CHAPTER 51

764 14 1
                                    

NARRATOR's POV

Nagsimula na ang 4th Quarter pero bago paman nangyari yun ay lumapit na si Kali sa Coach nila, “Coach, hayaan mo na kung ano magiging galaw namin ha, wag kana magpatawag ng time out, sayang yang isang natitira, sesenyas nalang ako, okay?” sabi niya habang tinapik-tapik ang balikat ng kanilang coach.

Pabor ang unang puntos sa SHS kaya agad nilang ginawa ang balak nilang gawin, itinakbo ni Adam ang bola at sinubukang guluhin ang posisyon ng kalaban, nang makita niyang gumulo na ito ay pumasok siya sa loob para magkunwareng ilalay-up ang bola, tumalon ang dalawang malalaking manlalaro mula sa El Dorado at mabilis na pinasa ni Adam kay Leonell ang bola at bigla itong ishinoot mula sa 3 points lane, agad naghiyawan ang buong court nang pumasok ang bola.

Nagpatuloy sila sa paglalaro at maswerteng nanakaw ni Kali ang bola, agad niyang itinakbo ito at dahil magaling ito sa acting, nagawa niyang icounted foul ang shoot niya nang tumalon siya at nagkunwareng itinulak ng sumusunod na kalaban, romolyo siya sa sahig at nagpatawag ng shooting foul ang referee kaya nauwi sa freethrow ang drama niya, naishoot ito ni Kali kaya bumaba sa pitong puntos ang lamang ng kalaban.

Pinahaba ng kalabang team ang oras at ginasto ang shotclock saka sinisigurado ang puntos upang makapagsayang ng malaking oras, naging mainit ang laban sa dalawang kupunan, nagpakita sila ng gilas pagdating sa stamina at sa technique, di nagpatalo ang El Dorado at sunod sunod itong nagdunk at nagnomal shoot dahil di magawang iblock ng SHS dahil nga sa laki ng mga katawan nito.

Dalawang minuto nalang ang natira para magtapos ang laro ngunit lamang ng apat na puntos ang kalaban.

Nagpatawag ng timeout si Adam na sekretong sumesenyas sa coach nila, kinailangan nila ang timeout na yun kahit na wala na silang natitirang timeout para makapagpahinga ang tatlong star ng laro, natapos ang time ng timeout at agad silang bumalik sa court, pagod na pagod na si Adam nun at biglang sumagip sa isip niya si Isay, hinanap niya kung saan ito umupo at agad niya namang nakita ito sa mababang upuan na may dala pang Banner na nakasulat.

“Go EWY!” Ngumingiti ito nang makita niya kaya nabuhayan siya ng loob, ganun din si Cassie na nagpagawa pa ng T-shirt para sa goodluck message niya kay Leonell habang si Claire naman ay inangat din ang banner para sa pag-goodluck kay Kali, nabuhayan ng loob ang tatlo at pinagpatuloy ang plano nila upang matalo ang kalaban.

Bola nila subalit naagaw agad ito ni Daguhoy at agad na itinakbo ang bola at naidunk niya ito, tumaas sa anim ang lamang ng kalaban kaya pinagbutihan nila ang laro, pinasa ni Kali kay Adam ang bola at itinakbo ito patungo sa lane nila, sinubukan niyang pumasok pero nahirapan siya nang magsubstitute pa ang kalaban ng isang 7 footer na tao kaya lalo silang nahirapan ipasok ang bola sa ring.

Agad na nagpakitang gilas ang noo’y inspiradong si Adam at pinakitaan ng kaliksian ang higanteng katapat niya, pinasok niya patungong ring ang bola at nang nakita niyang ibloblock ito ng higanteng kalaban ay nagsidestep siya at napasok ang bola, naghiyawan ang buong court sa ginawa ni Adam, lalong lumakas ang hiyaw na parang nanonood ng concert.

Napaapir nalang ang buong team sa kanya sabay patuloy ng laro, sinubukan din ni Kali ang talas ng kanyang mga mata, nanakaw niya ang bola nang sinubukang ipasok ng kalaban ang bola kaya agad niyang itinakbo ito ng napakabilis at agad namang sumunod si Adam, ishoshoot na sana ni Kali ang bola pero natapilok ito nang tumalon kaya naglanding ang bola sa board at agad namang rumesponde si Adam at kinuha ang bola saka ito idinunk sa ring.

Lumakas ulet ang hiyawan na parang walang katapusan, nagpatawag ng timeout ang kalaban sa natitirang tatlungpu’t anim na segundo.

“Acting ko lang yung natapilok ako kasi alam kong andoon si Adam sa likod ko” Napakamot si Kali sa sinabi niya sabay tawa habang umiinom ng tubig, di na nagsalita ang coach dahil alam niyang kakayanin ng tatlong star ang laro, “Sali niyo naman kami minsan, kayo nalang star lagi, HAHAHA” napatawa nalang ang noo’y kumakamot na si Harold at agad itong inakbayan ni Eugene.

Love Geeks (EDITING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz