CHAPTER 50

750 11 2
                                    

ADAM POV

Maaga akong pumasok para sa araw na ito, ngayon ang intramurals ng East District na pinakahihintay namin at mabuti nalang dahil si Isay ang papalit sa akin bilang officer na magmamanage ng program kasi nga Varsity ako.

Nag-iisip parin ako sa magiging desisyon ng faculty, sana ay pumayag sila dahil tamang tama araw ng retreat at christmas party namin yun.

Pumunta na ako ng Savior High School at magkasabay kami ni Claire nang makita ko siya na nakatayo sa entrance gate.

Kailangan din niyang maging maaga kasi siya ang cheerleader ng pep squad nila at nandoon din si Cassie.

Sabay kaming naglakad patungo sa basketball court at nakita ko na ang ibang miyembro ko kabilang na doon si Leonell, at naroon din ang grupo ni Kali.

Nagwarm-up lang kami at nagshooting, advantage namin ang venue ng laro dahil dito kami nagprapractice at di pa rin naman dumating ang makakalaban naming grupo.

Nakita kong nakatingin lang sa amin si Claire habang hinihintay ang ibang kasamahan niya at bigla akong nagulat nang lumapit si Kali sa kanya at inalayan ito ng bola.

“Gusto mo matuto magbasketball?” Ngumiti si Kali na noo’y inabot kay Claire ang bola at agad naman itong tinanggap ni Claire at tumakbo sa kabilang ring para ishoot ito, hinabol siya ni Kali at masaya silang naglalaro habang nagpatuloy kami sa pagshoshooting.

“Asan na kaya si Isay.” Tiningnan ko lahat ng sulok ng mga bleachers ngunit di ko siya makita, nakita ko si Asiy na noo’y kasama din ang ibang cheerdancers at masayang nagstretching habang nakatutok ang mga mata sa naglalarong si Claire.

Nilapitan ko si Asiy at nagtanong ako kung nasaan si Isay kasi dapat maaga din yun kasi siya ang in-charge sa program. “Nag-aayos pa siya ng banners ng school at ng SSG eh, miss mo na agad?”

Hinugot ko ang liston ng soot kong jersey shorts at ngumiti sa kanya. “Oo, miss na miss ko na si Isay”

Lumapit siya sa akin at inangat niya ang mukha ko na noo’y nakayuko at nakatingin lang sa sapatos ko.

“Miss ka na din ni Isay, alam mo ba yun? mahal ka pa kaya nun, at nararamdaman ko din yun” Binigyan niya ako ng isang magandang ngiti at sinundan naman ito ng pag-akbay ni Leonell sa akin kaya iniwan ko nalang silang dalawa para naman magkasweet moments sila.

Bumalik ako sa kabilang ring at nagpatuloy sa pag-eensayo para sa pangalan ng skwelahan namin.

NARRATOR's POV

Ilang minutong pag-eensayo ang ginawa ng pinagsanib na Quellin at Savior High, nagshooting sila at mas pinagtuunan nila ng atensyon ang 3 point shooter nilang si Leonell at ang gagawin nilang depensa dahil sa pagkakaalam nila ay malalakas ang El Dorado University players at matitipuno ang katawan nito.

Matapos ang ilang oras ng pagpapahinga ay nagsimula na ang kanilang final game, dahil sa madalian lang ang laro ay naging do or die agad ito sa kadahilanang naghahabol sila ng panahon.

Ang mananalo sa larong iyon ang makakalaban ng Western District champions sa grand finals.

Nagsimula na ang 1st quarter ng laro at nasa bench pa si Adam upang pagmasdan ang laro ng kalaban, nasa laro ang noo’y captain na si Kali at ang Point Guard na si Leonell dahil mahahaba ang kanilang stamina.

Napalamang nila ng pitong puntos ang unang sampung minuto ngunit pagkadating ng dalawang natitirang minuto ay agad na nagsubstitute ang isang apelidong Daguhoy sa isang player na siyang nagpatabla ng puntos nila, natapos ang 1st quarter sa score na 23-23 at pabor sa El Dorado ang bola ng 2nd quarter.

