CHAPTER 23

24 1 1
                                    

ALIZZA POV

"Sabi ko , tayo na, sinasagot na kita." Parang naguguluhan pa siya, pero bigla siyang ngumiti at niyakap ako ng napakahigpit, napasaya ko yata siya ng sobra. "Talaga? Tayo na ? You mean girlfriend na kita?"

Tumango nalang ako kahit ilang beses niya nang nililinaw, siguro ay di pa siya makapaniwala. Laking gulat ko nang binuhat niya ako bigla, sa sobrang saya niya ay napasigaw siya ng malakas.

"Mahal kita Alizza!" Hindi siya tumigil sa kakasigaw sa tuwa. "Uy tama na, baba mo na nga ako, tara na baba na tayo ?" Natawa ako sa reaksyon niya, parang batang binigyan ng house and lot.

"Okay sige, pero last na, I LOVE YOU ISAY!"

Labis ang ngiti mula sa labi niya, kita ko ang abot tenga niyang ligaya, ramdam ko ang haplos ng kanyang mga braso sa aking likuran.

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka,
Makasama ka,
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag

Ang pusong itoMawala ka, sa 'king pilingMahal ko iyong dinggin

Ganito pala ang magmahal, mabuti naman at naranasan ko, sa taong matagal ko nang gusto pa ibinigay sa akin ang aking gusto. Hindi ko maipinta ang nadarama ko kay Adam, marahil ito ang una kong pag-ibig, ito ang hindi ko makakalimutan.

At wala nang iba
Pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng
Pag-ibig nating dal'wa

Sana nama'y nakikinig ka
Kapag aking sasabihing
Minamahal kita ahh..

Minamahal kita, Adam Matthew Maghirang.

Natinag siya sa pagkayakap at binaba ako, saka kami bumaba pareho upang tumungo sa venue, after few minutes, nagsimula na kaming magphotoshoot.

Masaya lang ako sa pangyayari ngayon, ang dati kong pinapangarap, nililigawan ako at ngayon, Boyfriend ko na, sarap ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal ko ang taong to.

-♥-♥-♥-

Weeks na nung naging kami ni Adam, ang hirap ng sitwasyon namin, 'di kami masyado nagsasama kapag nasa school dahil baka mabuking at masabit pa kami. Pero kapag nasa labas na, sumasabay na si Adam sa amin ni Cassie kumakain ng Isaw at fishball, hinahatid nya nadin kaming dalawa ni Asiy at lagi siyang dumadalaw sa bahay, kahapon nga ay nagsimba kaming tatlo ni Alisson eh, kaya napalapit nadin si Alisson sa future brother-in-law nya, okay naman na yatang mag-assume ako.

Lunes ngayon at may Science fair kami, dito kami nakafocus last week, whole hour ng Physics ay dito namin nilaan, kami lang na mga taga special science curriculum ang may event na ganito, dumayo dito yung mga taga Quellin's Science school kung saan andoon din ang crush ko dati na si Kali, isa din sa mga varsity player ng Quellin kaya lagi ko siyang nakikita kapag kami ang sponsor ng Interschool events, or kaya kapag may interschool kahit saan, sumasama kasi ako kasi may singing competition din at saka si Asiy naman ay dancer din dati pa.

Iprepresent namin ngayon ang robot na ginawa namin sa section, hydraulic robot na kayang magbuhat ng heavy objects, gamit namin is hose and some big syringes, yung mga hydraulic robots kasi dati puro mga pebbles lang ang kayang buhatin, yung sa amin ay pwede makapagbuhat ng mga plato o mga bagay na mas mabigat pa sa 200 grams pero di dapat sosobra sa 2 kilos.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now