CHAPTER 12

5.6K 42 11
                                    

"Lisanna, pwede kaba maging vice leader of the opposition?" Pagyayaya ni Cassie kay Lisanna na isang napakmisteryosong babae pero laging nag eexcel sa class, it's the best na makuha ko siya kasi nga top 2 siya lagi, bali ako yung una. Ngumiti lang si Lisanna at niyakap kaming dalawa ni Asiy sabay tango na nagpapahiwatig na ka-team na namin siya. Sabay na kaming pumunta sa garden ni Cassie habang si Lisanna naman ay dumeretso ng cafeteria. Nakauniporme na kami ngayon, ang cute ng uniform, yung sa babae, White sleeves tapos yung palda is stripes na brown habang sa lalake naman is pink polo and slacks, kahit 4 years na ako nag sosoot ng uniform na ganito, nakyukyutan parin ako.

"ok now best, yung proper posture dapat ganito..." Inayos ni Asiy ang katawan ko habang naka-angat ang kamay ko sa balakang ko, malapit nadin kasi yung next top model, mamaya ay magpapaturo din ako kay tatay para sa isang perfect na photogenic pose. Ewan ko anong pinakain sakin ni Asiy at napapayag niya akong sumali dun. Bahala na.

"Ok yan, pose na, then yung posture mo pa bess, teka yung sa kamay mo sa waist mo.." ginalaw ni Asiy ang kamay ko, well, sanay kasi sa pageant tong bestfriend ko, maganda eh, syempre. Habang nagprapractice kami sa pagpopose at pagcacatwalk ko, biglang tumunog ang mini-bell na nakakabit sa gate ng garden at pumasok ang isang lalakeng nakahood at nakayuko kaya di ko makita ang mukha, napapigil kami sa pagprapractice ni Asiy at tiningnan yung lalake. Iniangat niya ang ulo niya at unti unting inalis ang hood, and ang friendly prince pala.

"oh Leonell." Bati ni Asiy sa kanya. "Uy Cassie, Alizza, ano ginagawa niyo dito?" Biglang lumapit si Leonell sa likod ng statue, may kinuha siya, isang gitara, tama nga pala, ang garden ang favorite place niya pag walang pasok, dami nga kadate nito lagi eh. "Ah eh wala lang, nag uusap lang kami ni Cassie." Naging normal ang postura ko na noo'y nakapameywang pa, nakakahiya, again.

Ngumuti ako at habang tinetest ang gitara niya ay napatingin siya sa upuan kung saan nakalagay ang mga bag namin at ang, poster. "sasali ka sa Top Model 2014 Cassie?"

Tumingin ako kay Cassie, tinuro niya ako then she winked to Leonell. "ah Ikaw pala Alizza? sasali din kasi ako, sana partner tayo" Yumuko siya at plinupluck ang gitara niya. Wow! sasali din si Leonell, edi kahit papano may mga kasama na ako, kasi for sure, may fansclub na tong si Leonell. Nagpatuloy lang kami ni Asiy sa pagprapractice habang si Leonell naman ay nagpapatugtog ng gitara niya.

Hapon na and dumeretso na ako sa SSG office para sa meeting namin, every monday kasi ang meeting para sa gagawin namin the whole week. 6pm pa ang meeting kaya nagbasa na ulet ako ng Patama Ni Mikoii book na binili ko nung sunday sa book store, ganda ng mga opinions niya eh, hanep na author (segway lang haha)

Binuksan ko ang page 63, page 2 of chapter 3, putol putol kasi yung pagbabasa ko dahil na rin sa mga gawain sa school at bahay.

"Be a good image, have the right posture and dont let anyone spoil you up. Don't be impatient to wait a person who will love you because late happenings are always the best."

Parang naguguluhan pa ako sa nakalagay dito, so sa 17 years of my existence, wala padin ang best true love ko? 7 billion people and Im still single? I opened page 71 and nakita ko sa title ang words na : "Signs that you love a person"

Aba, try ko nga to kung crush ko lang si Adam o talagang nafafall na ako sa kanya

"When he's there, your heart beats fast and youre starting to feel nervous."

Medyo ganito naman nangyayari sakin pag nanjan si Adam pero pwede naman ding crush lang yun.

"You often think of him and always look for him"

Well, hinahanap ko siya ngayon kasi syempre may meeting kami, yun siguro yun.

"His name is written on the last pages of your notebooks"

Patay, naiflames ko siya sakin dati, ang astig nga eh, kaya ko inulit ulit kasi Marriage yung result namin, pero di ko pinapaalam kay Cassie lahat ng yun, all time crush niya din kasi si Adam kaya minsan nag aagawan kami, paunahan sagutin ni Adam, natatawa ako sa pagiging ambisyosa namin.