Sa pagpasok ng 2nd quarter ay nagpahinga naman si Leonell at pumalit si Adam, todo Cheer na si Claire na noo’y masayang pinapanood si Kali at feeling niya ay nahuhulog siya ulet dito, nalaman niyang lumalapit si Kali kay Isay para tulungan siyang magkabalikan silang dalawa at napatawad niya na naman si Kali kaya handa niya nang buksan ang puso niya para dito.

Si Isay naman ay agad na napatayo at tiningnan ang naglalarong si Adam, sa bawat puntos na naishoshoot ni Adam ay katumbas ng hiyaw ng madla, mapa-turnover or rebound ay walang awat na naghihiyawan ang fans ng collaborated team.

Kinilala si Adam bilang MVP ng Savior High School sa bawat athletic meet at ganoon narin si Kali kaya magandang combination ang nagagawa ng dalawa pagdating sa opensa.

Gayunpaman, nahihirapan sila sa pagpasok dahil sa solid na depensa ng kalaban, kaya humabol ang kupunan ng El dorado nang sunod-sunod na nagpakitang gilas si Daguhoy at magaling din ito pagdating sa 3-point shooting.

Nahirapan sila kaya pinapasok ng grupo si Leonell at doon na nagsimulang humabol ang Savior hanggang sa lumamang sila ng apat na puntos bago matapos ang Quarter sa score na 48-44.

Nagpahinga ang tatlong star ng grupo sa pangatlong Quarter at ganoon nadin si Daguhoy, pero iyon ang naging dahilan ng pag-angat ng team ng El Dorado nang sunod-sunod itong magpakawala ng mabibigat na Dunk at Alley-op at di naman maharang ng mga manlalaro ng SHS at Quellin dahil na nga sa kalakihan ng mga katawan nito, makalipas ang ilang minuto ay lumamang ng sampung puntos ang El Dorado dahilan ng pagkakaba ng Coach ng grupo, pinapasok nila si Adam at Kali sa huling dalawang minuto at pumasok din si Daguhoy, nagpakita ng magandang laro ang tandem na Kali at Adam nang pinasok ni Adam ang bola kahit na malalaki ang kalaban, nagpakita ito ng liksi at ginulo ang isip ng mga kalaban upang magkaroon ng pwesto si Kali para makashoot sa 3 points lane at di nga siya nabigo sa planong yun.

Nagpakitang gilas din si Daguhoy at di nagpaawat sa pagshoot niya sa 3 points lane wala itong sablay, dahilan na lumamang ulet ng sampung puntos ang kalaban.

Pinagbutihan ng dalawa ang huling minuto ngunit biglang natumba si Kali nang ipasa na sana ang bola kay Adam nung nakapasok ito sa loob ng area dahilan na nasalo ni Daguhoy ang bola at itinakbo ito, pinatagal niya pa ang oras upang maubos ang natitirang segundo at nang humantong sa katapusan ang shotclock ng grupo nila ay ishinoot niya ito at pumasok mula sa 3 points lane, natapos ang 3rd quarter sa score na 79-66, pabor sa El Dorado University.

“Makakaya kaya nating habulin to?” tanong ni Adam habang tumungga ng tubig mula sa container na hawak hawak nito, tinapik siya ni Kali na noo’y nagpapahid ng towel sa mukha niya at tumawa.

“Isipin mo nalang na naglalaro tayo ng patintero, yakang yaka to!” biglang lumapit si Kali sa tenga ng noo’y umiinom na si Adam at bumulong.

Wag na natin sundin si Coach, sundin natin yung combination natin ni Leonell na ginawa nung nag-ensayo tayo” Agad napataas ng kamay si Adam at ngumiti sabay apir sa binatang naliligo sa pawis, tinawag nila si Leonell at sinenyasan ito na gagawin ang plinano nila noon pa.

Nagkasundo ang tatlo at ilang segundo makalipas ay nagsimula na ang huling quarter ng laro.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now