CHAPTER 44

1.3K 31 10
                                    

ALIZZA POV

"Anong ginagawa niya dito?!" Di nakawala sa tingin ni Adam si Kali at papalapit na kami, tumayo lang bigla si Leonell at sinalubong kami.

"Well dude, chill, I don't even know why he's here" Agad inakbayan ni Leonell si Adam at tiningnan kaming tatlo mula ulo hanggang paa, nakakapagtaka at nagtuxedo pa siya gayong naka shorts lang naman kami tapos si Adam nakapantalon lang.

Umupo na kami sa mesa at napatabi pa ako kay Kali habang nasa harapan ko si Adam.

"He..hello Kali" then Kali smiled at me, "Oh ayaw ko na ng gulo, I know na magkarelasyon kayo ni Adam and nabalitaan ko ang nangyari"

Nagulat si Cassie sa nadinig niya, "Talaga?! Kumalat pati sa Quellin?" Tumango lang si Kali at agad naman niyang hinablot yung menu na nasa gilid.

"Pero wala na kami." Sabi ko nalang ng pabulong habang pinupunasan ng tissue ang mga labi ko galing uminom ng isang soda na nasa glass.

"Ano? Sorry to hear that" Nagulat ako at napatingin kay Kali, ang lakas pala ng pagkakabulong ko! Sa kaba ko ay napakuha nalang ako ng isang part ng roasted chicken, nakahanda na kasi siya, mukhang umorder muna si Leo, at eto namang si Asiy ay agad nagtanong.

"Formal na formal ka ngayon Leo ah! You look handsome tonight!" Agad namang naghimutok si Leo sabay takip ng mukha niya gamit yung menu. "Ohh gees, I thought you will wear like this too, tara kain na"

Then we start eating.

"Guys can I join? Magbabayad nalang ako sayo Leo saka may sasabihin din kasi ako sa inyo eh" Kali Raised his left hand while saying those words but Adam and Leo, in chorus, opposed. "We're not interested"

Agad namang binaba ni Kali ang kamay niya at ngumiti, "I know it's a big deal hurting Claire but please listen to me this time."

Kumain nalang ang dalawa at napatingin nalang ako kay Kali, nakakaawa naman siya ngayon, gano ba kasi ka-big deal yung ginawa niya kay Claire para di siya mapatawad ng dalawang to.

"Go on Drake, talk and I'll listen." Sa pagkakasabi ni Asiy ay napatingin ang dalawang mokong sa kanya and then Asiy do the eyes talking. "Okay there, but make sure it's well explained, kung may lusot kamang ginawa o gawa gawa, humanda ka talaga sakin." Sabi ni Leonell habang kumakain. Then Kali spoke.

"Ganito kasi yun, I was a big enemy of Black Raven, His creepy name reflect his creepy manners too, he's the wicked major shareholder of the Quellin , and isa ako sa naging laruan niya, di ko gusto paglaruan si Claire at yung boyfriend ng ex bestfriend nya ? blinackmail din ni Black yun, all of us was putted in his game kung alam niyo lang. Kaya nung nakapasa ako, ginawa niya akong SSG president ng campus, and then I found out that he was not that murderer pero he murdered any manhater's heart, did you guys get me?"

Sa pagkahaba-haba ng sinabi niya ay naintindihan ko naman at naaappreciate ko siya, idol ko si Kali at mas naging Idol ko siya nung sinabi niya ang sekreto niyang yun, but the two Saviors put a big "no" in their face with a thumbs down.

"Alam mo, kung nasa tamang pag-iisip ka, di mo susundin ang utos ng isang taong nagmamay-ari lang naman ng campus niyo" sabi ni Adam habang umiinom ng champagne.

"Yes and also, pakisabi ng address nung black kung totoo man, para sunugin ko bahay nila." Hirit pa ni Leonell, agad namang sumagot si Kali, "Kahit na sinabi niyang sasaktan niya at guguluhin buhay ng minamahal ko? the real one that I love? I know Black keep his promises or words and I'm afraid about it, kaya kung di niyo man lang ako mapapatawad, sana makarating ito kay Claire nang malaman niya na..." di paman siya nakapagtapos sa pagsasalita ay biglang dumating si Claire na ikinagulat namin lahat.