"You didn't think his defections"

Well, wala naman akong maisip na depekto kay adam eh, he's tall, handsome, matipuno ang katawan, neat, intelligent, magaling maggitara at magbasketball, mahaba nga lang ang buhok at may piercings pero okay lang yun, lapit na siya maging perfect guy for me.

"He's always..."

Biglang bumukas ang pinto kaya napatigil ako sa pagbabasa, napatingin ako sa pumasok at si Leonell lang pala, bigla kong sinara ang libro ko, lumapit naman si Leonell sa akin.

"Hi Alizza! ay sorry, miss Chairman pala!" Bumalik ang pagiging jolly niya, hindi katulad kanina na parang malungkot siya. "ano ka ba, Alizza nalang, happy kana ulet ah, nakamove on kana ba?" Biglang umangat ang dalawang kilay niya.

"Paano mo nalaman?" Oo nga pala, dapat nga pala di na ako nagsalita, chismosa ko talaga eh, pero di naman ata chismosa yun kasi ang lakas ng boses ni Claire na parang ipinagmamayabang pa ang paghihiwalay nila. "eh basta narinig ko usap usapan eh."

"ah, oo okay na ako." Tumango nalang ito habang nakapikit. "Ayos naman ! kita mo ba si Adam? siya nalang ata kulang, start na tayo" Lumingon lingon ako at tiningnan din ang iba kung may kulang pa, at si Adam nalang talaga.

"Ah lapit na yun, siya kasi Captain namin sa basketball, nag usap pa sila ni Coach." Tumango nalang ako ulet at humugot ako ng pagkain sa bag ko, mahilig kasi ako sa Piattos kaya minsan bumibili ako sa hapon.

"Kain tayo Leonell!" Inabot ko sa kanya ang nakabukas na chicherya. "Osige di kita aatrasan!" Eto na, umandar na pagkafriendly niya, pinagsaluhan naming dalawa ang kukurampot na Piattos, masaya kasama si Leonell kasi palakwento, kaya di mo talaga mamamalayan ang oras 'pag kasama mo siya.

"Alam mo ba, kung gusto mo, bukas practice tayo para sa next top model 2014, sa Friday na eh." Sabi niya habang kumakain ng piattos at tumitingin naman sa isang magazine ng campus

"ah, ehh ikaw bahala" Nagkibit-balikat nalang ako, gusto ko rin magpractice. Nakapanghawak nalang ako sa buhok ko dahil sa hiya.

"Sige, may sosootin kana ba ? ako wala pa eh, pero kakain muna ako nito para makapag isip!" Sabay pikit ng kanyang mga mata habang pinapapak ang piattos at napahawak siya sa ulo niya, natawa ako, eto na naman pagka-Joker niya, mahilig talaga siya magpatawa.

"wala din ako eh, pero tutulungan daw ako ni Cassie sabi niya." 

"Ah ganun ba ?"

Tumango ako at ngumiti siya sa akin sabay kuha ng cellphone niya sa bulsa niya.

"Izza penge naman number mo" Inabot niya sa akin ang Iphone niya. Choosy paba ako? alangan naman di ko ibibigay, saka kailangan din may contact ako sa mga co-officers ko diba. Kinuha ko ang cellphone at nilagay ko ang number ko.

Tumayo siya nun mula sa pagkakaupo para itapon sa basurahan yung wrapper ng Piattos, matapos kong maisulat ang numbero ko ay iaabot ko na sana sa kanya ang mamahalin niyang phone. "Eto na Leonell oh." Bumalik sya mula sa pagtapon ng wrapper at kukunin niya na sana ito kaya binitawan ko na, ngunit dumulas sa mga kamay niya at napatayo ako bago pa ito bumagsak sa sahig.

"Naku Leo..." Inangat ko ang ulo ko pagkasabi ko nun and then there we goes, tinitigan niya ako na parang may gusto siyang sabihin, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, ano ba to ? nenenerbyos ba ako o natatakot baka pagalitan niya ako sa Iphone niya ? pero habang huminto ang oras nun, nalaman kong ang ganda pala ng mga mata niya, ang tangos pa ng ilong, and medyo mapula ang mga labi.

"S-Sorry Leonell!" Nagiging utal na naman ako magsalita, sabay naming pinulot ang Iphone at nahawakan niya ang kamay ko, dahilan para magtitigan ulet kami at sabay na napatayo.

"Naku, di mo kasalanan yun Izza, ok lang!" Sabi niya habang nakatitig sa'kin at nakangiti. Dumating bigla si Adam at umupo sa tabi ni Leonell, yung ibang nagigitara at naglalaptop ay nag assemble na at umupo na sa mga upuan na nakapalibot sa table .

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now