CHAPTER 33

16 1 1
                                    

ADAM POV

“Okay humarap kayong dalawa kay Adam.” Sabi ni sir mark habang nagshoshoot kami, di ako mapakali, nasa harapan ko ang ama ng babaeng minahal ko pero kailangan kong gamitin sa ngalan ng pinakamataas na pwesto sa recognition , kailangan ko nalang siguro ipagpatuloy to, kahit masakit , unti unti kong kakalimutan na minahal ko ang isang babaeng to, para di kami masaktan pareho kung matapos man ang misyon ko, kahit ipagpatuloy ko ang pagmamahal ko sa kanya, malalaman at malalaman niya din ang plano ko kaya mas mabuti na yung kapag natapos na yun ay sasabihin ko na, nang di na masyadong masakit.

“Okay now, Adam harap ka kay AJ” sabi ni sir mark kaya agad akong humarap kay Isay habang nakahawak si Claire sa katawan ko, ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sa akin, etong mukhang to, etong mukhang to ang sasaktan ko? Napakainosente ng mukha ni Isay, isang babaeng perpekto para sa akin, pero dahil dun, kaya ko siya kailangan gamitin, sana maintindihan niya ako sa huli.

Natapos ang photoshoot at nagpahinga na muna kami.

“Hello Ewy” Bungad niya saking nakangiti. “Hello Yame”

Pareho kaming nasa labas ng office ngayon, nagbibihis pa si Claire kasi kasama siya sa photoshoot nila ni Kesha at Alisson.

“May problema ba?” sabi niya habang hinawakan ang kanang kamay ko. “ah... wala naman.”

“pero parang meron eh, kahapon ko pa napapansin.”

“Wala talaga, basta mahal na mahal na mahal kita , okay?” dinikit ko ang noo ko sa noo niya at nagka nose-to-nose kami, saka ko hinalikan ang noo niya.

“Mahal na mahal din kita."

“Tara pasok na tayo sa loob?”

“Sige...”

Sabay kaming pumasok sa office at magkaholding hands pa, dapat ganito lang Adam, wag ka maging emo kasi dapat maging successful ang mission mo. Pumasok na kami sa loob at nanood lang sa dalawang chikiting kasama si Claire habang kinukunan ng larawan ni sir Mark. Natapos naman ang gabi ng walang gulo, yun nga lang, gulong gulo na ako sa sarili ko.

-●-●-●-

“Next week is the foundation month, and our curriculum is the sponsor and facilitator for this year, so habang maaga pa, i’ll need all your help para sa activities, lalo na at andito ang dalawang SSG officials ng campus”

First week palang ng August pero kailangan na naming magplano, isa ito sa mga character ni tita Bernie, always advance ang pag-iisip, pero naeexcite nadin ako, kaya tama lang siguro na magplano na kami ngayon.

“So any suggestions? about our activity?” dagdag pa ni tita Bernie habang umupo sa teacher’s table.

Tumayo si Erika, yung classmate naming magaling sumayaw.

“How about magtayo tayo ng mga booths sir ? then yung mga kikitain ay idodonate sa mga nasalanta sa bagyo.” Wow charitable plan, nice one, Erika!

“I’m interested, go on, who can continue Erika’s plan?”

Tumayo naman agad si Jyca at nagpatuloy sa pagsasalita.

“Yeah it’s good, I’ll suggest the Photo booth, kasi nga we know our generation today, more selfies, more instagram na ang mga teens, kaya malaking factor ang photobooth!”

“Yeah and mas maganda kapag may twist yun.” Dagdag naman ni Joshua.

“I also suggest having the marriage booth and the Dare booth.” Sabi ni Lisanna na di na tumayo at nagraise nalang ng kamay.

Love Geeks (EDITING)Where stories live. Discover now