"Lahat lahat, now I know this, thanks ha? At ngayon mo lang ito sinabi, dahil sayo naging matapang ako, thanks dude!" unti unti siyang lumapit kay Kali at inabot niya ang kamay niya, di alam ni Kali ang gagawin niya kaya hinablot nalang ni Claire ang kamay ni Kali at shinake ito.

"No really, thanks for doing that, I love being strong" agad namang tumayo si Asiy na nakasimangot at tiningnan ng maigi si Claire.

"Being strong ? eh sa ginagawa mong pambwebwesit sa mga tao, nagiging kagaya ka na din ni Kali, mapaglaro, manggagamit!" Agad akong tumayo at pinatahan si Asiy na noo'y galit na galit.

"Sorry for that, alam ko bang masasaktan sila ng husto?" sabi pa ni Claire habang umiinom ng red wine, wala akong maiinsert sa usapan, baka ako pa mapagbuntungan ng galit ng lahat kaya nanatili lang akong tahimik sa kabila ng lahat ng pag-uusap na ito.

"Claire the truth is, you're not making yourself stronger, you're making yourself horrible, sooner or later, you will find no true love with that manner, paniwalaan mo ako di bilang Ex mo kundi bilang kaibigan mo." Sambit ni Kali, agad namang tumayo si Claire at dinuro si Kali na noo'y seryoso ang mukha. "How could you say that if that's your nature?"

Tumayo naman si Kali at pilit na hinahawakan si Claire, "I was fooled Claire! I was fooled! After my girl knowed that I was with you all those months, she broke up with me! That's why I continue the game because If I don't, my family would be in harm! Pero alam mo bang lahat ng pinakita ko'y pawang totoo? Minahal kita Claire, minahal!"

Natahimik si Claire at mangiyak ngiyak na umupo, wala siyang nasabi at di na umiimik pa, napayuko nalang si Kali at nagpaalam, "Well I guess you guys can't forgive me now, but I hope you will understand, I hope" naglakad papalayo si Kali and we ended the night with full of revelations. What a night.

It's the result day and I guess I'm on the top list padin dahil tita Bernie called me to come over, pumunta agad ako ng school pagkatapos magbreakfast.

"You're the overall top 2 in this period and Adam's the first, but he's not here, alam mo ba kung asan siya?" pahayag ni tita Bernie na may kasamang tanong at nagpakirot ng dibdib ko, bigla akong napaupo sa may upuan sa bandang gilid nung umalis na si tita Bernie at tinabihan naman ako ni Alisson, "Ate, it's okay! May 3rd and 4th quarter pa, yakang yaka mo yan! Ikaw pa! Idol na idol kita eh" Pagcocomfort ni Alisson sabay hawak sa likod ko at pinahid-pahid ito pataas at pababa.

Medyo nadisappointed ako at nalito kung di ko lang ba talaga naibuhos lahat ng makakaya ko o sadyang dinistract ako ni Adam? first time kong di maging top 1 sa klase kaya nakakapanibago, ilang minuto pa makalipas ay bigla kong nakita si Adam, nakita din ito ni Ali at agad siyang tumayo at sinugod si Adam, nagulat nalang ako at pinagsusuntok niya na si Adam sabay sigaw "Walang hiya ka! User! User!" napatayo nalang ako at hinawakan si Ali na noo'y galit na galit kay Adam.

"Ali, I'm sorry okay? Kung naisip mong ginagamit ko ang ate, sorry talaga, but we're friends na , diba Isay?" Tumango nalang ako at hinila si Ali papalabas.

"Tara na Ali" parang wala akong gana kausapin na si Adam, umuwi nalang kami at ibinalita ang nangyari, actually, si Ali lang nagbalita at dumeretso na ako sa kwarto. Naiisip ko parin yung result, ako yund top 2 at si Adam ang top 1, naiisipan ko tuloy na sinadya niyang idistract ako kaya medyo nasaktan ako sa nangyari.

Bumalik ulet ang pag-iisip ko sa nangyari sa taong ito, malapit na matapos at malapit na ang araw ng mga patay, pagkatapos nito ay Christmas party na kasabay ng Retreat namin, pagkatapos ay ang JS promenade at ang huli ay Graduation, malapit na talaga.

Pagsapit ng hapon ay pumunta na kami ng campus at nagsimula na ang seremonya, kasama ko si mama at si Alisson, silang dalawa ang tutungtong sa stage upang sabitan ako ng medalya, sana naman ay di ako mapapansin ni Adam kanina, ayoko lang talaga munang kausapin siya ngayon.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now