ng manager namin ang attire na sosootin, yung sa akin ay may pakpak, saka magheheadband daw ako, more of a nature costume, kay Isay naman ay parang indian headwear, malong yung sa upper cloth niya, sa below ay pants, modern nature daw kasi ang theme para sa next cover ng bench.

Pumwesto na kami at nagshoot na, naiilang ako minsan kay Isay at nahahalata ko ding naiilang siya sa akin kapag hinahawakan ko ang beywang niya, nag-iingat ako syempre nasa harapan namin ang ama niya, baka magulpi ako neto. Ilang pose din ang ginawa namin at nang tumungtong ang alas dose ng tanghali, naghanda muna ng mantel yung crew at nagkaroon kami ng picnic sabay labasan ng mga dalang pagkain, pumunta ako ng jollibee kanina kaya buckets ng chickenjoy lang ang dala ko kasama yung mga french fries, di ako nagdala ng rice, for sure ay may nagdala na. Kumain kami ng kumain saka nagpahinga muna.

"Isay..." tawag ko kay Isay habang umuupo sa isa sa mga bench sa park, umiinom siya ng softdrinks, gusto ko sana siya yayain na maglibot libot muna. "Oh?" Tugon niya sa pagtawag ko.

"Tara libot libot muna tayo?"

"Okay sige!"

Walang pag-aalinlangan niyang tugon sa tanong ko, tumayo siya at lumapit sa akin, lumapit ako sa crew at kay mr. Querubin, nagpaalam na maglilibot libot muna kami. Nagsimula na akong maglakad papalayo sa park, nakita kong pasunod na si Isay sa akin, siguro bundok etong aakyatan namin kaya astig, para kaming nagma-mountain adventure. Ilang minuto ng paglalakad pero 'di kami nagkibuan ni Isay, nahihiya kasi ako kung ano ang sasabihin ko, kaya nung makarating kami sa isang napakalaking puno, nagpahinga muna kami and umupo ako sa isa sa mga malalaking ugat dun.

"May dala akong piattos dito, gusto mo?"

Tanong ko kay Isay habang humuhugot ng Piattos sa bag na dala ko, for sure gusto niya to. Umupo siya sa tabi ko, nakita ko ang mukha niyang medyo may pag-aalinlang. "Adam, mahal mo ba talaga ako?"

Napatigil ako sa pagkain ng Piattos at tumingin sa kanya na nasa harapan ko lang, nagulat ako sa tanong niya, tumayo ako at inangat ko ang kanang kamay ko saka hinawakan ang mukha nya. "Mahal na kita Isay, dati naattract lang ako sayo, pero mahal na kita ngayon, nasisiguro ko iyon."

Kitang kita ko sa mata niya na seryoso siya sa tanong niya, niyuko niya ang ulo niya.

"Sinasagot na kita." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, baka nabingi lang ako? ano yung sinabi niya? "Ano?"

"Sabi ko , tayo na, sinasagot na kita." Walang salitang namumutawi sa mga labi ko ng ilang minuto, nanatili akong nakangiti. "Talaga? Tayo na ? You mean girlfriend na kita?"

Sabi ko habang hinarap ko siya, nabitawan ko bigla yung piattos. Um-oo lang siya kaya binuhat ko siya mula sa pagkakayakap at sumigaw ng malakas. Ako, si Adam Matthew, ngayon ay boyfriend na si Alizza Jane.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now